NAGISING si Ygritte sa sunod-sunod na buzz mula sa kanyang cellphone. Nang dukwangin niya iyon ay ang pangalan ni Arya ang bumungad sa kanya. Ito ang naging pinakamatalik niyang kaibigan noong nag-aaral pa siya sa kolehiyo. They both took up Business Administration pero hindi gaya nito ay hindi niya nagamit ang pinag-aralan dahil sa pag-o-opisina siya napalinya. Kahit mahigit tatlong taon na silang graduate at magkaibang career ang kanilang napasukan ay hindi nawala ang komunikasyon nila sa isa't-isa.
"Hi, Ygritte!" ang masiglang bungad nito matapos niyang sagutin ang tawag nito. "Busy ka ba today?"
"Nope, day-off ko kaya sa bahay lang ako ngayon." ang tugon niya rito. "Bakit mo naitanong?"
"Great, then! Gusto sana kasi kitang imbitahin dito sa bahay. Dito ka na maglunch, please?"
"B-bakit?" ang hindi niya napigilang itanong. Napakaunexpected kasi ng lunch invitation nito. Bigla siyang kinabahan. "A-ano bang meron sa inyo?"
"Just a simple lunch, Ygritte. Sige na, pumayag kana. Ang tagal na rin naman buhat noong huli tayong nagkita, eh."
Binalikan niya sa isip yung huling pagkakataon na lumabas silang dalawa. They hangout to their favorite coffee shop two or three months ago at hindi na iyon nasundan pa. Nakumbinsi siya sa sinasabi nito na medyo matagal na nga buhat nang huli silang magkita at iyon ang naging susi para pumayag siya sa hinihiling nito.
"S-sige na nga." ang napapabuntong-hiningang tugon niya rito makalipas ang ilang sandali. "I'll be there before lunch."
"Yay! Thanks, Ygritte!" bakas na bakas sa tinig nito ang labis na kasiyahan. "I'll see you later! Bye!"
Ibinalik niya sa may bedside table ang kanyang cell phone bago siya pupungas-pungas na bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. Pagkabangon niya ay di sinasadyang nabaling ang kanyang paningin sa salamin na nakatayo sa harap niyon. She felt her chest tightened matapos niyang mamasdan ang repleksyon mula doon. Slowly, inangat niya ang isa niyang kamay, at marahang hinaplos ang pilat sa kanang pisngi. It's true na matagal nang naghilom ang sugat niyon, pero ang iniwan niyong marka, it will haunt her forever. Nang maramdaman na nagsisimula na namang mag-init ang magkabilang gilid ng kanyang mata ay dali-dali niyang ipinaling sa ibang direksyon ang paningin at saka siya huminga nang malalim.
![](https://img.wattpad.com/cover/198223482-288-k519098.jpg)
BINABASA MO ANG
She Will Be Loved [COMPLETED]
RomanceIsang pilat ang iniwan ng ama ni Ygritte sa kanyang mukha. Ngunit higit na malalim doon ang pilat na iniwan nito sa kanyang pagkatao. Sa pagdating ni Kit, nakalimutan niya ang mapait na nakaraan. Subalit magawa nga kayang punan ng pagmamahal nito an...