Eight

3.4K 43 1
                                    

NAPAKAGAT-LABI si Ygritte nang mapansin ang ilang mga estudyante na nagbubulungan habang naglalakad siya sa loob ng school compound. Kung dati-rati'y ay paghanga para sa kanya ang mababakas sa mata ng mga ito, ngayon ay magkahalong paghuhusga, at pagkahabag na ang nilalaman ng mga iyon. Alam niyang nakarating na sa mga ito ang nangyari sa kanyang pamilya, at gustuhin man niyang ipagkaila iyon, wala siyang magawa dahil mayro'n isang malaking palatandaan na naiwan sa kanyang mukha.

Patakbo niyang tinungo ang office ni Mrs. Santos nang sa gayon ay mabilis niyang matakasan ang mapanghusgang mata ng mga ito. "M-Magandang araw po, Mrs. Santos." ang bati niya sa adviser sa basag na tinig.

"Ygritte, hija!" napatindig ito mula sa kinauupuan at agad siyang sinalubong nang mahigpit na yakap. "Salamat naman sa Diyos at maayos na ang kalagayan mo ngayon!"

Nang sandali ring iyon ay parang biglang ibig pumatak ng mga luha ni Ygritte. Natatandaan pa niya kung gaano ito kahabag sa kanya nang bisitahin siya nito noong nasa hospital pa siya. Hindi niya ito magawang tingnan noon dahil nahihiya siyang makita siya nito sa gayong kalagayan.

"Salamat rin po sa pag-aalala, Mrs. Santos." ang kanyang ipinahayag bago sila binalot nang isang nakabibinging katahimikan. Kahit kasi ito ay hindi alam kung ano ang sasabihin para gumaan ang loob niya. Pinilit niyang ngumiti rito pero imbes na ngiti ay luha ang banayad na dumaloy sa kanyang mukha. "Ma'am, I'm so sorry. Binigo ko kayo at ang buong school. Hindi ko ito nagawang irepresent sa national competition."

It was one of her greatest regrets mula nang mangyari ang malagim na insidenteng iyon. Tatlong araw lamang kasi pagkatapos nang naturang insidente ay ginanap ang national competition sa Davao. Hindi siya pinayagan ng doktor na dumalo dahil masyado pa raw sariwa ang kanyang sugat at baka maging dahilan daw iyon para bumuka ang tahi niyon. Kaya kahit gustong-gusto niya ay wala siyang nagawa kung hindi ang sundin ito. Habang ang iba ay nirerepresent ang kani-kanilang school sa naturang competition, siya naman ay naroon sa masikip na kwartong iyon, tahimik na lumuluha.

"Ano ka ba namang bata ka! Wala kaming pakialam rito kahit hindi mo man nagawang irepresent ang ating school sa national competition. You've given this school so much honor, at para sa amin, sapat na iyon." Hindi na rin nito napigilan ang hindi maluha habang sinasabi iyon. Pinahid nito ang luha sa kanyang mga pisngi gamit ang likod ng kamay. "Tama na iyan, okay. I know you, matatag kang bata. Alam kong malalampasan mo rin ang lahat nang ito." Niyakap siya nito nang mahigpit. "I'll see you in the graduation, Ygritte."

Pero taliwas sa inaasahan nito ay hindi siya dumalo ng graduation. Pagkatapos kasi makita ang reaksyon ng mga estudyante nang magbalik siya ng kanilang school ay labis siyang pinanghinaan ng loob. Imagine, they're just small numbers, paano pa kaya kung ang buong school na ang makakasaksi sa kanya. Sigurado naman siya na huhusgahan at huhusgaan siya ng mga ito at ang kanyang pamilya kahit na ano pang gawin niya. She's carrying so much weight at her back now and she can't handle to carry the burden of their judgments anymore. Kaya naman mas pinili na lamang niya palampasin ang isa sa mga pinakaimportanteng okasyon sa kanyang buhay, kahit masakit sa kanya, kahit alam niyang isa na namang pilat ang iiwanan niyon sa kanyang pagkatao.

She Will Be Loved [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon