NAPIGILAN ni Ygritte ang kanyang hininga habang pinagmamasdan ang lalaking nakatayo sa bukana ng pintuan. The guy is tall and lean with a very masculine feature and tanned skin. Nakasuot ito ng white three-fourths na pinatungan ng black na vest, nakapugong ang bahagyang kulot na buhok, at may hawak na sketch pad. Hindi naglaon ay tinanggal nito ang suot na Ray-Ban shades dahilan upang direktang magtama ang kanilang mga paningin. Pakiramdam ni Ygritte ay bigla na lamang tumigil ang takbo ng oras nang sandaling iyon. She could feel her heart beating faster than before and her stomach twitching from side to side. It's pretty intense but she like the way he make her feel. Gayunpaman, nang marealized na nakalantad rito ang pilat sa kanyang pisngi ay siya na ang unang nag-iwas ng paningin.
"H-Hi, there," ang wika nito nang mapansin na tila bigla siyang naging tensyonado. Naglakad ito palapit sa kanya at sa hindi malamang dahilan ay biglang nanghina ang kanyang mga tuhod. She tried her best to calm herself down pero ang bilis talaga ng tibok ng kanyang puso. "If I'm not mistaken, ikaw yung kaibigan ni Arya, right?"
He speak fluently in Tagalog pero kapansin-pansin na may accent ito na parang sa isang British. Napapalunok na sinulyapan niya ito at nabigla pa siya nang makitang nakalapit na pala ito sa kanya. "Y-Yeah, ako nga," ang sa wakas ay nagawa niyang itugon rito nang magtagumpay pakalmahin ang sarili.
"Oh, I see," napatango-tango ito bago pagkuwan ay mapangiti sa kanya. "By the way, ako nga pala si Jon," inilahad nito ang kanang kamay. "I'm Arya's cousin."
"I-I'm Ygritte," tinanggap niya ang kamay nito and she was surprised how they seemed to perfectly fit each other. Jon is looking intently on her at bigla siyang nailang sa ideyang baka masulyapan ulit nito ang pilat sa kanyang pisngi. Kaya naman dali-dali niyang binawi ang kamay mula rito at ipinaling sa ibang direksyon ang paningin. "N-Nice to meet you, Jon."
Kapansin-pansin na ikinagulat nito ang kanyang naging reaksyon ngunit hindi na lamang nagkomento. "Nice to meet you too, Ygritte." Sa kabila ng pag-iwas niya ay nanatili pa rin itong nakatitig sa kanya na wari ba'y may kung ano itong espesyal na bagay na nakikita sa kanya.
"Aba, mabuti naman pala at nagkakilala na kayong dalawa," kapwa pa sila nagulat nang biglang umalingawngaw ang tinig ni Arya. Sinalubong ito ni Jon at humalik sa pisngi nito. "My goodness, Jon! Magshave ka nga! Mukha ka nang ermitanyo sa stubble mo!" reklamo nito na ikinatawa naman ng binata. Di naglaon nang bumaling sa kanya ang paningin nito ay kaagad na gumuhit sa mukha nito ang kakaibang excitement. "Ygritte, my dear! I'm so glad you came! Marami akong ikukwento sa'yo! Pero sa sa dining area nalang." kinayag na siya nito patungong dining area. "Jon, sumunod ka nalang!"
Isang simpleng "yeah" lamang ang narinig niyang itinugon ni Jon rito. Ang dami-daming sinasabi ni Arya sa kanya habang palayo sila pero hindi niya magawang magfocus pagka't distracted pa rin siya kay Jon. Nang hindi na makatiis ay pasimpleng sinulyapan niya ito at nakita niyang nakasunod pala sa kanila ang paningin nito. He smiled at her at tinugon niya iyon nang isang matipid rin na ngiti before she turned away.
![](https://img.wattpad.com/cover/198223482-288-k519098.jpg)
BINABASA MO ANG
She Will Be Loved [COMPLETED]
RomanceIsang pilat ang iniwan ng ama ni Ygritte sa kanyang mukha. Ngunit higit na malalim doon ang pilat na iniwan nito sa kanyang pagkatao. Sa pagdating ni Kit, nakalimutan niya ang mapait na nakaraan. Subalit magawa nga kayang punan ng pagmamahal nito an...