Kaye's POV
Nakatingin lang kami sa kanila. Hindi kami umiimik o gumagawa ng mga ingay. Basta nakatingin lang kami at pinagmamasdan sila Kiana.
"Hindi ka ba nasasaktan?" tanong ni Kenzo.
Sinamaan siya ng tingin ni Kiana. "Kapag hindi ka umayos d'yan, ikaw ang sasaktan ko."
Napatango-tango na lang si Kenzo habang pasimpleng bumubulong-bulong. Gusto tuloy naming matawa. Halata naman kasing gusto niyang patulan din si Kiana kaso nga lang ay hindi maganda ang mood ni pinsan.
Nang matapos si Kenzo sa paggamot ng isang malalim ngunit hindi naman malaking hiwa sa kanang balikat ni Kiana, umayos na siya ng upo.
We were silent for a few minutes kaya medyo nailang ako. Actually, kanina pa kami hindi nagsasalita. Para kasing demonyo na talaga si Kiana. Hindi naman siya nakakatakot, hindi naman ako natatakot d'yan eh. Tahimik kasi 'yung iba kaya ginagaya ko na lang. Baka ma-OP ako eh.
Bigla namang binasag ni Stephen ang katahimikan kaya tumingin kami sa kanya.
"Ang tahimik natin, ah? Mag-ingay din naman kayo!"
Patawa-tawa pa siya pero kaagad ding tumigil nang ma-realize na nakatingin lang kami sa kanya.
"S-sabi ko nga tatahimik na," sabi niya at umakto pang sini-zipper ang bibig.
Bakla talaga 'to eh, salita ng salita.
"Hoy, wala man lang akong thank you?" mahinang tanong naman ni Kenzo kay Kiana.
Hindi naman umimik si Kiana at nakahawak lang sa balikat niyang may benda ngayon habang nakayuko. I wonder kung maigagalaw niya 'yun nang maayos ngayon.
"She won't thank you for what you did," sabi ni Yumi na prenteng prente ang pagkakasandal sa sofa dito sa bahay ng Kings.
And yup, nandito nga kami. Dito nila kami dinala matapos nang nangyari sa mansion ng mga Agallan.
"Bakit naman?" takang tanong ni Kenzo.
I smirked. "Asa ka pang magpapasalamat 'yan sayo. Baka nga magalit pa 'yan sayo eh."
Mas lalong kumunot ang noo ni Kenzo. Ang mga Kings naman, tahimik lang sila at parang malalim ang iniisip ng tatlo samantalang nagpapakabaliw mag-isa si Stephen. Bahala nga siya d'yan.
"You shouldn't have interfered, Loshiwa," mahinang sabi ni Kiana.
Nanatili pa din siyang nakayuko. Pero ang boses niya, sobrang seryoso. Nagkatinginan kami nila Alex at Yumi dahil tinawag niya sa surname si Kenzo. Isa lang ang meaning no'n. Kiana is angry right now.
"Kung hindi ko binaril si Cal, malamang ay patay ka na," sabi ni Kenzo.
Tuluyan na kaming natahimik na pito. May punto naman doon si Kenzo.
Bigla yata akong kinilabutan nang makita naming ngumisi si Kiana habang nakayuko. But it looks like kami lang nila Alex ang nakakita no'n dahil mas malapit kami sa kanya. After a minute ay inangat niya bigla ang ulo niya at matamis na ngumiti.
"Joke lang! Thank you for saving me."
Napanganga na lang kami. She said that with a bright smile sa mukha niya. Ano 'yung kanina? Arte lang? Pero para talaga siyang galit kanina. Sobrang seryoso niya pa.
Napatingin ako kay Yumi at napansin kong seryoso ang expression ng mukha niya habang pinagmamasdan si Kiana. Pareho kaya kami ng naisip?
"What's your plan now?"
BINABASA MO ANG
4 Deadly Queens
ActionIn a world where power controls everything, there is no good or bad. Everyone kills to live. Everyone wants power. And everyone fights to survive. But for the so-called 'Deadly Queens', power is something they don't need. It's because the world is a...