NAMATAAN ni Ygritte ang mga magulang ni Arya pagdating nila sa may dining area. Nakaupo na ang mga ito sa magkabilang dulo nang mahabang mesa habang nag-uusap. Kagyat na gumuhit sa mukha ng mga ito ang isang maluwang na ngiti nang makita siya.
"Ygritte, hija!" tumayo mula sa kinauupuan si Mrs. Stark at kaagad siyang sinalubong ng yakap. "It's really good to see you again!" nakipagbeso-beso sa kanya. "Kamusta ka na?"
"Good to see you rin po, Tita." ang tugon niya rito. "Mabuti naman po ako."
"Well, we are really glad na nakadalaw ka ulit dito sa bahay." Tumindig si Mr. Stark at bumeso rin sa kanya bago bumaling sa anak. "Arya, mabuti naman at inimbitahan mo ang kaibigan mo sa special lunch na ipinahanda natin para sa pagdating ng pinsan mo."
Gulat na napasulyap siya sa kaibigan matapos marinig ang huling tinuran ng ama nito. Hindi nabanggit sa kanya nito kanina sa telepono na ang lunch pala na iyon ay para sa pinsan nitong si Jon. Napangiti ito nang tabingi sa kanya bago nagpeace sign.
"Oh siya, tama na iyan," mayamaya ay ipinahayag ni Mrs. Stark. "Kumain na tayo bago pa lumamig ang mga pagkaing ipinahanda namin." Pabalik na sana ulit ito sa pwesto nang tila may kung anong maalala. "Wait, nasaan na nga pala si Jon?"
"Present, Auntie." wika ni Jon mula sa bukana ng dining area. Naglakad na ito palapit sa mesa. Sa hindi malamang dahilan ay bigla na namang kumabog nang malakas ang dibdib ni Ygritte nang makita ito. "Pasensya na po kung nahuli ako. May tiningnan lang ako sa kwarto."
Napalunok si Ygritte matapos nitong pumwesto sa upuang katapat nang sa kanya. Sa isang iglap ay bigla na naman siyang naging tensyonado. Gustong-gusto niyang lumipat nang ibang pwesto kung hindi lamang niya inaalalang baka ipagtaka iyon nang mga ito.
"It's okay, hijo." wika naman ni Mrs. Stark na noon ay nakabalik na sa kinauupuan. "Siya nga pala, hijo, have you met Ygritte?"
Awtomatikong nanigas si Ygritte sa kinauupuan nang tumingin ito sa kanyang direksyon. "Oh, yeah, nakilala ko na po siya kanina." ang ipinahayag nito saka ngumiti sa kanya.
Kaparis kanina ay isang matipid na ngiti lamang din ang itinugon niya rito. Napatango-tango naman si Mrs. Stark sa narinig na tugon nito. "Great, she's a good friend of Arya." Nang isa-isa nang iserved ng maids ang mga pagkain ay agad rin namang nawala ang atensyong ipinukol nito sa kanila.
Sinubukan na ring ibaling ni Ygritte ang atensyon sa pagkain kahit pa ang totoo ay hindi talaga siya makapagconcentrate. Sa hindi malamang dahilan ay naiilang talaga siya sa presensiya ng lalaki. Naisip niya na baka gawa na rin iyon nang labis na pagkaasiwa niya sa kanyang scar. Kung wala lang sana iyon ay hindi sana niya kailangang mainsecure nang gano'n at mas magagawa niya sana itong harapin nang maayos.
"So, how was England pala, hijo?" mayamaya ay usisa ng ama ni Arya kay Jon. "Ang balita ko'y sikat na painter ka na raw doon."
"Well, some people recognized me, but I don't think that makes me popular, Uncle. Ang pakiramdam ko ay isa pa rin akong amateur painter. Marami pa po akong kailangang matutunan."
Bahagyang nabawasan ang tensyon na nararamdaman ni Ygritte habang tahimik na nakikinig sa usapan ng mga ito. Naaaliw siya sa kaalamang isa pala itong painter at sa kabila nang tinatamasa nitong kasikatan ay nananatili pa rin sa lupa ang mga paa nito.
"Tingnan mo nga naman itong pamangkin mo, Eddard. Bukod sa magandang lalaki na ay napakahumble pa!" ang nagigiliw naman na wika ng ina ni Arya. "Tell me, may girlfriend ka na ba, Hijo?"
Natigilan si Ygritte sa paghihiwa ng steak matapos marinig ang huling tinuran ng ina ni Arya. Nagbalik ang tensyon sa kanyang katawan at bigla siyang naging aligaga. Pilit niyang kinalma ang sarili habang pigil-hiningang naghihintay ng isasagot nito.
Nakita niyang sinulyapan siya nito bago ito tuluyang sumagot. "Nope, wala po sa ngayon, Auntie." ang ipinahayag nito.
Kahit wala naman siyang mapapala sa kaalaman na iyon ay nakapagtatakang nagawa pa rin niyong pagaanin ang loob ni Ygritte. Kinantiyawan ito at pinilit paaminin nina Mrs. Stark at Arya subalit naging consistent ang sagot nito na wala itong girlfriend. Pilit pinigilan ni Ygritte ang mapangiti sa mga naririnig ngunit hindi niya magawa. Kaya para hindi nalang siya mahalata ay inabot niya ang pitsel para sana kumuha ng tubig. Wala siyang kaide-ideya na balak din pala iyong kuhanin ni Jon. Sa di inaasahang pagkakataon ay sabay pa nilang nawakan ang handle niyon dahilan para maglapat ang kanilang mga kamay.
Nang mag-angat siya ng paningin ay nakita niyang direktang nakatitig ito sa kanya. Sa isang iglap ay biglang nag-init ang kanyang pisngi. Dali-Dali niyang hinila ang kamay mula sa ilalim ng kamay nito. "I-I'm sorry... sige na... mauna ka na." Walang imik na kinuha nga nito ang pitsel subalit inuna muna nitong lagyan ng tubig ang baso niya bago ang baso nito. Sobra siyang namezmerized sa ginawa nito subalit hindi siya nagpahalata.
Hindi napansin nang mag-asawang Starks ang tagpong iyon pero hindi naman iyon nakaligtas sa mata ng mismong kaibigan niya. Nakita niyang ngingisi-ngisi ito sa kanyang tabi. Nag-init lalo ang magkabila niyang pisngi. Sa huli ay napayuko na lamang siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/198223482-288-k519098.jpg)
BINABASA MO ANG
She Will Be Loved [COMPLETED]
RomanceIsang pilat ang iniwan ng ama ni Ygritte sa kanyang mukha. Ngunit higit na malalim doon ang pilat na iniwan nito sa kanyang pagkatao. Sa pagdating ni Kit, nakalimutan niya ang mapait na nakaraan. Subalit magawa nga kayang punan ng pagmamahal nito an...