Thirty-five

2.6K 43 0
                                    

NAKATALUNGKO sa veranda ng kanyang silid si Jon habang naglalakbay ang mga mata sa malayong dako. It's been weeks magmula nang mangyari ang engkwentro sa pagitan nila ni Ygritte pero hanggang ngayon ay ginagambala pa rin siya nang naturang insidente. Paulit-ulit bumabalik sa kanyang isipan ang luhaang mukha nito, and everytime, pakiramdam niya ay may bahagi sa kanya ang namamatay. Alam niyang naging makasarili siya. Hindi niya naisip na ito ang pangunahing masasaktan kapag nalaman nito ang usapan nila ni Arya at nagagalit siya sa sarili dahil doon.

Sinubukan niyang lumapit rito para magpaliwanag subalit paulit-ulit lamang siyang tinataboy nito. She never listens kahit ano pang sabihin niya o kahit na ano pang gawin niya. Ang pakiramdam niya'y sinara na talaga nito ang puso para sa kanya. Siguro ay iyon na ang punishment niya dahil sa ginawa niya rito. He made her feel that she's special, she's beautiful, and that she's loved. Tinulungan niya itong makabangon sa mapait nitong nakaraan pagkatapos ay dudurugin lamang din pala niya ang puso nito. Yeah, he's a jerk, and he deserved to suffer the pain of losing the only girl he loved.

Naputol ang kasalukuyan niyang diwa nang may kumatok sa pinto. "Come in," ang walang kabuhay-buhay na saad niya.

"Hey," ang bungad ni Arya bago tuluyang pumasok sa kanyang kwarto. Kapansin-pansin rin ang lungkot sa mga mata nito. Naglakad ito patungo sa veranda kung nasaan siya. "I came here to give you this."

Isang matipid na ngiti ang ipinagkaloob niya rito. "Thanks, Arya." Inabot niya ang brown envelope na hawak nito.

Jon decided to fly back to England. Nagpatulong siya sa ama ng pinsan upang mapabilis ang proseso ng kanyang mga papeles. Naisip niyang wala na siyang dahilan para manatili pa sa bansa pagkatapos mawala nang babaeng minamahal sa kanya.

"Jon, are you sure about this?" puno ng pag-aalinlangan na tanong sa kanya ni Arya. "Ayokong umalis ka nang hindi kayo okay."

"Ako rin naman, pero wala na kong ibang choice, eh. Habang nandito ako, patuloy ko lang siyang masasaktan. Patuloy lang akong magiging dahilan para maalala niya yung mga nangyari." pinilit niyang ngumiti rito subalit hindi iyon umabot sa kanyang mga mata. "Pero ikaw, marami na kayong pinagsamahan. Alam kong hindi niya hahayaang basta-basta nalang mabalewala ang lahat nang iyon. Bigyan mo lang siya siguro nang kaunti pang panahon sa ngayon."

Nangilid ang mga luha nito sa narinig. Hindi lingid sa kanya ang kaalamang maski ito at si Ygritte ay hindi pa rin nagkakaayos. Alam niyang hindi ito sumusuko at patuloy pa ring gumagawa ng paraaan to restore their friendships.

"I-I'm really sorry,cous!" lumuluhang yumakap ito sa kanya. "Alam kong kasalanan ko ang lahat nang ito kaya miserable kayong pareho ngayon."

"Sshh, ilang beses ka nang nagsosorry sa akin. Sinabi ko naman sa'yo, hindi mo kasalanan. You just loved her very much kaya nakaisip ka nang gano'ng plano." kumawala siya mula sa pagkakayakap nito at hinarap ito. "Makinig ka sa akin, darating yung time na maiintindihan din ni Ygritte kung bakit mo nagawa 'yon, bakit ko nagawa 'yon. Just don't lose hope, okay?" tumango ito sa kanya. "And one more thing, kapag umalis na ko, bantayan mo siya para sa akin, ha?"

Sa narinig ay mas lalo itong naluha. Napipilitang napatango na lamang ulit ito di kalaunan. He smiled at her because he knows she will.

She Will Be Loved [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon