Kaye's POV
Hindi ko inalis ang paningin ko kay Shin habang may ginagawa siya sa phone niya. Nakaupo siya sa sofa dito sa sala ng bahay kung saan ako kasalukuyang tumutuloy.
"I know that I am very handsome, but can you quit staring? Baka isipin kong gusto mo pa din ako hanggang ngayon."
Halos sumayad naman sa lupa ang panga ko dahil sinabi niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti nang nakakaloko. Ako? Gusto ang mokong na 'to? Like eww.
"Mandiri ka nga sa sinasabi mo! Yuck!" sabi ko at umakto pang parang nasusuka.
Tinawanan niya lang naman ako at umiling-iling bago binalik ang tingin sa phone niya. Pinasingkit ko ang mga mata ko.
"Bakit ka ba kasi nandito?"
"I saved your life."
"Planado lahat ng 'yon kaya huwag mong isusumbat sa akin 'yan. Walang sinabi si Kiana na sasamahan mo kami dito sa bahay. Ang sabi niya lang ay ikaw ang maglalayo sa akin mula doon sa barko. So, ano pa bang ginagawa mo dito?" I said.
Hindi ko talaga alam kung bakit nandito ang lalaki na ito. Simula no'ng gabing iyon, hindi na siya umalis pa dito. Nasa labas din ang ilang tauhan niya na parang nagbabantay. At kahit ilang beses ko siyang tanungin ay pareho lang ang nagiging sagot niya.
"Ask your cousin."
Bwiset.
Padabog akong umupo sa kabilang sofa at tinawagan si Kiana. Nakakailang ring na pero hindi pa din siya sumasagot. Nagri-ring lang ang phone niya. Bakit hindi sumasagot ang babaeng 'yon?
Nilayo ko sa tenga ang phone ko at tinawagan ulit siya. Hindi pa man din nagri-ring ay may kumuha na ng phone ko mula sa kamay ko.
Napaangat ang tingin ko kay Alex.
"Bakit?" naiinis kong tanong sa kanya.
Mukhang kadadating lang niya mula sa pagja-jogging sa labas.
"Huwag mo munang tawagan si Kiana ngayon. Alam mo naman 'yung nangyari kagabi diba?" sabi niya at inirapan pa ako.
I just nodded at inagaw ang phone ko mula sa kamay niya. Umakyat naman siya sa taas kasabay ng pagsasalita ni Shin.
"You know what? The three of you are still lucky."
Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Nakatingin lang siya nang seryoso sa phone niya na para bang hindi niya nagugustuhan ang nakikita.
"At paano mo naman nasabi?" I asked so he looked at me.
Ngumisi lang siya at hinarap sa akin ang phone niya. Natigilan ako kaagad nang makita ang pinapanood niya. Walang volume ang video kaya hindi ko nalaman na ito pala ang pinapanood niya. Ito 'yung video na pinapanood din ni Kiana kay nila Ehra kagabi.
"Because you never experienced to lose your family the way she lost hers."
Binaba niya ang phone niya pagkatapos at tumayo. Iniwan niya akong mag-isa sa sala na natahimik na lang sa mga sinabi niya.
Sumandal ako sa sofa at tumingala sa kisame.
He is right. Kung iisipin ay maswerte pa din kami kumpara kay Kiana. Kasi kami, kahit alam namin iyong mga bagay na ginawa ng mga magulang namin ay nand'yan pa din naman sila. Hindi naman sila patay at hindi pa nawawala sa buhay namin.
Inalala ko iyong nangyari sa barko. All of it were planned. Bago ang araw na pagpunta namin doon ay pinatawag kami ni Kiana at sinabi niya ang plano ng kamatayan ko. But of course, it's fake.
BINABASA MO ANG
4 Deadly Queens
ActionIn a world where power controls everything, there is no good or bad. Everyone kills to live. Everyone wants power. And everyone fights to survive. But for the so-called 'Deadly Queens', power is something they don't need. It's because the world is a...