Deadly 78: General 4

669 43 5
                                    

Kaye's POV

Lahat kami ay tahimik lang habang naglalakad patungo sa private plane ni Lolo. Pabalik na kami ngayon ng Pilipinas at hindi ko alam kung magandang ideya iyon.

Dahil alam kong sa pagbalik namin, matatapos na ang lahat.

Sumulyap ako kay Kiana at nakitang tahimik lang siyang naglalakad sa bandang likuran namin. Medyo malayo-layo siya sa amin nang kaunti. Sobrang seryoso ng mukha niya.

I just sighed. Nasanay akong madalas siyang nakangiti at tumatawa-tawa.

Pumasok na kami sa loob ng private plane at umupo. Umupo sila Alex at Yumi sa pangatlong row. Umupo naman ako sa kabilang upuan na katapat nila. Magkatabi naman sila Stephen at Ethan sa unahan at nasa likuran nila sila Gelo at Draven. Umupo naman si Chino sa katapat nila at in-occupy ng malaking bag niya ng gamot ang katabi niyang upuan.

When I saw Kiana ay kaagad ko siyang tinawag.

"Kiana, dito–"

But I stopped when Giovanni sat beside me. Hindi siya ang inalok ko pero siya ang umupo sa tabi ko. Binangga niya pa si Kiana kaya sandali siyang napahawak sa upuan nila Alex. I bit my lips to control my temper at binalingan si Giovanni.

He shrugged and even smiled. Napabuga na lang ako ng hangin at tumingin kay Kiana. She just tsk-ed at walang pinakitang kahit anong reaksyon. Nilagpasan niya ang mga upuan namin. Nang sinundan ko siya ng tingin ay nakita kong mag-isa siyang umupo sa pinakadulo.

I was about to stand up para lapitan si Kiana pero hinila lang ako pabalik ni Giovanni. Sinamaan ko siya ng tingin but he also glared back.

"Pwede bang umupo ka na lang? Hindi niyo siya pwedeng lapitan ngayon dahil baka saktan na naman niya kayo. Just sit there and let that demon."

Napapikit ako nang mariin dahil sa narinig kong mga salita na lumabas sa bibig niya.

Magsasalita pa sana ako at sisigawan siya pero nakita kong nakatingin sa akin sila Alex at Yumi. With those stares, padabog na lang akong sumandal sa upuan ko. I calmed myself. Hindi maganda kung paiiralin ko ang galit ko.

Medyo naiintindihan ko naman kung bakit umaakto siya nang ganyan. After what happened last night, hindi na ako magtataka kung ilalayo nila kami kay Kiana. With the fact that she made a mess in our room and attacked us.

Napabuntong hininga ako kasabay ng pag-andar ng eroplanong sinasakyan namin. Lahat ng nangyari at narinig namin kagabi, lahat ng iyon ay nakatatak pa din sa isipan ko.

Pero bakit gano'n? Bakit mas tumatak sa isip ko 'yung kalabog ng pinto habang sinusubukan nilang pumasok sa kwarto? Bakit mas naiisip ko iyong mga nag-aalala nilang mukha? Bakit parang sinasabi ng puso ko na totoong may malasakit sila? Bakit nagdududa ako?

Bakit ganito?

Hindi ko na alam.

---

Apat na kotse ang pumarada sa harapan namin kaya napakunot noo ako. Apat? Sa pagkakaalala ko, tatlong sasakyan lang ay kasya na kami.

Bumaba na ang mga driver ng kotse at kinuha ang mga gamit namin. Nilagay na nila iyon sa mga compartment ng kotse pero nagtaka ako dahil hindi nila ginalaw ang mga gamit ni Kiana. I was about to speak pero naunahan ako ni Kiana.

"Aren't you being so unfair? Paano ang mga gamit ko?" tanong niya habang matamang nakatingin sa mga lalaki.

Nag-iwas lang ng tingin ang mga ito. Napabuga lang siya ng hangin.

4 Deadly Queens Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon