Kaye's POV
"Bakit ba ang tagal ni Black? Tawagan mo na nga, Stephen," utos ni Alex kay Stephen.
Nakita naming magrereklamo pa sana siya pero tinaas lang ni Alex ang isang kilay niya, wala pang isang segundo ay nakalabas na ang phone niya.
"Sabi ko nga. Mainipin talaga 'yung asawa ko. Hayst."
Bumulong-bulong pa siya pero narinig naman namin. Nagkibit balikat lang iba samantalang napangiti naman ako saglit.
"Hindi siya sumasagot," sabi niya kaya napabuntong hininga na lang kami.
Nag-order naman ng isa pang kape si Ethan dahil naubos na niya 'yung kape niya. Kanina pa kasi namin hinihintay si Black. Halos isang oras na ang lumilipas at hindi pa din siya dumadating dito sa coffee shop.
Saktong pagkaalis ng waiter na tinawag ni Ethan ay siyang pagbukas ng pinto ng coffee shop. Tumingin kaming lahat at nakita si Black na papasok. Hanggang makaupo siya ay hindi namin siya nilubayan ng tingin, umaasang magandang balita ang dala niya. Pawisan siya at mukhang tumakbo-takbo pa sa kung saan-saan. Magulo din ang buhok at halatang ilang gabi nang walang tulog.
"Kamusta? Nahanap mo ba?" tanong ni Giovanni sa kanya pagkaupong-pagkaupo niya sa tabi ni Stephen.
Nag-iwas lang siya ng tingin at umiling kaya halos sabay-sabay kaming napabuga ng hangin.
"It's not her. It's a different person. I tried searching the different areas near the given location but I never saw her," mahinang sabi ni Black pero sapat na para marinig namin.
Ramdam namin ang pagod sa tono niya. Oh well, hindi lang naman siya ang napapagod. Pero kahit gano'n, hindi pa din kami titigil.
7 years...
Pitong taon na ang lumipas simula ng gabing iyon. Pitong taon na ang nagdaan at lahat ay nasa ayos na sa loob ng mga taon na 'yon. Isa na lang ang kulang. Dahil pitong taon na din naming hinahanap si Kiana.
Simula nang bumagsak si Yumi sa sahig ng gabing 'yon au hindi na namin siya nakita pa. She ran away. Hindi niya nilapitan noon si Yumi at basta na lang tumakbo palayo. Sumakay siya sa isang kotse na 'di kalaunan ay natagpuan naming nasusunog.
We think na dahil sa kondisyon niya, nahulog ang kotseng sinasakyan niya sa bangin na malapit lang sa amin at sumabog. Pero dahil wala kaming nakitang bangkay ay alam naming buhay pa siya. We can also feel it.
Hindi namin siya nasundan noon dahil kinailangan naming asikasuhin si Yumi. Dahil sa tama ng baril na tinamo niya ay halos tatlong buwan din siyang na-coma. While she's sleeping, we tried to track Kiana's location. May nahanap kaming ilang bakas niya pero hindi namin iyon nagamit para mahanap siya. Naghanap kami sa kung saan-saan pero sa dami ng mga lugar na 'yon ay hindi namin siya nakita.
"Tinotoo niya nga 'yung sinabi niya," biglang sabi ni Alex kaya napatingin kami sa kanya. "Ang sabi niya sa akin noon, sa oras na may masaktan sa atin ng dahil sa kanya, hinding-hindi na siya magpapakita pa ulit."
Natahimik kami. Hindi ito ang unang beses na narinig namin iyon. Pero sa tuwing naririnig naming sinasabi iyon ni Alex ay bumibigat lang ang loob namin.
It's unfair.
Ayaw ni Kiana na sinasalo namin ang bala para sa kanya. Ayaw niyang nasasaktan kami dahil sa kanya. Ayaw niyang nasasangkot kami sa mga gulo na wala kaming kinalaman. Kahit na ang mga taong nananakit sa kanya ay mismong mga magulang namin. At ang nakakainis pa, kahit alam namin kung anong nagawa nila, hindi namin kayang hayaan sila na mamatay sa mga kamay niya.
BINABASA MO ANG
4 Deadly Queens
ActionIn a world where power controls everything, there is no good or bad. Everyone kills to live. Everyone wants power. And everyone fights to survive. But for the so-called 'Deadly Queens', power is something they don't need. It's because the world is a...