PAGKAUWING-PAGKAUWI ay sa kwarto agad dumiretso si Jon at ang sketch pad kaagad ang kanyang hinanap. He sat on the balcony, and as he stares on the stars above, he tried to imagine Ygritte's face. Napakaganda niyon even with the scar in her right cheek. In fact, he could imagine himself falling for her, the first time he laid his eyes on her. Nagsimula siyang i-outline ang mukha nito at ang mga detalye niyon sa kanyang sketch pad, pero agad ring napahinto nang dumako siya sa mga mata nito, mga matang puno nang kalungkutan. He would do anything just to take away the sadness from those gentle brown eyes of hers.
"Jon," natigil ang pagbubulay-bulay niya nang biglang bumukas ang pinto at sumungaw ang ulo ng pinsang si Arya. "Can I come in?"
"Yeah, sure." tumindig siya mula sa balcony at inilagay sa drawer ang kanyang sketchpad. "Anong kailangan mo, cous?"
"Mom asked me to check if you have everything you need and it seemed that you do." Naglakad-lakad ito sa kanyang kwarto habang iginagala ang paningin. "By the way, thank you pala sa paghatid mo kay Ygritte."
Natigilan siya nang banggitin nito ang pangalan ng dalaga. Sa isang iglap ay bigla siyang nagkainteres na magtanong sa pinsan ng ilang mga bagay ukol dito. Ayaw kasi siyang patahimikin ng kanyang kuryosidad hangga't hindi niya nalalaman kung bakit tila napakabigat nang dinadala nito.
"I find Ygritte really special, Arya." ang kanyang ipinahayag makalipas ang ilang sandaling pananahimik. "But there's something about her eyes that really bothers me."
Gumuhit ang pagkagulat sa mukha nito. "You mean, the eyes, and not the scar?" ang tila naniniguradong tanong nito.
"Jeez, Arya! Kilala mo ako. I wouldn't judge anyone just because they have a scar or something. Sa totoo nga niyan, I don't think Ygritte's scar lessens her beauty. It's her eyes, though." Natigilan siya as if remembering the look in her eyes when he first saw them. "It appears to me as if they're full of pain... sadness... I don't know."
"Ygritte is indeed special, Jon. But some circumstances change her outlook in life and her own self-value." Isang malalim ba buntong-hininga ang pinakawalan nito. "When I met her in College, palagi siyang mag-isa, walang sino man ang nagtatangkang lumapit o kumausap man lang sa kanya. My case, on the other hand, was really opposite to hers. Dahil maraming nakakaalam sa school na nanggaling ako sa mayamang pamilya, marami ang lumalapit, at gustong makipagkaibigan sa akin."
Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa pagitan nila pagtapos niyon. Gayunpaman, walang narinig na anuman si Arya mula kay Jon. Sa halip ay matiyaga itong nag-abang nang mga susunod pa niyang sasabihin.
"Because of my curiosity, sinubukan kong kilalanin siya. When I did, narealized ko, yung mga katulad pala niya yung mga karapat-dapat na kaibiganin. Nakapasimple niya, at kahit na ramdam kong mayro'n siyang mabigat na dinadala, nakikita ko na punong-puno siya ng pangarap sa buhay. Hindi siya katulad ng ibang nagtatangkang makipagkaibigan sa akin na alam ko naman na lumalapit lang sa akin nang dahil sa profile ng pamilyang kinabibilangan ko." pagtutuloy nito. "Eventually, I became friends with her, at doon ko na nalaman that she's a product of a broken family. There's this one instance, naabutan niyang nag-aaway yung parents niya, her dad aiming a broken bottle to her mom's face. Sinubukan niya itong protektahan and there she got the scar on her right cheek. Magmula noon, her life's never been the same, nakulong na siya sa anino nang nakaraan."
Jon looked at Arya, pained. Parang biglang nanikip ang kanyang dibdib matapos marinig kung gaano kabigat ang pinagdaanan ng dalaga. It must be so hard for her to live her life after the incident. Kaya naman pala hanggang ngayon ay bakas na bakas pa rin sa mga mata nito ang pait nang nakaraan. Nobody deserve to taste that kind of pain she had experienced.
"I love Ygritte and I'm doing my best to make her feel that she's worth it, Jon. Pero mukhang hindi ko kakayanin iyon nang mag-isa. Perhaps, I'll be needing someone's assistance if I really want to make that goal happen."
Pagkasabi niyon ay isang makahulugang tingin ang ipinukol nito sa kanya. Pinagkunutan niya ito ng noo pagkat hindi niya maunawaan nang lubos ang ibig nitong sabihin. Nakita niyang nagbuga muli ito ng hangin.
"Jon, can you do me a favor?" nanatili itong matamang nakatitig sa kanya. "Pwede mo bang ligawan si Ygritte?"
![](https://img.wattpad.com/cover/198223482-288-k519098.jpg)
BINABASA MO ANG
She Will Be Loved [COMPLETED]
RomanceIsang pilat ang iniwan ng ama ni Ygritte sa kanyang mukha. Ngunit higit na malalim doon ang pilat na iniwan nito sa kanyang pagkatao. Sa pagdating ni Kit, nakalimutan niya ang mapait na nakaraan. Subalit magawa nga kayang punan ng pagmamahal nito an...