Kaye's POV
"Celebrate kaya tayo?" tanong ko kaya napatingin silang tatlo sa akin.
"For what?" tanong ni Yumi.
Napairap ako. Ano ba naman 'tong babaeng ito? Akala ko ba matalino? Psh.
"Edi dahil bagsak na si Villareal!" sabi ko.
"He only lost a large amount of money, but he's still alive and his company is still standing. It only means, hindi pa siya tuluyang bumabagsak."
Napakunot noo ako. Oo nga, ano? Bakit kaya hindi ko naisip 'yun?
"Huwag ka nang magtaka na hindi mo naisip 'yun, magpapagod ka lang. Wala ka namang isip eh," sabi ni Alex.
Mabilis kong hinablot 'yung isang throw pillow sa tabi ko at binato sa kanya. Dahil biglaan iyon ay hindi na niya iyon naiwasan. Humagalpak naman ng tawa si Kiana dahil sapol na sapol si Alex sa mukha.
"Hala! Baka hindi lang katawan mo maging flat. Baka pati mukha mo na, Alex!" pang-aasar niya pa.
Tumawa na din ako dahil sa sinabi niya. Sumama naman ang tingin ni Alex sa kanya pero mas lalo lang natawa si Kiana.
"Palibhasa malaki kasi 'yung sayo!" pang-aasar din ni Alex.
Kiana shrugged. "Hindi ka lang talaga biniyayaan ng malulusog na melons."
Mas lalo akong natawa sa sinabi niya. Ang epic talaga kapag ito ang nang-aasar eh.
"Apir tayo d'yan!" sabi ko at nag-high five kaming dalawa ni Kiana.
Sumama naman lalo ang tingin ni Alex sa amin at umirap pa.
"Stop that. Bundok at kapatagan kayo, period," biglang sabi naman ni Yumi pero nakatingin lang naman siya sa librong binabasa niya.
The three of us looked at each other at napangisi. Ngisi at tingin pa lang, alam naming magkakaroon na naman ng gyera ng mga pang-aasar ngayon.
"Grabe. Nakita niyo 'yung pandak sa TV kanina?" tanong ni Kiana habang pigil tawa. Ayan na, sinimulan na niya.
I nodded. "Oo, ang galing nga maglakad eh. Ang liliit ng hakbang."
"Oo nga! Tapos English speaking pa, 'di ba? Eh nasa Pilipinas naman. Dapat sa mga taong gano'n, sinisipa paalis dito!" sabi ni Alex at mahina kaming napabungisngis na tatlo.
"Kaya nga!" pagsang-ayon namin ni Kiana.
Magsasalita pa sana kami nang may nakita kami biglang flying books. Pero wait? Bakit parang papunta sa amin? Hindi lang isa, kung hindi tatlo.
"Ah shit!" napamura pa si Alex at kanya-kanya kami ng iwas sa mga librong papunta sa amin.
And thankfully, hindi kami natamaan. Naiwasan namin ni Alex 'yung mga libro samantalang sinalo naman iyon ni Kiana at tumawa-tawa pa. Baliw talaga.
"Ehem."
We looked at Yumi nang tumikhim siya. Masama ang timpla ng mukha niya at tumingin sa mga libro. Kaagad naman namin iyong pinulot at pinatong sa center table. Ayan na, mangangain na siya.
She glared at us. "Sinong pandak? Sinong may maliliit na hakbang? Sino 'yung dapat sinisipa paalis dito?"
May madiin na bigkas ang bawat salita niya. Pero wow, hindi siya nag-English doon, ah?
"Are you girls pertaining to me?"
Nagkatinginan naman kami. Akala ko pa naman nagbabagong buhay na siya. Pero hindi pa din pala. Englishera pa din.
BINABASA MO ANG
4 Deadly Queens
ActionIn a world where power controls everything, there is no good or bad. Everyone kills to live. Everyone wants power. And everyone fights to survive. But for the so-called 'Deadly Queens', power is something they don't need. It's because the world is a...