Deadly 81: Pain

722 47 1
                                    

Kiana's POV

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko. Alam kong mataas na ang sikat ng araw sa labas pero parang ayoko pa ding bumangon. Kanina pa ako gising pero hindi ko nga din alam kung natulog nga ba ako.

For the past few days, halos palagi na lang akong nasa kwarto ko. Alam ko naman kasing hindi ako palalapitin ng Kings kay nila Kaye kahit anong gawin ko kaya imbes na asarin sila o gumawa ng kahit ano, hinahayaan ko na lang sila. Ewan ko ba. Naiinis ako sa tuwing ginagawa nila 'yon pero ayaw ko din silang ilayo kay nila Yumi.

Maybe because I know that the Kings truly care for them? Kung may ligtas man na lugar kung saan ko pwedeng iwan ang Queens, sa tabi iyon ng Kings. They have sinned. They dragged themselves into something they shouldn't get involved. Pero kahit gano'n, I can still feel the sincerity in their every actions. Kaya kahit galit ako sa kanila at kinamumuhian ko sila, hindi ko magawang ilayo ang mga kapatid ko sa kanila.

Except this time because I needed to take them away.

I sighed. Halos palagi na lang akong nakahiga dito sa kama ko. But why do I still feel restless? Bakit pagod na pagod pa din ang pakiramdam ko? Why do I want to just sleep day and night even though I can't sleep?

Nababaliw na yata ako.

My thoughts were cut off when someone knocked on the door.

"Kiana? Gising ka na ba?" narinig kong tanong ni Draven mula sa labas ng pinto.

Instead of answering, I just stayed silent. Maging pagsasalita, kinatatamaran ko na. Tamad naman ako dati pa pero hindi tulad ngayon na para bang tamad din akong magsalita, gumalaw at kahit ngumiti, ang hirap nang gawin.

He knocked again and I didn't bother opening the door or to even get up from my bed. Hindi naman siya makakapasok para sugurin ako dahil naka-lock ang pinto.

"Kiana! Tulog ka pa ba?!"

Tumaas na ang tono ng boses ni Draven kaya alam kong naiinis na siya. Kung hindi ako sumasagot, hindi ba dapat isipin niyang tulog pa ako? Letche. Ang hina naman ng utak ng lalaking 'to.

"Kung tulog ka pa, kailangan mo nang gumising!"

Umirap ako. How I wish that I am really sleeping. Halos hindi na nga ako makatulog buong gabi tapos gigisingin niya pa ako.

"Nandito ang lolo niyo ni Kaye kaya gumising ka na d'yan!"

Kaagad na kumuyom ang mga kamao ko dahil sa sunod niyang sinabi. Ano namang ginagawa ng tanda na 'yon dito? Huwag mong sabihing sisisihin niya din ako tulad ng ginagawa ng daddy ni Kaye?

Hindi pa din ako sumagot sa mga pinagsasasabi ni Draven at nanatiling nakahiga. Halos masira na nga ang pinto dahil sa lakas ng pagkalampag niya. And I also think that his voice is already echoing in this whole mansion.

"Ano ka ba naman?! Hindi mo dapat pinaghihintay si Chairman!"

I just tsk-ed by that. I don't care. Kahit mamuti ang mga mata niya sa kakahintay at kahit mamatay pa siya dito sa bahay, wala akong pakialam.

I frowned when Draven suddenly became silent and stopped from hitting my room's door. Dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga. Anong nangyari do'n?

"Kiana, he's waiting for you. Wake up now and talk to him."

Kaagad na napabaling sa pinto ang tingin ko nang marinig ang boses ni Black. Anong ginagawa ng lalaking 'yon dito sa second floor ng bahay? I looked at the wall clock and saw that it's already eight o'clock in the morning. Wow. Medyo maaga-aga ang dating ng Kings.

4 Deadly Queens Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon