Alex's POV
I cannot still get over from what happened a while ago. Sinong mag-aakalang papayag kaagad ang Silverio na 'yun sa plano ni Kiana? Pero mabuti na din 'yon. At tleast hindi na kami mahihirapan.
"Anong oras na?" tanong ni Kaye at sabay-sabay kaming napatingin sa orasan dito sa classroom.
"May mata ka naman, 'di ba? Gamitin mo," sabi ko.
Inirapan niya lang naman ako. Nagtanong pa kahit may orasan naman dito. Bakit 'di na lang 'yon ang tignan niya?
Nakita naming alas-otso na ng umaga at ibigsabihin, isang oras na lang at mawawala na si Colton. I wonder why those people need to set a pattern. May ibigsabihin kaya iyon o talagang trip lang nila?
"Paano kung malaman nila na may tracking device ang heir na 'yon?" tanong bigla ni Kaye.
Napaisip din ako. Kung mangyayari 'yon, hindi magtatagumpay ang pagliligtas namin sa kanila, sa kanila na mga heiress at heir. But I doubt if that will happen since the tracking device we gave him is like a small robot.
Tumawa naman nang bahagya si Kiana samantalang tahimik lang si Yumi na nagbabasa na naman.
"Chill nga lang kayo! Hindi mangyayari 'yon."
Napatango-tango na lang kami. Gehenna's inventions never failed us and I hope, gano'n din ngayon.
Maya-maya pa, nagsipasukan na ang mga kaklase namin pero wala pa si Miss Orella. Tumayo naman ako at nagpaalam kay nila Kaye na pupunta muna ako ng CR.
"Move faster. The class will start in ten minutes," sabi ni Yumi at tumango lang ako.
Lumabas na ako ng classroom at saktong pagkalabas ko ang pagdating naman ng Kings. Pero nagtaka ako nang makitang tatlo lang sila at wala si Stephen. Nasaan ang gago na 'yon?
Pero bakit ko nga ba hinahanap 'yon?
Nakita ko pa ang pagngisi sa akin ni Giovanni bago sila tuluyang makapasok sa loob. Problema no'n?
I only shook my head and walked towards the computer room. Napangisi ako. Akala siguro nila Yumi comfort room ang ibigsabihin ng 'CR' na sinabi ko. Pero ang totoo? Computer room. I'll rather spend my whole day there instead of listening to the boring classes. Hindi din naman pag-aaral ang purpose namin sa pagpasok dito sa GCU kaya okay lang na hindi ko seryosohin.
Pagpasok ko sa computer room, kaagad akong hinarang ng isang matabang babae na nakasalamin. Mukhang siya ang computer custodian. Nakakatakot ang itsura niya dahil may mga maliit siyang peklat sa pisngi.
"What's your name?"
Oh. Hindi lang pala ang itsura ang nakakatakot. Pati pala boses.
"Alex Florendo."
Kinunotan naman niya ako ng noo kaya napansin ko ang isang sugat na natahi sa bandang taas ng kanang kilay niya. Bakit ang dami naman yata niyang peklat at sugat sa mukha?
"Ms. Florendo, as far as I can remember, it's already class hours so I wonder why you are here."
Ngumisi naman ako. "Inutusan kasi ako ng adviser namin na pumunta dito tungkol sa isang research. Nahuli po kasi ako sa pagpapasa ng research papers namin kaya ngayon niya na pinapagawa."
Tumango-tango naman siya pero alam kong hindi siya gaanong naniniwala.
"Okay. Maglog-in ka muna and you can choose what computer you want to use. What's the name of your adviser?"
Pinigilan kong mapairap dahil tanong siya ng tanong. Nakakainis naman itong matabang manang na 'to.
"Orella Santos," sagot ko.
BINABASA MO ANG
4 Deadly Queens
ActionIn a world where power controls everything, there is no good or bad. Everyone kills to live. Everyone wants power. And everyone fights to survive. But for the so-called 'Deadly Queens', power is something they don't need. It's because the world is a...