Deadly 6: Forsten Academy

1.9K 90 2
                                    

Alex's POV

We're on our way to Batangas. Tahimik lang naman na nagda-drive si Kiana habang nasa tabi niya si Yumi na kahit hindi ko tignan, alam kong nagbabasa na naman. Nakasakay naman si Kaye sa isang motor niya pero imbes na doon sumakay, mas pinili kong makisakay na lang sa kotse ni Kiana.

Mag-isa lang naman akong nakaupo dito sa likod at pinipilit na matulog. It's still early in the morning anyway. Five ng madaling araw kami umalis at mukhang magse-seven pa lang ng umaga.

But no matter what I do, hindi ako makatulog. Maybe my body is already used not having enough sleep or I'm not tired at all.

Hindi ako makatulog pero nanatili na lang akong nakapikit. Minutes have passed and Kiana suddenly asked.

"Yumi, sa tingin mo anong mangyayari sa oras na malaman nila kung sino tayo?"

I know that Yumi didn't expect that question because she wasn't able to answer quickly. Maging ako din naman. Hindi ko inaasahan na magtatanong bigla ng gano'n si Kiana.

Pero ilang beses ko na ding naisip iyon. 

"I don't know. But one thing is for sure, everything will be harder for us."

"Yeah, right."

Bahagya kong minulat ang mga mata ko at nakitang bumalik sa pagbabasa si Yumi. Habang si Kiana naman, nakatingin lang sa daan at nanahimik na lang. Her face is not that serious but not jolly either.

She's just calm.

Pero habang nakatingin sa kanya, hindi ko maiwasang isipin kung anong tumatakbo ngayon sa isipan niya. Is she thinking about MR? About our works? Or about her tragic memory?

I mentally sighed and closed my eyes once again.

Close ako sa kanilang tatlo. Pero minsan, hindi ko din maiwasang mapaisip kung kilala ko na nga ba sila, lalong-lalo na si Kiana.

I admit, she's one of the person that I idolize the most. Silang tatlo nila Kaye actually, pero sabihin na nating sa kanya ako pinaka-close. She's the first person who treated me as a friend and as a sister. Madalas siyang childish, nagta-tantrums, madaldal at daig pa ang pre-elem ang takbo ng utak minsan. But when it comes to serious matters, alam niyang magseryoso. Alam niya kung kailan kailangang magseryoso at hindi.

Hindi siya ang dahilan kung bakit kami nagkakila-kilala. Pero siya ang dahilan kung bakit kami nabuo at naging tulay kung paano kami nabuo. Not because of her, I may not have the family I have now.

And it was also one of the reasons why I decided to support her in this battle. I'm helping her to capture and make MR suffer. Tinulungan niya kami nang napakaraming beses at minsan na din niyang niligtas si Yumi.

We owe her a lot, yes. But that's not the main reason why we chose to be by her side. It's because we wanted it.

"Alam kong ang ganda ko pero huwag mo namang gawing lantaran," biglang sambit ni Kiana.

Muntik naman akong mapangiwi. Mukhang si Yumi naman ang sinasabihan niya kaya nanahimik ako tutal akala naman nila natutulog ako.

"Nice joke. Tsk."

"Sus! Joke ka d'yan. Totoo naman!"

Narinig ko ang tawa ni Kiana at kahit hindi ko tignan si Yumi, alam kong umiirap-irap na 'yan ngayon. Tutal hindi din naman ako makatulog, minulat ko na lang ang mga mata ko.

"Ang ingay mo! Kitang may natutulog oh!" kunwari'y reklamo ko.

Pero imbes na makonsensya, tinawanan pa ako. Demonyo talaga ang isang 'to. 

4 Deadly Queens Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon