Deadly 22: Dinner

871 64 7
                                    

Alex's POV

Napangiti na lang kami nang marinig namin ang tawa ni Kiana habang nagmo-movie marathon kami ngayon dito sa bahay.

Two days have passed since Dark Organization messed with our minds. Ang Lorenzo Pascual na iyon naman, nasa pangangalaga pa din ng Shadows maging ang pamilya niya. Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay wala na kaming nakuhang mga impormasyon mula sa kanya. He insisted that everything he said is the only thing he knows.

And instead of doing a move against DO, we decided to take a rest for a while. Kiana said that I also have a point, that we cannot do anything against DO just like that. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil mukhang naintindihan niya ang punto ko.

Aba, dapat lang. Hindi ko naman kasi sinasabing umatras kami. Ang point ko lang, dapat handa kami bago sumabak sa gyera.

"Ang OA mo na," biglang sabi ni Kaye kay Kiana.

Napatingin naman kami kay Kiana na ngayon ay halos maputulan na ng litid sa lalamunan dahil sa sobrang lakas tumawa. Hindi na ako magtataka kung sumugod ang mga pulis dito dahil naiingayan na ang mga bahay na malapit sa amin. But oh, wala nga palang mga bahay ang malapit sa amin.

"Wala kang paki," Kiana said without looking at us.

"So noisy. I can't hear what the characters are saying anymore," Yumi also complained.

Pero imbes na tumigil, tuloy pa din ang gaga. Nang pati ako ay nabwiset na, hinablot ko iyong isang throw pillow at binato sa kanya. Ayon, sapol siya sa mukha.

"Aray ko! Bruha ka! Ba't ka nambabato? Doon ka sa EDSA! Huwag dito!" sigaw sa akin ni Kiana at gumanti din.

Nakailag naman ako at dahil katabi ko si Kaye, siya ang natamaan.

"Bakit ako ang binato mo?!"

Humablot na din si Kaye ng throw pillow at binato si Kiana. Ang kaso lang, nakailag din si Kiana at ang natamaan ay si Yumi.

Yumi glared at us. "Who threw that?"

Kaagad naman naming itinuro si Kaye. Yumi threw a pillow but Kaye used me as a shield. Ako ang natamaan at narinig ko naman ang pagtawa ni Kiana kaya binatuhan ko din siya ng unan.

And that's when our pillow fight started.

"Tangina mo, Kaye! Ang saket no'n!"

"You witches! Damn you!"

"Ilag-ilag din kapag may time, Alex!"

"Hahahaha!"

Nagmumurahan na kaming tatlo at si Kiana, tawa lang ng tawa. I secretly smiled while we are hitting and throwing pillows to each other. Tangina. Ang saya ng ganito. Iyong ganito lang at walang problema na iniisip. Iyong para kaming mga bata na walang kamuwang-muwang sa mundo.

"Whoa! May gyera ba?"

Natigilan lang kami nang marinig ang boses na iyon na sinundan ng isa pang boses.

"Mukhang nagkakasiyahan kayo, ah?"

We all looked back and saw two people standing near the door. Whoa. Hindi sila gumamit ng TV ngayon. Nagbabagong buhay ba sila?

Kaagad naman kaming umayos at pinulot ang mga nagkalat na unan. For so many times, why do they have to see us like that? Medyo nakakahiya ha.

"What are you doing here?"

Nagpigil kami kaagad ng tawa dahil hingal na hingal pa si Yumi nang magtanong siya.

"Huminga ka kaya muna?" asar ni Gelo sa kanya.

4 Deadly Queens Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon