Alex's POV
"Bwiset talaga!" sabi ni Kaye pagkababa namin mula sa motor niya.
Tumango na lang ako at sabay-sabay na kaming naglakad papasok sa GCU. Kunot ang noo ni Kaye na halatang badtrip, masama naman ang aura ni Yumi na halatang wala sa mood, at ako? Hindi ko alam ang itsura ko ngayon. Pero base sa pag-iwas na ginagawa ng estudyante sa amin, alam kong hindi din maganda ang itsura ko ngayon.
I'm annoyed. I'm mad.
Sino ba namang hindi? Akala namin trip lang nila 'yun, na biro lang at gusto lang nila kaming asarin. Pero hindi pala dahil si Gelo na mismo ang nagsabi na talagang fiance namin sila.
And those assholes called us earlier and ordered us to go to our classes. Ilang linggo na daw kasi kaming absent at kahit ayaw namin, tinakot nila kami na isusumbong daw kami o aalisin sa GCU. Wadahek lang. Sinabi pa nilang may karapatan sila sa amin dahil fiance na daw namin sila.
Putangina.
"Where are you going?"
Napatingin ako bigla kay Kaye nang magtanong si Yumi. Doon ko lang napansin na lumiko ng daan si Kaye papuntang miniforest.
"Susugudin sila. Ang kakapal ng mukha nila!"
Nagulat ako sa sinabi ni Kaye pero napangisi na lang din. Ngayon niya pinapakita na hindi siya natatakot sa kung sino.
I followed her. "Sama ako.
"What the fuck?" mahinang mura naman ni Yumi pero sa huli, sumunod din naman. May pamura-mura pa pero gusto din naman.
Naglakad kaming tatlo papunta sa miniforest at pumasok sa loob ng gubat. Ilang lakad din ang naganap bago namin matanaw ang bahay na pinaghalong puti at itim ang kulay. Mukha lang maliit mula dito sa labas, pero kapag nakapasok ka na, malaki pala.
Lumapit kami sa bahay. Walang katok-katok na binuksan ko ang pinto at pumasok kami. Bumungad kaagad sa amin ang sala at ang tatlong lalaki na nakaupo sa sofa. They were obviously shocked to see us and I almost laughed with their reaction.
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Giovanni
"Hihinga, may problema ka do'n?"
Umirap pa si Kaye sa kanya na mahinang kinahagikgik ko. Ang taray talaga.
Black was just sitting on the sofa and looking at us with boredom. Walang pinagbago. Parang walang pakialam sa mundo. Samantalang iyong isang gago, nakangisi pa sa amin. Or should I say, sa akin?
"Hello, Asawa ko!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Stephen. A-ano daw?
"Ang cute mo," sabi niya at lumapit pa sa akin.
Pinisil niya ang magkabilang pisngi ko at nakita ko sa peripheral vision ko ang biglang pagngisi nila Yumi.
"W-what the hell?" halos pabulong na sabi ko.
Inalis na niya ang mga kamay niya sa pisngi ko at umupo ulit pero nanatiling nakatingin sa akin. Doon ako parang natauhan sa ginawa at sinabi niya.
"Anong asawa ko?! Ang kapal naman ng mukha mong gago ka!"
"Asawa Ko? Wow, so sweet," pang-aasar ni Yumi kaya tinignan ko siya nang masama.
Tumawa din sila Giovanni at Kaye na halatang nang-aasar din. Whoa. Bakit parang bigla silang nagkasundo sa pang-aasar sa akin? Bumaliktad na ba ang mundo?
"Why? You're jealous?"
Napatingin naman kami sa hagdan at nakita si Ethan na nakasandal sa railings. Nakahalukipkip siya at nakatingin kay Yumi kaya ngumisi ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
4 Deadly Queens
ActionIn a world where power controls everything, there is no good or bad. Everyone kills to live. Everyone wants power. And everyone fights to survive. But for the so-called 'Deadly Queens', power is something they don't need. It's because the world is a...