Deadly 69: Underground Battle

745 40 13
                                    

Kiana's POV

Bumaba ako sa hagdan pagkatapos kong magbihis ng damit. Nandoon naman silang lahat sa sala at kaagad silang napatingin sa akin. Nakita kong kumunot ang noo ni Black habang nakatingin sa suot ko samantalang napangisi ang iba.

Because of that, I also looked at my all black outfit and then returned my eyes on them.

"Mukha na ba akong ninja at ganyan kayo makatingin?" natatawa kong tanong.

"Demonyo ka, hindi ninja," sambit ni Alex at inirapan ako.

I just shrugged. I agree with her. Pero nasaan na nga ba ang sungay at higanteng tinidor ko?

"Can you still move with that kind of outfit?" Black asked.

Tumingin naman ako sa kanya at sa suot niya. Gaya ko, all black din siya ngayon. Black na t-shirt at black na pants with black rubber shoes. Hindi na ako nagtaka. Black nga naman ang pangalan niya.

I smiled. "Kung iniisip mong hindi ko kayang makipagbugbugan nang ganito ang suot, huwag kang mag-alala dahil ikaw naman ang makikipaglaban kung sakali." 

I don't have any plans of punching someone's face tonight.  Ipapaubaya ko iyon lahat kay Black. Pero kung hihingin ng tadhana, edi go.

He didn't say anything and just sighed. Lumapit naman sa akin si Yumi at inabutan ako ng contact lenses at earpiece. Kinuha ko naman iyon dahil nakita kong may earpiece na din ang bawat isa sa amin.

"The contact lenses have built-in cameras. Don't worry, it won't affect your eyes. Just wear that so we can see what you will see in that underground facility."

Tumango ako sa sinabi ni Yumi at tinignan ang dalawang contact lenses na binigay niya. Napangiti pa ako dahil ang ganda ng kulay nitong gray.

Sinuot ko ang contact lenses at napapikit-pikit pa pagkatapos. Nangangati no'ng una pero 'di kalaunan, parang wala na lang. When I looked at them, they are nodding.

"Bagay sayo," puri ni Draven.

Ngumisi naman ako at sumulyap kay Yumi bago binalik ang tingin sa kanya.

"Bagay kayo."

Kaagad na namula ang mga tenga niya dahil sa sinabi ko. He glared at me and I laughed at him. Mukhang wala namang ideya ang iba kung bakit ako natatawa at kung bakit ako sinasamaan ng tingin ni Draven.

"Tsk."

I laughed even more when I heard Ethan's reaction. Nakabusangot na ang mukha nito habang nakatingin sa phone niya pero alam ko namang dahil 'yon sa sinabi ko. Ha. At least alam na nitong lalaki na 'to na may karibal na siya.

Binulsa ko ang earpiece at tumingin sa wall clock ng bahay.

"5:32 PM."

"Papalubog na ang araw at mas maganda kung papasok kayo kapag madilim na," sambit ni Giovanni.

"Pero aalis na ba tayo ngayon?" tanong naman ni Stephen.

Nagkibit balikat naman ako. Mukhang masyado pang maaga para umalis.

"Magdala kaya kayo ng weapons?" tanong ni Kaye.

Black and I both shook our heads. Sa tingin ko, hindi iyon magandang ideya.

"Kung sakaling mahuli kami, maghihinala sila kaagad kapag nakita nilang may dala kaming armas."

Alex arched a brow. "Kung gano'n, ano namang palusot sasabihin niyo kapag nahuli kayo?"

"Naligaw kami, gano'n."

"Yeah, right. Naliligaw kayo habang hinahanap ang daan papunta sa Halloween party na pupuntahan niyo," sarcastic na sambit ni Gelo kaya natawa ako.

4 Deadly Queens Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon