Deadly 4: Gang Fights

2.7K 101 2
                                    

Kiana's POV

We're on our way home. Nakasakay ako sa kotse ko habang nasa shotgun seat si Yumi and as usual, nagbabasa na naman ng libro.

Ano kayang gagawin niya kapag sinunog ko 'yung mga libro niya? Or ibenta ko sa mahal na presyo? Tiba-tiba ako no'n. Kaso for sure, tiba-tiba din katawan ko dahil baka ichop-chop ako n'yan. Sabi nga niya, 'Touch everything but not my books.'

Mahina akong natawa dahil sa naiisip ko.

"What's with the expressions?"

Sumulyap ako sa kanya dahil bigla siyang nagtanong. Pero kaagad ko ding binalik ang paningin ko sa daan kung saan nasa unahan namin sila 'Insan at Alex. 

"Wala naman. Iniisip ko lang kung magkano ko ibebenta 'yung mga libro mo," I said and immediately felt her glare.

Kahit hindi ako tumingin sa kanya, naramdaman ko pa din. Tulis ng mga mata n'yan eh. Akala mo kutsilyo. At pustahan, alam ko na sasabihin n'yan.

"Touch everything but not my—"

"Boobs?" I asked and she immediately glared at me. "Ay sorry, mali. Wala ka nga pala no'n."

Mukhang susuntukin na niya ako kaya mabilis akong nagsalita.

"Joke lang naman. 'Di ka na mabiro eh!"

I saw in my peripheral vision that she just shook her head and returned her eyes on her book. Napakagat labi na lang ako habang pinipigilan ang tawa ko.

Pero magkano nga kaya kikitain ko sa mga libro niya?

Nang makarating na kami sa bahay, kaagad naming pinarada ang mga sasakyan namin sa garahe at pumasok na. Pumunta na 'yung tatlo sa kanya-kanya nilang kwarto habang dumiretso ako sa kusina.

Nagugutom ako eh. And besides, this is my usual routine. Kitchen before any place. Foods before everything.

Lalo na kapag may Piattos na green. That's heaven.

Kumuha ako ng sandwich at nagpalaman ng Nutella. Umupo ako sa lamesa at mabilis na nagsimulang kumain. Dinilaan ko pa iyong kutsilyong ginamit ko at pagkaubos ng tinapay, iyong Nutella na ang inubos ko.

After a few minutes, dumating iyong tatlo dito sa kusina at mukhang kukuha din ng makakain. Nakapambahay na sila at kaagad na natigilan nang makita ako.

Natigilan din naman ako sa pagkain ng palaman at ngumiti sa kanila.

"Problem? Ang ganda ko ba masyado at natigilan kayo?"

All three of them rolled their eyes and said, "Asa."

Tumawa na lang ako sa sinabi nila habang napairap sila ulit. Nang maubos ko iyong Nutella, bumaba na ako sa lamesa at nilagay lang sa lababo iyong kutsilyo at lalagyan. Then I exited the kitchen while they are still not looking.

I was halfway the stairs when I heard Kaye's voice.

"Bwiset ka talaga, Kiana! Wala na tayong palaman!"

Tumawa lang ako ulit at nagpatuloy na sa pag-akyat sa hagdan. Baka kasi bigla na lang silang sumulpot at gulpihin ako. Mahilig pa man din mangbato ng kung ano-ano si Alex.

Mahirap na. Baka batuhin nila ako ng palayok.

I entered my room and changed my clothes. Hihiga na sana ako sa kama nang mahagip ng mata ko iyong maskarang nasa study table ko.

Umupo ako sa kama habang pinagmamasdan iyon. It's Scarlett Vancar's golden mask. A mask of a ruffian. And looking at that mask made me remember everything that happened seven years ago.

4 Deadly Queens Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon