Kiana's POV
Nandito kami ngayon malapit sa miniforest habang naghihintay mag-eleven ng umaga. At kanina pa nakasimangot si Alex kaya kanina pa din kami nagpipigil ng tawa. I guess she can't get over what happened a while ago.
"Ugh! Nakakainis!" naiinis na sambit niya.
She crumpled the Zesto juice she was drinking so at the end, lumabas mula sa straw ang juice nito at tumama sa mukha niya. Mas lalo siyang napasigaw sa inis kaya humagalpak na kami ng tawa.
"Anong tawag d'yan?" natatawang tanong ni Kaye.
Yumi smirked. "A bell's sound."
"Tanga lang...tanga lang~" pagkanta ko at nagtawanan kaming tatlo.
Alex glared at us but instead of stopping, we laughed harder. Basa ang mukha niya ngayon at parang naihian. Punyeta. Halos 'di na ako makahinga kakatawa.
"Sige, tawa pa," she said sarcastically.
At dahil sa sinabi niya, talagang tumawa pa kami. Nasa lahi pa naman namin ang pagiging masunurin. We ignored the weird stares from the other students. They won't complain anyway since they are scared of us. Hayst.
We continued eating while laughing at Alex from time to time. Hindi naman nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at mukhang inis na inis pa din.
Well, the result was draw. Meaning, walang nanalo. Noong bumukas kasi 'yung cage, hindi gumalaw si Alex at pumasok. We were relieved to see that she doesn't have any intention on winning through killing them.
Kung bakit ba kasi totoong ibon ang ginawang target? Madami namang pwedeng alternative. And of course we'll get triggered since those were innocent birds. Queens save and protect innocent lives, and that applies to all. Hindi lang mga tao kaya kung malaman ko lang talaga kung sinong nakaisip no'n, ipapa-torture ko siya.
Hindi nag-iisip. Hmp.
Ang kaso, biglang nagtaas ng baril si half-gago—este si Stephen. Akala namin babarilin niya 'yung mga ibon kahit hindi siya pumasok sa cage. Imbes na mga ibon ang barilin niya, 'yung bubong ng gym ang binaril niya! Then he widely opened the cage's door so the birds flew out of the cage and out of the hole in the gym's roof.
We were stunned because we didn't expect he would do such thing. Inagaw niya pa ang mic ng emcee at hanggang ngayon, natatandaan ko pa din iyong sinigaw niya.
"Ang tanga naman ng nag-isip nito! Bakit mga ibon? Dapat mga pangit na lang para nakatulong pa kayo sa lipunan. Tsk. Humanda sa akin 'yung nag-isip nito. Siya babarilin ko sa mukha hanggang sa pumangit lalo. Bakit hindi niyo ako tularin? Gwapo na, matalino pa!"
Sumigaw siya kanina at rinig na rinig namin ang tawanan kanina. We thought he'll kill those birds to win. But instead, he saved them. He set them free. At aaminin ko, natuwa ako sa ginawa niya at kahit hindi din aminin nila Yumi, alam kong nakahinga sila nang maluwag.
We just value innocent lives that much.
We were relieved but Alex was so annoyed because they decided that it will be a draw. Nagreklamo pa nga siya kanina at baka nasuntok na niya iyong game facilitator kung hindi lang namin hinila palabas. Kaye and Yumi were disappointed too but because of Alex's annoyed face, natatawa na lang din sila.
I was satisfied with the result though. Magaling naman silang pareho at aaminin kong nakaya niyang tapatan si Alex. But I think Alex is still better. I'm not saying it because she's my sister but because of my observations.
BINABASA MO ANG
4 Deadly Queens
ActionIn a world where power controls everything, there is no good or bad. Everyone kills to live. Everyone wants power. And everyone fights to survive. But for the so-called 'Deadly Queens', power is something they don't need. It's because the world is a...