Special Chapter #1: Asawa Ko

1.4K 56 17
                                    

Alex's POV

I started to tap the floor using my left foot while waiting for the others. Limang minuto na ang lumipas simula ng dumating ako dito sa restaurant ni Tita Celene sa Q.C at hanggang ngayon ay wala pa sila Kaye. Napag-usapan kasi namin nila Kaye at Yumi na dito kumain ng lunch pagkatapos ng trabaho namin sa mga company ng pamilya namin. Pero hindi ko din naman sila masisisi kung ma-late man sila ngayon.

Yumi took over the management of their company four years ago. Dahil sa angking talino at galing ni Yumi pagdating sa mga negosyo, tuluyan ng pinasa sa kanya ang Hallifar Company. But also, siya din ang naging leader ng Cryptic Shadows at naging kanang kamay niya si Gelo. While me, I am now the Vice President of Florendo Group and this year, inaasahan na naming ipapasa sa akin ang full management dahil iyon din ang sinabi ni Dad. But also, nanatili pa din kaming sakop ng Gehenna kahit na pinag-uusapan na din naming bumuo ng sariling mafia ang mga Florendo. And Kaye? May pwesto pa din naman siya sa Morgiana Corporation pero hindi masyadong mataas. Dahil siya na ang leader ng Gehenna, expected ng madami siyang trabaho dahil worldwide ang mga transactions na kailangan niyang asikasuhin. It's the same with the CS but we can say that Gehenna Mafia has a lot more connections. That's why she can't manage the company while also handling their mafia. Masyadong marami ang trabaho na 'yon. Idagdag pa na kami na din ang humahawak sa Dark Organization bilang top organization sa buong UC.

We are very stressed out.

I looked at my phone when I heard it rang. Napangiti ako ng makitang si Kiana ang tumatawag. It's been three months noong nakita namin siya sa homeless shelter na iyon. And it's been two months since we last saw her in person. Kailangan niya kasing sumailalim sa madaming therapies para makalakad ulit. That's why Lolo Miguel sent her to States for better medication.

"Hello!"

Muntik ko ng mailayo sa tenga ko ang phone dahil sumigaw siya. "Tanghaling tapat, sumisigaw ka?"

She chuckled. "Sorry naman. At isa pa, gabi dito."

"Ah, oo nga pala. How's your treatment?" I asked and she fell silent for a bit. Hindi ko alam kung mali ang pagkakatanong ko pero mukha namang hindi.

"It's fine. I'm doing fine here. Ang kaso lang, pwede daw na abutin ako ng isa o dalawang taon dito." She tried to sound jolly but I still heard the sadness in her tone. Natahimik naman ako. I don't know what it feels like to have your limbs paralyzed. At hindi ko na iyon gusto pang malaman. Mapalo at masugatan nga sa binti ay masakit, paano pa kaya ang hindi mo maigalaw ang mga ito? That's why I can't help to feel sorry for her. Inabot kami ng halos isang buwan para mapapayag siyang magpa-theraphy kahit na paulit-ulit siyang umaayaw. Kaya kahit abutin pa siya ng fifty years, hihintayin pa din namin siya.

"Okay lang 'yan. Bisitahin ka namin next week, gusto mo?" Tanong ko at narinig ko ang pagsinghap niya.

"Talaga?! Sige ba! Magdala kayo ng Red Horse ah. Ang KJ kasi ni Black, ayaw akong painumin." Halos mapahagalpak ako ng tawa sa sinabi niya. Nasa ibang bansa siya pero hinahanap niyang alak ay Red Horse? Ibang klase talaga. At mukhang si Black pa ang inuutusan niyang bumili ng alak para sa kanya. Wadahek.

"Umayo ka nga d'yan. Nag-volunteer na nga 'yung tao na samahan ka d'yan tapos uutusan mo pang bumili ng alak. Have some conscience, you Demon." Sambit ko sa tonong parang nanenermon.

"Oo na! Oo na! Ba-bye na pala. Nandito na 'yung masungit na dambuhala kong nurse." She said in annoyed tone and I can already imagine her frowning expression.

I just laughed it off. "Okay, bye." Tinapos ko ang tawag at napabuntong-hininga. Sana lang ay mabisita talaga namin siya next week kahit na punong-puno yata ang schedules namin. We all know that she's struggling right now. Black always keeps us updated. Pinadalhan niya din kami ng ilang video na patago niyang kinuha. Doon namin nakita kung gaano kahirap ang pinagdadaanan niya doon. We saw how she fall on the floor kahit na halos dalawang segundo pa lang siyang nakatayo. We heard her grunts and saw her frustrated and hurting expressions.

4 Deadly Queens Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon