Twenty-six

2.6K 41 0
                                    

NAG-ANGAT ng paningin si Ygritte mula sa tambak na paperworks sa kanyang mesa. Kahit ano talagang gawin niya ay hindi siya makapagconcentrate sa trabaho. Paulit-ulit bumabalik sa kanyang isipan si Jon at ang mga bagay na sinabi nito sa kanya nang ihatid siya nito sa kanilang bahay. Kapag naiisip niya iyon ay hindi maiwasang dumaloy ang kilig sa kanyang sistema. Parang panaginip pa rin ang lahat sa kanya hanggang sa mga sandaling iyon. Hindi pa rin siya makapaniwala na magugustuhan nito ang tulad niya. Natigilan siya nang may kung anong marealized. Oo nga pala, gusto palang siya nito, hindi pa ito umiibig sa kanya. Okay lang, ang mahalaga naman, alam niyang may damdamin din ito sa kanya. Naniniwala siyang gaya nang una niyang damdamin para rito ay lalawig din iyon at magiging pagmamahal.

Dinampot niya ang bag sa kanyang gilid at hinugot doon ang isang diary-style na notebook. Nang umalis siya ng beach house nila Arya ay sinigurado niyang nakuha niya ang sticky notes kung saan niya isinulat ang mga unang tula para kay Jon. Naisip niyang i-compile ang lahat ng tulang isusulat niya sa naturang notebook. Kagabi matapos nitong magtapat sa kanya ay nakagawa siya nang mahigit sa pitong tula, but these doesn't seemed to be enough, gusto na naman niya itong dagdagan ngayon.

I wish I could stop the clock from turning;

I want to spend each seconds lost inside your eyes

I wish I could take a piece of the night sky;

For it's you whom I see in every stars that shone above

Natigilan sa ginagawa si Ygritte nang marinig ang malalakas na tilian nang mga kapwa niya babaeng empleyada sa opisina. Dali-dali niyang ibinalik sa loob ng bag ang kanyang notebook. Sumilip siya sa ibabaw ng room dividers na naghihiwalay sa kani-kanilang working area.

"Uy, nandiyan ka pa pala, Ygritte!" ang wika ni Sansa sa kanya nang masulyapan siya. Nakita niyang nag-aayos na ito ng mga gamit at sukbit na nito ang bag. "Hindi ka pa ba uuwi?"

Sinulyapan niya ang wall clock na nakasabit sa pader ng opisina at nakita niyang past 7 PM na pala. Hindi na halos niya namalayan ang oras dahil sa labis na pag-iisip. Binalingan niya muli si Sansa na naghihintay ng tugon mula sa kanya.

"Uuwi na rin," Nagmamadaling inayos na niya ang mga gamit sa kanyang mesa. "Bukas ko nalang tatapusin ang mga ito."

"Good, sumabay ka na sa amin ni Margaery." kahihimigan nang excitement ang tinig nito habang sinasabi iyon. "Baka sakaling maabutan pa natin yung gwapong mama sa may parking area.

Natigilan si Ygritte sa ginagawa matapos marinig ang huling tinuran nito. Hindi niya alam kung bakit gayon na lamang katinding kaba ang bumalot sa kanyang dibdib pagkarinig niyon. Nagtatanong ang mga matang muling sumulyap siya rito.

"Oo, hindi ka nagkamali nang dinig, 'te." sabad ni Margaery nang makita ang reaksyon sa kanyang mukha. "Mayro'n talagang gwapong mama dun sa parking area. Kami mismo nitong si Sansa ang nakasaksi. Jusko, muntik na ngang mahulog ang mga panty namin." eksaheradang pagkukwento nito. "Hindi lang namin alam kung sino ang hinihintay."

"Sana ako nalang ang hinihintay niya!" ang namimilipit sa kilig na saad ni Sansa habang nakayakap sa hawak na paperbag. "My gosh, gusto kong maranasang sumakay sa big bike niya!!!"

Nahulog sa sahig ang mga papel na ilalagay sana ni Ygritte sa loob ng kanyang desk drawer. Nagulantang siya nang matuklasang big bike ang sasakyan ng naturang lalaki sa labas ng kanilang opisina. Gulat na napalingon sa kanya ang dalawang kasama.

"Okay ka lang ba, 'te?" ang nagtatakang tanong sa kanya ni Margaery. "Bakit para yatang natetense ka?"

Napangiti siya nang alanganin rito. "O-Oo... ano... nadulas lang talaga sa kamay ko." aniya saka niya dali-daling pinulot ang mga nahulog na papel.

"Oh siya, tara na, dali!" ang excited na yaya sa kanila ni Sansa matapos nitong makita na naayos na niya ang mga gamit sa kanyang desk. "Excited na ulit akong masilayan ang kagwapuhan niya!"

Hanggang sa paglabas nila ng opisina ay hindi mapakali si Ygritte. She doesn't want to expect anything pero malakas talaga ng kutob niya na si Jon ang lalaking madadatnan nila sa parking area. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa mga kasama kung tama ang kutob niya. Iyon pa naman ang unang pagkakataon na may lalaking susundo sa kanya. Pag nagkataon ay paniguradong puputaktihin siya ng tanong nang mga ito.

"There he is!" bulalas ni Margaery na hinampas pa siya sa braso sa sobrang kilig. "My Goodness, ang gwapo talaga!"

Sinundan niya ang tinutumbok ng paningin nito at halos atakihin siya sa puso nang si Jon ang bumungad sa kanya. He's wearing his legendary Ray-ban shades and his black V-neck shirt na makipot sa katawan nito. Nakahalukipkip ito habang nakasandal sa big bike nito kaya kitang-kita ang mga biceps nito sa braso. Ang gwapo-gwapo nito sa gayong anggulo at halos hindi siya huminga nang ilang segundo. Natauhan lamang siya nang bigla itong lumingon sa kanilang direksyon. Sa kanyang palagay ay narinig nito ang mga pagtungayaw ni Margaery. Kagyat na sumilay sa mga labi nito ang isang matamis na ngiti nang mamataan siya.

"I think he's smiling at me!" ang eksaheradang sabi naman ni Sansa. "Finally, mukhang naappreciate niya na rin ang kagandahan ko!"

Hindi magawang magreact ni Ygritte sa mga pinagsasasabi ng mga ito dahil pakiramdam niya ay bigla niyang nalunok ang sariling dila. Lalo pang tumindi ang tensyon na nararamdaman niya nang magsimula itong humakbang palapit sa kinaroroonan nila. Pakiramdam niya anumang oras ay bibigay ang kanyang mga tuhod.

"Ygritte, this is for you." isang bouquet ng white roses ang inabot nito sa kanya matapos nitong makalapit sa kinaroroonan nila. "By the way, I want to take you home again."

Napamaang ang dalawa sa kanyang tabi at napatingin sa kanya pagkarinig ng sinabi nito. Pero masyado siyang overwhelm para mapansin. Hindi niya malaman kung anong iisipin at mararamdaman nang mga sandaling iyon. Basta't ang tanging alam niya lang ay nagtagumpay na naman itong iparamdam sa kanya kung gaano siya ka-espeyal.

She Will Be Loved [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon