Deadly 65: Trust

705 52 11
                                    

Kiana's POV

Iniwan ko sila sa loob ng gubat. Hindi ko sila kayang harapin ngayon. Hindi ko gustong nakikitang umiiyak sila dahil sa akin.

Pumasok ako kaagad sa kotse ko. I started the engine and drove away from that place. Inabot ko iyong phone ko at tinawagan ang Daddy ni Kaye. Tatlong ring pa lang, sinagot na niya ang tawag.

"What do you want, Kithania?"

"Thanks for sending your underlings to back us up. I swear, that would be the last."

Ito yata ang unang pagkakataon na nagpasalamat ako sa kanya. Pinagbawalan na kasi nila kaming mag-utos sa mga tauhan nila. It only means we'll work on our own. Well, ano bang bago doon? Noon pa man, kami-kami lang naman talaga ang gumagawa ng trabaho.

"Of course that would be the last. I am telling you, Demon, if anything happens to the girls, I won't go easy on you anymore."

Napangisi na lang ako sa sinabi niya. Tinatakot ba ako nito?

"Oh, I'm scared," I said and chuckled. "Don't give me a threat, Mister Karlo Morgiana. Sa ating lahat, ikaw ang dapat mag-ingat. Even if you're my cousin's father, I will still drag you to hell if I saw a sign of betraying from you."

Natahimik siya sa kabilang linya. Nakalabas na ako sa malaking gate ng lupain ng Montefalco mansion at nakarating sa main road.

"Sigurado ako na ikukulong niyo si Gwen. Go easy on her. You can torture her but don't kill her. Kapag nabalitaan kong pinatay niyo siya o may ginawa kayong kademonyohan sa kanya, pababagsakin ko ang Gehenna. And trust me, the other Queens will surely come with me, including your only daughter."

"Don't you dare give me a threat, you demon! Hindi iyon magagawa ni Kiera sa sarili niyang mafia!"

Ngumisi na lang ako sa sinabi niya. "Oh yeah? Come on, Mister Morgiana. Kaye will never be called 'Fearless' for nothing. Bakit pa siya tatawaging Fearless kung takot siyang pabagsakin ang mafia ng sarili niyang ama? Don't underestimate your daughter."

Even if I can't see him, I know that he's now gritting his teeth. I accelerated my car's speed.

"Last warning, you can hurt Gwen but don't surpass the limitation. And also, be careful because there might be other traitors strolling around your territory without you knowing. That's all, good bye."

Then I ended the call.

Napakuyom kamao na lang ako. Maliwanag pa sa sikat ng araw na traydor talaga si Gwen. Noong una, nagtataka ako kung bakit niya iyon ginawa. Nagtataka ako kung paano niya iyon nagawa. She betrayed us with the fact that she's a part of our team.

Pero nang sinabi niya ang dahilan, doon ko napagtantong may punto siya. The girls left their families to be with me. Iniwan nila lahat para tulungan ako. Ang Gehenna, ang Shadows at ang mga totoong tahanan nila.

Ngayon na naiisip ko ang mga bagay na ito, tama pa bang bumalik ako dito at iniwan ang probinsya na kinalakihan ko?

Hininto ko ang kotse nang makarating ako sa hospital ng mga Montefalco. Sigurado akong nandito si Gelo dahil dito dinadala lahat ng mga sugatang tauhan ng CS at Gehenna.

Tinanong ko sa nurse na nasa front desk kung nasaan sila Gelo at kaagad naman nilang sinabi. I went to the third floor and stopped in front of a door.

Room 307.

Kumatok ako ng dalawang beses pero wala akong nakuhang sagot mula sa loob. Kumatok ako ulit pero walang sumagot. Nagkibit balikat na lang ako at hinawakan ang doorknob.

4 Deadly Queens Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon