Thirty-two

2.6K 39 1
                                    

NAPANGITI si Jon nang sa kanyang paggising kinabukasan ay si Ygritte ang una niyang mabungaran sa kanyang tabi. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha nito at nakita niyang mahimbing pa rin ang tulog nito. Dinahan-dahan niya ang pagbangon upang hindi ito magising. Walang sawang pinagmasdan niya ito pagkatapos. Habang naglalakbay sa magandang mukha nito ang kanyang paningin ay may kung ano siyang napagtanto sa kanyang sarili.

Indeed, she fell in love with her nang una niya itong masilayan sa bahay nila Arya. Iyon ang totoong dahilan kung bakit gayon na lamang ang concern na nararamdaman niya para rito. She agreed to do his cousin a favor hindi lang dahil sa gusto niyang makitang maging masaya ang dalaga. Moreover, pumayag siya para magawa niyang mapalapit rito. Now that he did, he promise himself that he'll do anything just to keep her in his life.

Sa isang iglap ay nakaramdam siya nang masidhing pagnanais na iguhit ang tulog na kaanyuan nito. Dinampian niya ito nang magaang halik sa noo bago niya ito tuluyang iniwan sa couch. Hinanap niya sa bag ang kanyang sketch pad at lapis saka kumuha ng upuan na ipinwesto niya naman sa harap nito. Buong puso at pagmamahal niya itong iginuhit. Patapos na siya nang magising ito. Dali-dali niyang itinago mula dito ang sketch pad.

"Hey, good morning, beautiful." lumapit siya rito at lumuhod sa harap nito. Inipit niya sa magkabilang tenga nito ang mahabang buhok nito. Then he cupped her face. "How do you feel?"

"I feel wonderful more than ever," ang nakangiting ipinahayag nito. "Ito ang pangalawa sa pinakamagandang umagang nangyari sa buhay ko."

"Pangalawa?" Pinagkunutan niya ito nang noo. Sa isang iglap ay nakaramdam siya nang kung anong kahungkagan sa kanyang loob. Nakakasiguro siyang siya ang nakauna sa dalaga. "When is the first then?"

Itinuwid nito ang kanyang mga kilay gamit ang mga daliri. "It was the morning after the night you saw me on the beach." ang pabulong na sabi nito sa kanya pagkatapos.

Nagbalik ang ngiti sa kanyang mga labi pagkarinig niyon. He pulled her and kiss her passionately on the lips. Hindi niya napigilan ang sarili at muli niya itong ihiniga sa couch. He never let go of her lips habang pinaglalandas niya ang mga palad sa katawan nito. Oh, how he want to make love with her all over again.

"Goodness, you're driving me crazy, lady." hinila na niya ito patayo habang nagagawa pa niyang pigilan ang sarili. "C'mon, let's grab breakfast."

Napahinto siya sa paghakbang nang pigilan nito ang kanyang kamay. Lilingunin sana niya ito subalit mabilis siya nitong nayakap mula sa kanyang likuran. He felt the gentleness of her hands from over his washboard stomach.

"What is it, beautiful?" kinuha niya ang isa sa mga kamay nito at hinalikan iyon. "May problema ba?"

"No, there's nothing." ang maagap na tugon nito sa kanya. "I just want to tell you that I love you."

Natigilan siya sa narinig na tinuran nito. He heard those words a lot of times pero ang "I love you" yata nito ang pinakamasarap pakinggan sa lahat. Kumawala siya sa pagkakayakap nito at hinarap ito.

"Goodness, Ygritte!" pinagsisiil niya ito nang halik sa labi sa sobrang kaligayahang nararamdaman. "I love you, too."

She Will Be Loved [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon