Deadly 2: Hooligan's Place

3.8K 130 7
                                    

Alex's POV

Seryoso ang mukha naming apat ngayon habang nanonood ng TV. Tahimik lang din kami habang nandito sa sala.

"Nasa mga forty na katao ang natagpuang patay malapit dito sa isang public market sa Q.C. Pasado alas-otso daw ng gabi nang magsimula ang mga taong ito ng isang gang fight kung saan nadamay ang ilang sibilyan. Mga gangsters na walang awang nagpatayan at walang awang pinatay."

Obvious pang nangingilabot 'yung news reporter habang sinasabi ang bawat detalye. Malamang, takot 'yan. Ikaw ba naman makakita ng mga gano'ng bangkay? Maliban na lang siguro sa amin, sa mga katulad namin.

Because seeing dead people is like a wonderful painting for us, and killing is like a food for our souls.

"Habang iniimbestigahan naman ng mga pulis ang pangyayari, nagtanong kami sa ilang saksi kani-kanina lang. Ang sabi nila, kasalukuyan daw na naglalaban ang mga lalaking ito nang bigla na lamang dumating ang isang motor at puting kotse. Hindi na daw nila nakita kung sino ang mga taong dumating dahil sunod-sunod na putok ng baril na daw ang pumailanlang kaya tumakbo na sila palayo ngunit nahalata nilang mga babae ang mga ito at may mga suot na maskara. Habang tinitignan din nila ang lugar na pinangyarihan ay may nakita silang isang sulat na labis na kataka-taka."

Nagkatinginan kaming apat sa sinabi niya. We don't remember leaving a letter in that area. Saan naman kaya nanggaling iyon?

"At ang nakalagay ay ganito...'Piattos is life' by DQ. Hindi alam ng mga pulis kung nangti-trip lamang ba ang naglagay nito ngunit nagtataka sila dahil ang papel na pinagsulatan nito ay nakabaon sa tiyan ng isa sa mga patay kung saan may malaki itong hiwa. Nakapaloob ang sulat doon na lalo pa nilang pinagtaka."

At dahil sa sinabi ng news reporter, doon na kami napatingin kay Kiana na bumulalas na ng tawa.

"Ang ganda ng ginawa ko, ano?" tatawa-tawa pa niyang tanong.

Mabilis ko namang hinablot ang unan na malapit sa akin at binato sa kanya na walang kahirap-hirap niyang sinalo. Niyakap niya pa iyon habang malawak na nakangiti.

"Really? Piattos is life? Sa lahat ng sulat na iiwan mo, bakit gano'n pa?" tanong naman ni Kaye.

Ngumiti lang ulit si Kiana sa pinsan niya habang napairap ako. Ayos lang naman iyong ginawa niya pero tama si Kaye, bakit gano'n? She should have wrote something more scary. Not something that would sound stupid.

4 Deadly Queens Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon