Deadly 73: Chino Sylveria

672 47 8
                                    

Kiana's POV

Minulat ko ang mga mata ko. Naramdaman ko kaagad ang sakit ng ulo ko na para bang isang parte nito ang naalis. Hindi naman siguro nagkaroon ng zombie apocalypse at nakain ang utak ko, ano?

That's fine though. At least may chance na mawala ang mga mapapait na alaala ko kapag nakain ng mga pangit na zombie ang utak ko.

I sat on my bed and roamed my eyes. Ngayon ko lang napagtanto na madaling araw na. Syempre, two o'clock na nang tumingin ako sa orasan.

Mahimbing na din ang tulog ni Alex sa kama niya. Gano'n din si Yumi at Kaye sa mga mini-bed na nasa gilid. Tulog na din si Draven sa sofa habang si Stephen naman, nakaupo sa upuan at nakapatong ang ulo sa kama ni Alex habang natutulog din.

While Black, Ethan, Gio and Gelo are not here. I think Gelo went back to our house. While the other Kings went to their house and rested there.

I just sighed. Napapikit ako nang mariin bago humiga ulit. I tried to sleep. Gusto ko matulog ulit dahil medyo masakit pa din ang ulo ko. I think they extracted the drug out of my body and this is one of its effect. Pero kahit anong gawin ko, hindi ako makatulog. Nagpapabaling-baling lang ako sa kama at halos gumulong pa.

I just sat on my bed. Nakakainis naman. Kung kailan ko gustong matulog, atsaka naman ayaw ng mga mata ko. Iyong totoo mga mata ko, naka-drugs ba kayo? Adik kayo sa puyat ah.

Huminga ako nang malalim at tatayo na sana mula sa kama ko nang mapansin ang isang mantsa sa kumot ko. It's a red stain. When I looked closely, I was sure it's really blood.

Nanlaki naman kaagad ang mga mata ko at sinilip-silip pa ang bandang pwetan ko. Tinignan ko din ang hinigaan ko pero wala namang dugo. It's not my red days. Kung gano'n, saan nanggaling ang dugo?

I just sighed and smirked. It looks like while I am sleeping, may mga taong nagtangka sa buhay namin. I am sure that Ed Smith sent them so they are from Secret Society.

Bwiset talaga ang mga taong 'yon. Sana sumugod sila kung kailan gising ako. Para naman maipalaklak ko sa kanila 'yung liquid na laman ng dextrose. Hmp.

Speaking of dextrose, tinignan ko ang injection na nasa right hand ko. Marahas ngunit tahimik ko 'yong inalis. Napangiwi pa ako dahil sumakit kaagad ang kamay ko at sumabay pa ang sakit ng mga sugat ko sa katawan. The pain is tolerable so I just ignored it.

I roamed my eyes around the room and saw a jacket near the sofa. Nakapatong iyon sa lamesita kung saan ko kinuha iyong vase na binasag ko kanina. When I smelled the jacket, I immediately smelled the scent of Kaye. Sinuot ko 'yon at hinawi lang ang buhok ko. Hihiramin ko muna 'tong jacket ni Pinsan.

Tahimik akong lumabas ng kwarto namin. There are some nurses at their desks but they are sleeping. Umirap lang ako at nagkibit-balikat. Matulog lang kayo, sige lang. I will take a picture of you later then upload it online. Tignan lang natin kung hindi i-bash ng mga tao ang Montefalco Hospital na 'to.

Just kidding. Even though I want to bomb this hospital because it has the name of Montefalco, I can't. Mawawalan ng trabaho ang mga inosenteng tao at manganganib ang buhay ng milyon-milyong tao. Buti sana kung puro mga barumbado ang naka-admit dito at mga kriminal ang mga nagtratrabaho dito, siguro matagal ko nang binomba 'tong lugar na 'to.

I just laughed because of that thought and sighed. How I wish I can really do that.

Namulsa lang ako at naglakad patungo sa rooftop ng hospital na 'to. I can feel my body aching but I didn't mind. Kung iisipin, walang-wala pa ito sa lahat ng sakit na dinanas ko. Tama ng baril lang 'to, mas malakas pa din ang mga tao.

4 Deadly Queens Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon