NAGMAMADALING bumaba nang sinasakyang taxi si Ygritte. Sa labis na pagmamadali ay kaagad na niyang tinalikdan ang driver kahit na hindi pa nakukuha ang sukli. Kulang nalang ay lumipad na nagtatakbo siya papasok sa loob ng entrance ng airport. Ang sabi sa kanya ni Arya ay mamayang alas-dose pa ng tanghali ang flight nito. Pasado alas-onse palang naman nang umaga. May oras pa siya para hanapin ito.
Habol ang hiningang nagpalinga-linga siya upang hanapin ito sa nagkalat na mga tao sa loob nang naturang airport. Nang hindi ito masilayan ay nagtungo siya sa ibang parte ng airport para hanapin ito. Sa kasamaang palad ay hindi pa rin niya ito nakita. Nanghihina na ang kanyang mga tuhod sa kawalan ng pag-asa. Narinig niya ang announcement para sa flight ng mga pasaherong papunta sa England. Ang sabi ay aalis na daw ang eroplano nito sa loob ng limang minuto.
Kumakabog ang dibdib na nagtatakbo siya patungo sa take-off area pagkarinig niyon. Kahit may posibilidad na hindi na niya ito maabutan ay nagtungo pa rin siya doon para magbakasali. Sa kasamaang palad, gaya nang inaasahan, nahuli na nga siya. Nakapag-take-off na ang eroplano at lumilipad na sa ere pagdating niya. Nanlulumong tinanaw na lamang niya iyon. Mayamaya ay naramdaman niya ang pagpatak ng luha mula sa mga mata kasabay nang isang masakit na realization: She lost him.
Parang walang kinabukasang naglakad na siya pabalik. She never imagined na hahantong sila sa gano'n. Kung alam niya lang ay hindi na sana siya nagmatigas at pinakinggan niya ang mga paliwanag nito. Pakiramdam tuloy niya ngayon ay mas lalo pang nadoble ang sakit na nararamdaman niya at hindi na niya magagawa pang makarecover kahit na kailan mula doon.
Mayamaya, sa di malaman na dahilan, biglang nanlabo ang kanyang paningin. Nakaramdam siya nang matinding pagkahilo. Sa kawalan ng susuporta ay napakapit na lamang siya sa isang posteng nadaanan. Nagtagal siya doon na mistulang hinahamig ang sarili. Nang makaramdam siya nang kaunting ginhawa ay sinubukan niya ulit maglakad subalit muling nanlabo ang kanyang paningin hanggang sa tuluyan na siyang humandusay sa sahig at mawalan nang malay.
![](https://img.wattpad.com/cover/198223482-288-k519098.jpg)
BINABASA MO ANG
She Will Be Loved [COMPLETED]
RomanceIsang pilat ang iniwan ng ama ni Ygritte sa kanyang mukha. Ngunit higit na malalim doon ang pilat na iniwan nito sa kanyang pagkatao. Sa pagdating ni Kit, nakalimutan niya ang mapait na nakaraan. Subalit magawa nga kayang punan ng pagmamahal nito an...