Deadly 71: Fury

650 44 23
                                    

Alex's POV

Nang minulat ko ang mga mata ko, buong katawan ko ay masakit. Pero doble ang sakit na nararamdaman ko sa bandang dibdib ko. I can hear some beeping sounds around so I opened my eyes. Pagkakita ko pa lang sa puting kisame, alam ko na kaagad na nasa hospital ako.

Pinilit kong umupo mula sa pagkakahiga kahit na sobrang sakit ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko butas ang bandang likuran ko at tumagos 'yon hanggang sa dibdib ko. Mahirap ding huminga.

Napabuga ako ng hangin at marahas na inalis ang kung anong maliit na tubong nakakabit sa baba ng ilong ko. Napatingin naman ako sa kanang kamay ko at nakita ang isang injection na nakaturok at nakakonekta sa dextrose.

Nabuhay pala ako?

I raised my head when I heard the door opened. Pumasok ang isang doktor na lalaki. Matangkad. Maputi. Matipuno at maganda ang pangangatawan. May binabasa siya mula sa mga papel na dala niya kaya hindi niya napansing gising na ako.

He closed the door. Naglalakad siya palapit sa kama ko pero mukhang may chine-check siya sa mga papel na dala niyang nasa clipboard.

Hindi ba dapat ang pasyente ang unang tinitignan? Doktor ba talaga 'to?

Nang tignan niya ako, naisara niya kaagad ang clipboard na hawak niya at biglang napaatras. Tumaas pa ang kilay ko dahil parang nagulat siya. He has the looks. Mukha din siyang matalino sa paningin ko. Pero sa tingin ko, siya 'yung tipo ng taong madaling nalalamangan dahil sa kabaitan.

"Y-you are awake."

Napabuntong hininga na lang ako. Obvious ba?

"Yeah, obviously."

Hindi ko alam kung anong nangyari sa doktor at bigla na lang siyang napalunok. Tumaas ang dalawang kilay ko atsaka siya nag-iwas ng tingin. He checked my dextrose. He even asked what I feel while looking at his clipboard.

"Naiinis ako."

Dahil sa sinabi ko, napaangat ang ulo niya at para bang nagtatanong kung anong ibig kong sabihin. I tsk-ed.

"Naiinis ako dahil feeling ko natusok ako ng espada sa likuran tapos tumagos hanggang sa harapan. It hurts but I'm fine," sabi ko.

Pero ang totoo, naiinis ako dahil namumula ang mga pisngi niya. Halata naman sa doktor na 'to na na-starstruck sa akin. Tsk. Ang hirap talaga maging maganda.

"A-ah, gano'n ba? Masakit talaga kasi malayo ang narating ng bala sa loob ng katawan mo."

Kumunot naman ang noo ko. Malayo ang narating?

"What do you mean?"

"You were shot at your back and it almost damaged your spine. Ang kaso, hindi lang iyon ang muntik nang matamaan. The bullet almost hit the right side of your heart. If that happens, marahil nakahiga ka pa din sa kama at natutulog nang mahimbing. You were lucky."

Natulala naman ako sa sinabi niya. I didn't thought that the damage would go that far. Pero mas nagulat ako na mula sa pagiging mukhang mahiyain na high school student sa crush niya, bigla siyang naging professional doctor sa paningin ko.

"Hindi swerte 'yun. Matagal lang talaga mamatay ang masasamang damo."

Mukhang siya naman ang nagulat sa sinabi ko. Nagbalik na naman sa pagmumukhang mahiyain ang tingin ko sa kanya.

Maya-maya pa, nagpaalam na siya at umalis na namumula ang buong mukha. Natawa ako nang bahagya. I can really tell that that doctor likes me. Halatang-halata naman.

"Gwapo?"

I shrugged. "Oo. Mahiyain nga lang."

"Gusto mo siya?"

4 Deadly Queens Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon