Deadly 58: Klinton Zedler

741 46 2
                                    

Kaye's POV

Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog sa gitna ng gabi. Napabangon ako kaagad sa kama at tumingin sa orasan.

"2:36 am? Ang aga ko naman magising?" sarcastic na bulong ko sa sarili ko.

Humiga na lang ulit ako sa kama at pinilit na matulog ulit. Wala naman kaming gagawin mamaya so I better enjoy my sleep.

Pero lumipas na ang ilang minuto at hindi pa din ako nakakatulog. Naiinis akong bumangon sa kama. Umirap na lang ako nang maramdaman ang panunuyo ng lalamunan ko. Nagising ba ako ng ganito kaaga para lang uminom ng tubig? Psh.

I went out of my room. Nakapatay ang lahat ng ilaw dito sa second floor maging sa mga kwarto namin. Actually before, I was afraid of darkness but I can't also sleep with light. Kailangang nakapatay ang ilaw. Dahil doon, unti-unti na din akong nasanay. And besides, sa mga ginagawa naman namin ay madalas sa madilim na lugar ito nangyayari. Kaya siguro nasanay na din ako.

Bumaba ako nang dahan-dahan sa hagdan. Nakapatay din ang ilaw sa sala but I didn't mind. Kabisado ko ang bawat sulok ng bahay namin at ang mga posisyon ng bawat bagay dito. Siguradong hindi ako mababangga sa kahit na ano.

Papasok pa lang sana ako sa kusina nang mapasulyap ako ng tingin sa pinto ng bahay. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang bahagyang nakabukas ang pinto at may babaeng nakatayo sa veranda ng aming bahay.

Napalunok ako habang pinagmamasdan ang babae. Hanggang taas lamang ng siko ang haba ng kanyang buhok. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita kung sino ito.

I started to walk towards her direction. Pero habang palapit ako ng palapit ay doon ko unti-unting napagtanto kung sino siya.

Tahimik ngunit mabilis akong lumabas ng pinto at tumayo sa likod niya.

"Kiana."

I called her name and she immediately looked back. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya na halatang nagulat kaya natawa ako nang bahagya.

"Oh bakit parang naka—Wait, what's that?"

Napakunot noo ako nang mapansing mabilis niyang tinago sa likuran niya ang bagay na hawak-hawak niya lang kanina. Ano kaya 'yun? Huwag mong sabihing pregnancy tes—ah! Ano bang iniisip ko?! Wala pa ngang 'sila' ni Black eh.

"Kaye..."

Napatingin ako sa kanya nang sinambit niya ang pangalan ko.

"Ano nga 'yun?! Patingin ako!" giit ko habang pinipilit na kunin ang bagay sa likuran niya.

Noong una, nakipagmatigasan pa sa akin si Pinsan pero sa huli ay bumigay din. Syempre hindi ako natiis. Sino ba namang hindi makakatiis sa kagandahan ko?

"Fine," she said as she handed me a picture.

Kinuha ko ito kaagad sa kamay niya at tinignan.

Napangiti ako nang makita si Tita Igraine sa picture. She's really beautiful. Well, lahat naman ng mga magulang namin ay magaganda at gwapo. Mas lumaki ang ngiti ko nang makita ang baby na hawak ni Tita Igraine at mukhang pasadya na pinapakita sa picture.

"Ang liit mo pala noon, ano?"

Napahagikgik ako. Pero kaagad din iyong natigil nang malakas akong binatukan ni Kiana.

"Bakit? Saan ka ba nakakita ng baby na malaki noong pinanganak sila?"

Sinamaan ko siya ng tingin non'g una pero napaisip din ako sa tanong niya.

"Oo nga, 'no?"

Inirapan niya lang ako at bumuntong hininga. Binalik ko ang tingin sa picture at doon ko napansin ang isang bagay. May punit ito sa left side. But base sa punit nito at sa natirang image sa picture, mukhang may lalaking nakayakap kay Tita Igraine mula sa likod.

4 Deadly Queens Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon