Last Chapter

1K 49 7
                                    

Kiana's POV

I opened my eyes and immediately felt a throbbing pain all over my body. Masakit din ang isang parte ng leeg ko na para bang tinurukan ito ng injection. Pero kaagad na nawala sa pananakit ng katawan ko ang atensyon ko nang makita ang lugar na kinalalagyan ko ngayon.

Sa gitna ng madilim na silid, mayroong bumbilya na nagbibigay liwanag sa buong lugar. Marami din akong nakitang mga kahoy, kahon at mga gamit na sira-sira na. Para itong imbakan ng mga sirang gamit. Maliban sa pinto na nasa tapat ko lang sa kabilang dulo ng silid, may isang malaking butas sa itaas ng pader na nasa gilid ko at pumapasok mula doon ang sinag ng araw mula sa labas. Malaki ang butas ngunit hindi magkakasya doon ang isang tao kaya ang pinto lang ang maaaring daanan palabas.

I looked at my body and that is the only time when I realized that I was tied in a chair. Nasa likuran ng upuan ang mga kamay ko at pakiramdam ko, may posas pa ang mga ito. My both feet are also chained and the ropes they used to tie me here is quite thick.

They really made sure that I won't be able to escape, huh?

Napaangat ang ulo ko nang marinig ang pagbukas ng pinto. Napapikit ako dahil biglang lumabo ang paningin ko kaya hindi ko maaninag kung sino ang taong pumasok. I can hear that person's footsteps approaching my direction.

Who is he? Punyeta. Hindi ko maaninag ang mukha niya. My vision is too blurry!

"You're awake," he said.

Hindi ko pa din makita ang mukha niya pero nang marinig ko ang boses niya, I already figured out who he is.

My vision returned normal as I mumbled his name. "Ariel Vancar."

Tumingin ako sa kanya. Ang suot niya ay kagaya pa din ng suot niya nang magkita kami sa sementeryo. Mataas pa din ang sikat ng araw sa labas. So I think it's still afternoon. Mukhang nakatulog lang ako ng ilang oras.

"Hindi ko inaakalang magigising ka ng ganito kaaga. That drug should make you sleep for five to seven hours. But look at you, gising ka na kahit tatlong oras pa lang ang nakakalipas," he said and even chuckled.

Bigla ko namang naalala iyong tinik na tumurok sa leeg ko. I guess that spike contains a drug. How dare he make me sleep without my permission?

"Where are we?"

Nagkibit balikat lang siya bago lumapit sa akin. I bit my lower lip when he suddenly pulled my hair downwards. Napaangat ang ulo ko paharap sa kanya habang tinitignan niya ako nang sobrang sama.

"I told you I will kill you, didn't I? Hindi ko inakalang makukuha kita nang ganito kadali," sambit niya at mas hinigpitan pa ang pagkakasabunot sa akin.

I tried not to show any reaction. Matutuwa siya kapag nakita niyang nasasaktan ako at hindi ko 'yon gusto.

I smiled. "You want to kill me? Really? Then do it now."

Naramdaman ko ang pagluwag ng hawak niya sa buhok ko kaya lumawak ang ngiti ko.

"But of course you can't kill me that easily. Dahil alam mong sa oras na gawin mo 'yon, iyong mga taong kinampihan mo noon ang makakalaban mo ngayon."

He stared at me and I stared back. Para bang pinipilit niyang basahin ang anumang nasa isip ko pero wala akong pinakita sa kanya na kahit ano. After some seconds, he suddenly let go of me and chuckled.

"What are you talking about? Sa tingin mo ba makukuha kita nang ganito kadali kung mag-isa lang ako?"

Kaagad na kumunot ang mga noo ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

4 Deadly Queens Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon