Twenty-eight

2.5K 36 0
                                    

NAPANGITI si Ygritte nang mamataan ang bouquet nang white roses sa ibabaw ng kanyang table pagpasok niya kinabukasan sa trabaho. Nakakasisiguro siyang mula na naman kay Jon ang naturang mga rosas. Binasa niya ang nilalaman ng note na nakaipit doon. Nakasaad doon na susunduin ulit siya nito sa trabaho mamaya. Lumawak lalo ang mga ngiti sa kanyang mga labi. Hindi pa nga siya nakakarecover sa panonorpresa nito sa kanya kagabi ay nagsisimula na naman ito. Kinikilig na inilapit niya sa ilong ang bouquet at inamoy-amoy iyon. Base sa nakikita niya kay Jon ay mukhang desidido talaga itong makamit ang matamis niyang oo.

"Wow, may flowers ka ulit, 'te?" ang bati sa kanya ni Sansa matapos masulyapan ang hawak niyang bouquet. "Ang haba ng hair!"

"Kaya nga ba hindi ako naniniwalang kaibigan mo lang ang gwapong mamang iyon, eh!" ang sabad naman ni Margaery. "Umamin ka na kasi. Manliligaw mo 'yon, ano?"

Ibubuka pa lamang sana niya ang bibig upang tumugon nang biglang lumabas ng work station nito ang isa pa nilang kasamahan sa trabaho na si Mellissandre. Sa lahat ng mga empleyado sa opisina ay ito ang pinakataklesa at pinakaprangka. Iyon ang dahilan kaya walang masyadong kumakausap rito.

"Woah, may manliligaw ka, Ygritte?" ang tila hindi makapaniwalang ipinahayag nito. "Matanong ko lang, is he aware of... you know?" Itinuro nito ang pisngi para tukuyin ang kanyang pilat. "Well, naisip ko lang, mas matimbang na kasi sa mga lalaki ngayon ang physical characteristics kaysa sa ibang aspects ng pagkatao ng isang babae, eh."

Napalis ang ngiting nakasilay sa mga labi niya at hindi niya nagawang magsalita. Samantala, pinukol naman ito nang masamang tingin nina Sansa at Margaery. Nang tila maramdaman ang tensyon sa paligid ay itinikom na nito ang bibig at dali-daling bumalik ng work station nito.

"Huwag mo nang pansinin ang bruhang iyon, 'te." pagcocomfort sa kanya ni Sansa. "Insekyora lang talaga 'yon!"

She smiled at her pero hindi iyon umabot sa kanyang mga mata. Sa nakalipas na mga araw ay nararamdaman niyang unti-unti nabu-boost ng presensya ni Jon ang kanyang self-esteem. Pero tila biglang nagbalik na naman siya sa simula pagkatapos muling ipamukha sa kanya ni Mellisandre na may mali sa kanya. Sinulyapan niya ang sarili sa screen ng computer desktop sa kanyang harapan. She felt the sharp pain crossed her chest once again matapos niyang masilayan ang pilat sa kanyang kanang pisngi.

She Will Be Loved [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon