Kiana's POV
"Umayos ka, Yumi. Kapag 'yan mali, makakatikim ka talaga sa akin," pagbabanta ni Kaye na kinatawa namin ni Alex.
"Shut up," tipid naman na sabi ni Yumi.
Hindi ko tuloy mapigilang mapatingin sa rearview mirror. Mukhang sinimulan na ni Yumi na gamutin ang daplis ng bala sa balikat ni Kaye.
"Ano ba kasing nangyari at natamaan ka?" tanong naman ni Alex at lumingon sa kanila.
Hindi naman ako makalingon dahil nagda-drive ako. Duh? Sa bilis ng pagmamaneho ko, isang lingon ko lang mababangga na kami.
"At puta naman, Kiana! Bagalan mo nga kahit kaunti lang!"
I laughed when Alex suddenly looked at me.
"Yes, boss."
Medyo binagalan ko ang pagpapatakbo ko dahil alam ko ding mahihirapan si Yumi na gamutin ang sugat ni Kaye kung masyado akong mabilis.
"Ang dami kaya nila doon sa second floor. Akala ko nga aabutin ako hanggang bukas bago ko sila mapatumbang lahat. At ito namang isa, nakakarinig na nga ng putukan, hindi pa ako pinuntahan para tulungan!" pagpaparinig ni Kaye.
"Did you see the dead bodies around me when you went downstairs? I killed all of them. I was shooting with my bow and arrows while you are also fighting at the second floor. Stupid."
Kaye just rolled her eyes matapos iyang sabihin ni Yumi. Paano ba naman? Nasupalpal eh.
"Oo na—ah! Masakit!" daing ni Kaye kaya napasulyap ako ulit sa front mirror.
I saw her shoulder bleeding and aiding things are also scattered around them. But what caught my intention are the blood stains on the backseat.
"Hoy. Nadumihan na iyang upuan ng kotse ko."
I glared at them for a minute before looking at the way again. Punyeta. Pati minamahal kong kotse dinudumihan nila.
"Talagang iyon pa inalala mo, ha?" Alex asked sarcastically.
I nodded before smiling sarcastically too. Anong gusto niyang alalahanin ko? Iyong utak ni Kaye o iyong height ni Yumi? O baka naman iyong kadugyutan niya? Hmp.
"We heard you."
Napahigpit ang hawak ko sa manibela dahil sa sinabi ni Yumi.
"H-ha?"
"Gaga! Sinasabi mo iyang nasa isip mo. Utak ko pala, huh?"
Binato ako ni Kaye ng isang cotton buds na may dugo at tumama iyon sa pisngi ko. Napangiwi lang ako at mabilis na pinunasan ang pisngi ko.
"At least ako, slow lang. Eh ikaw? May problema na talaga sa utak!"
"Thank you," I said then smiled.
"Ugh."
Tinawanan ko na lang si Kaye dahil mukhang naubusan na siya ng sasabihin. Natapos din naman kaagad ni Yumi ang paggamot sa sugat ni Kaye kaya binalik ko na sa normal speed ang pagpapatakbo ko.
"Para kang palaging nasa racing," ambit ni Alex habang nakatingin nang diretso sa harap.
"Bakit?"
"Ang bilis mo magpatakbo eh," sagot niya kaagad.
I just shrugged. Hindi pa ba sila nasanay? Ganito naman talaga ako eh. I don't care about my passengers. I only care about the time.
"Sigurado ba talaga kayong iiwan na lang natin si Magda doon?"
BINABASA MO ANG
4 Deadly Queens
ActionIn a world where power controls everything, there is no good or bad. Everyone kills to live. Everyone wants power. And everyone fights to survive. But for the so-called 'Deadly Queens', power is something they don't need. It's because the world is a...