Twenty-two

2.7K 35 0
                                        

NAGISING si Ygritte sa ingay ng mga hampas ng alon sa dalampasigan. Kataka-takang kahit late na siyang nakatulog kagabi ay nagising pa rin siyang magaan ang pakiramdam. Ang matamis na ngiting naiwan sa kanyang mga labi bago siya matulog kagabi ay nakasilay pa rin doon hanggang sa kanyang paggising. Sa loob nang mahabang panahon ay ito yata ang unang umagang nagising siyang hindi ginagambala nang masalimuot niyang nakaraan. Naalala niya si Jon at napaisip siya kung ano kayang mahikang taglay ng binata at nagagawa nitong maiparamdam sa kanyang espesyal siya sa pamamagitan lamang nang mga simpleng kaparaanan nito.

"Aba, mukhang maganda yata ang gising nang kaibigan ko, ah." ang bati sa kanya ni Arya habang inaayos nila ang bedsheets ng kani-kanilang kama. Maging ito ay hindi rin naiwasang hindi mapansin na maganda ang aura niya nang umagang iyon. "Baka naman gusto mong magkwento."

Sinulyapan niya ito at saka ngumiti. "W-Wala ito... nakatulog lang siguro ako nang mahimbing kagabi." pagdadahilan niya.

Isang makahulugang ngiti lamang ang itinugon nito sa kanya. Nawiwirduhan siya sa mga actions nito nitong mga nakaraang araw. Parang may alam ito na hindi nito sinasabi sa kanya. Pero naisip niyang baka masyado lang siyang nag-o-overthinking kaya agad niya ring iwinaksi sa isip ang hinala na iyon. Kaibigan niya ito at alam niyang hindi ito gagawa nang anumang bagay na maaaring makasira sa maganda nilang samahan.

Nang matapos sa ginagawa ay bumaba sila para magbreakfast. Si Jon at ang matamis nitong ngiti ang una niyang nasilayan sa mesa. Kaparis nang dati ay nagawa na naman nitong mabuo ang kanyang araw sa pamamagitan ng mga sweet gestures nito. Napuno nang galak ang kanyang dibdib at wala siyang ibang maisip na paraan para maipahayag iyon kung hindi sa pamamagitan ng pagsusulat. Nagawa na niya kagabi at hindi niya inaasahan iyon. Alam niyang matagal na niyang isinara ang puso doon dahil na rin sa hindi magagandang ala-alang kaakibat niyon, pero sa pagkakataong iyon, nakahanap siya nang dahilan upang muling buksan ang puso para dito.

"Ygritte, ayaw mo talagang sumamang magsurfing?" ang muling tanong sa kanya ni Arya habang pinapahiran niya ito ng sunblock sa likod. "Jon's an expert at siguradong iaassist ka naman niya para matuto ka."

"Nope, dito nalang ako, Arya." ang kanyang pagtanggi. "I'm better at cheer leading than surfing." biro niya dito ngunit halatang sobrang nanghinayang ito.

Ygritte couldn't find the reason kung bakit gayon na lamang ang panghihinayang ng kaibigan. There are times na naiisip niyang parang sadyang pinaglalapit sila nito ni Jon. Pero kahit anong isip niya ay hindi niya talaga matukoy ang dahilan kung bakit nito gagawin iyon. Naupo siya sa ilalim ng silong ng isang malaking payong na nakaset malapit sa beach. She had a better reason kung bakit hindi siya sumamang magsurfing sa mga ito kahit pa nga alam niyang pagkakataon niya iyon upang muling mapalapit sa binata. Iyon kasi ang nasilip niyang oportunidad upang gawin ang kanina pa niya gustong gawin. Kinuha niya ang sticky notes at ballpen na siyang gamit niya rin noong nakaraang gabi at nagsimulang magsulat habang pinanonood niya itong nakikipagbuno sa hampas ng mga alon sa dalampasigan.

If I was a fire you would make me burn

If I was a book you would be every word

If I was a song you would make me sing

If anyone can make me fall in love... you can

She Will Be Loved [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon