Twenty-four

2.6K 36 0
                                    

NAKATULALA si Ygritte sa salaming bintana ng sinasakyang eroplano. Natapos na ang tatlong araw na bakasyon nila sa Palawan at sa kasalukuyan ay pabalik na sila ng Maynila. Nakaupo siya malayo kay Jon subalit may ilang pagkakataon na hindi niya mapigilan ang sariling sulyapan ito. Magmula nang marealized niyang umiibig na siya sa lalaki ay lalo siyang nahirapan na makisalamuha rito. Pakiramdam niya sa tuwing maglalapit sila ay lalabas ang kanyang puso mula sa kanyang rib cage sa bilis ng tibok niyon. Ito ang unang pagkakataon na naramdaman niya iyon. Dati-rati kasi ay nagagawa niyang supilin ang kanyang damdamin sa mga lalaking nagugustuhan niya. Nabigo siyang gawin ang kaparehong bagay kay Jon.

Namomomroblema tuloy siya kung anong gagawin niya sa puso niya. Paano kung sadyang mabait lang talaga sa kanya si Jon at di tulad niya ay wala naman pala itong nararamdaman sa kanya? It will be her first heartbreak at hindi niya alam kung pa'no ihahandle iyon kung saka-sakali. Napabuntong-hininga na lamang siya sa sobrang frustration na nadarama. Sinasabi na nga ba niya at hindi magandang ideyang sumama siyang magbakasyon sa mga ito. Nagkaro'n pa tuloy siya ng pagkakataon na mapalapit dito at buksan ang puso niya para rito.

Sa sobrang lalim nang iniisip ay hindi tuloy namalayan ni Ygritte na naglanding na pala ang eroplanong sinasakyan nila sa airport. Pagkababa ay lumapit agad sa kanya si Jon para tulungan siya sa kanyang mga daladala. Naiinis siya sa sarili dahil kahit gustong-gusto niya itong tanggihan ay hindi niya magawa. Paano pa ba niya magagawang tanggalin ito sa kanyang sistema kung magpapatuloy itong sweet sa kanya? Nagkunwari na lamang siyang parang normal lang ang lahat kahit na ang totoo ay sobrang tensyonada siya. Binusihan sila nang kanilang sundo na si Mang Petyr pagdating nila sa may parking area. Ito ang driver ng pamilya nina Arya. Nakita niyang naro'n din ang big bike ni Jon. Isang binatilyo ang nakaangkas doon. Palagay niya ay anak iyon ni Mang Petyr dahil may pagkakahawig ang mga ito.

"Thank you," ang ipinahayag ni Jon nang iabot sa kanya ng binatilyo ang susi ng big bike. Binalingan nito ang matandang driver pagkatapos. "Salamat din po sa inyo, Mang Petyr."

Nakangiting tumango lamang ang mga ito sa kanya. Samantala, nabahiran naman ng kuryosidad ang mukha ng ina ni Arya. Gaya niya ay mukhang nagtataka din ito kung bakit naro'n ang big bike nito.

"Jon, hindi ka ba sasabay sa amin sa van?" ang tanong nito sa binata habang binubusisi nito ang naturang big bike. "Bakit ipinadala mo pa kila Mang Petyr at sa anak niya ang big bike mo?"

"Oo nga naman, hijo." segunda naman ng asawa nito. "May pupuntahan ka pa bang iba?'

Isang magalang na ngiti ang sumilay sa mga labi nito. "Auntie and Uncle, mauna na po kayo sa bahay at ito na lamang ang sasakyan ko pauwi." anitong hindi sinagot ang tanong kung may pupuntahan pa siyang iba.

"Oh siya, sige, mag-ingat ka nalang, okay?" hindi na nag-urirat pa ang ina ni Arya pagkat tila hapong-hapo ito sa biyahe.

Tumango si Jon bago humalik sa pisngi ng kapwa ama at ina ni Arya. Sumakay na ang mga ito sa naturang van pagkatapos. Samantala, hindi naman alam ni Ygritte kung guni-guni lamang ba niya o talagang nakita niyang nagthumbs up si Arya sa pinsan bago ito sumakay ng van. Hindi na lamang niya ito pinansin at nagdesisyon nang sumakay na rin. Sa isang iglap ay nalungkot siya na hindi nila makakasabay umuwi ang binata. Subalit agad din napawi ang lungkot na iyon nang bigla nitong hilahin ang isa niyang braso bago pa man siya tuluyang makasakay sa loob ng van.

"Ygritte, sandali lang," ang ipinahayag nito habang nakahawak nang mahigpit sa isa niyang braso. "Pwede bang sa akin ka nalang sumabay?"

Napamaang si Ygritte sa narinig. "H-Ha? B-Bakit?" ang hindi magkandatutong nasambit niya sa sobrang pagkagulat.

"I just want to talk to you." ang sinserong sabi nito habang direktang nakatitig sa kanyang mga mata. "Please?"

Nang sandaling sabihin nito ang salitang "please" ay tila nakalimutan na ni Ygritte ang lahat. Wala na siyang nagawa kung hindi ang mapatango na lamang dito. Hindi nito binitiwan ang kanyang braso at sa halip ay pinadausdos ang kamay patungo sa kanyang kamay at saka siya hinila palapit sa big bike nito. Nagkandagulo-gulo ang kanyang sistema at wala siyang ibang nagawa kung hindi ang mapasunod na lamang dito. Kinuha nito ang helmet at saka maingat na sinuot sa kanyang ulo. Pinagtinginan sila ng mga taong nakakalat sa airport habang ginagawa nito iyon. Nakaramdam siya ng pagkailang subalit mas lamang ang kilig. Inalalayan siya nito sa pag-angkas sa bike at saka kusang ipinalupot ang kanyang mga braso sa bewang nito. Nang maramdaman nitong nanlalamig ang kanyang mga kamay ay ipinasok nito iyon sa magkabilang bulsa ng suot nitong leather jacket. Juice colored, pakiramdam niya ay hihimatayin siya sa sobrang kilig na nararamdaman.

She Will Be Loved [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon