Alex's POV
It's already ten o'clock in the evening but I am still wide awake. Hindi pa din kasi mawala sa isip ko ang mga bagay na nangyayari sa mga nakaraang araw.
Napaupo naman ako sa kama nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Sisigawan ko pa lang sana iyong tanginang taong 'yon pero natigilan ako nang makita si Kaye. She ssh-ed me and told me to come near her. Tumayo naman ako kaagad at lumapit sa akin.
"Bakit?" mahina kong tanong dahil pinapatahimik niya ako.
"Pumunta daw tayo sa base."
Kahit nagtataka, tumango na lang ako at sumunod.
Ano naman kayang pag-uusapan namin doon?
---
"Whoa! Babaeng-babae kayo, ah?"
Gusto ko sanang pukpukin ng lamesa ang ulo ni Gelo kaso naisip ko, matigas nga pala ang ulo niya kaya wala ding kwenta.
"Ikaw naman, kahit naka-suit ka, mukha ka pa ding bakla," nang-aasar sa kanya ni Kaye.
Kaagad siyang napasimangot. Tumawa naman ang iba kaya nakitawa na lang din ako kahit awkward.
I just sighed and looked at my outfit. The four of us are wearing gowns for tonight. Para din naman hindi kami maging kahina-hinala mamaya.
"Alam niyo? Para kayong mga sanggre ng Encantadia dahil sa mga suot niyo," natatawang sabi ni Chino pero awkward naman ang tawa at hindi pa makatingin sa direksyon ko.
I just smirked. Iba talaga ang ganda ng mga taong mahilig sa dugo.
"Bading ka ba? Paano mo nalaman 'yun?" pang-aasar sa kanya ni Stephen kaya binatukan siya ni Giovanni.
"Tumigil ka na nga. Magsisimula ka na naman."
"We better go. Kailangang tayo ang mauna doon," sabi ni Ethan at nagsitanguan na lang kami.
We went to the garage while holding our masks. Masquerade party kasi ang naisipan naming theme para hindi na din kami mahirapang itago ang identities namin sa cruise. Ang mga weapons naman namin, nasa loob na ng cruise ship.
How? Madali lang iyon dahil nagpanggap na ilang crew sa barko ang ilang tauhan ni Shin.
Pagkadating namin sa port, kaagad kaming bumaba at suot-suot na din namin ang mga maskara namin. Nakita kaagad namin ang barko na sasakyan namin at talagang malaki nga ito.
"I'm glad to see all of you," bati sa amin ni Shin nang lumapit siya.
Napansin ko din ang madaming lalaki sa paligid na nakamaskara pero hindi lang ginto ang kulay kung hindi iba-iba. So it is true, huh? They are not a part of UC but their number is no joke.
"Tanungin mo muna kami kung masaya kaming makita ka," narinig kong bulong ni Giovanni.
Narinig namin iyong dalawa ni Gelo kaya natawa siya at napairap na lang ako. It looks like the others didn't hear it so they didn't show any reactions.
Sinuot na namin ang mga earpiece namin bago kami sumakay sa barko. It's already seven o'clock in the evening and we expected that Ed Smith and the others will arrive at eight o'clock. Sapat na ang isang oras sa amin para magawa ang mga plano namin.
Dahil karamihan ng crew na nandito sa barko ay mga tauhan ni Shin, hindi na kami nahirapang maglibot-libot sa buong barko dahil hindi namin alam ang pasikot-sikot dito. Hindi ko kasi makuha ang mapa sa buong lugar dahil mukhang protektado iyon masyado ng mga Ainsworth. I am confident that we can memorize every corner of this ship in just an hour though.
BINABASA MO ANG
4 Deadly Queens
ActionIn a world where power controls everything, there is no good or bad. Everyone kills to live. Everyone wants power. And everyone fights to survive. But for the so-called 'Deadly Queens', power is something they don't need. It's because the world is a...