"S-SALAMAT, Jon."
Nangingiming tinanggap ni Ygritte ang bouquet ng white roses mula sa binata. She smiled at him and managed to hold his melting stares. Ilang sandali silang nanatiling nagtititigan na wari'y sila lamang ang dalawang taong nag-e-exist sa earth nang mga oras na iyon. Natauhan lamang sila nang umalingawngaw ang halinhinang pagtikhim ng dalawa sa kanyang tabi.
"A-Ahm, nga pala, ito sina Sansa at Margaery, mga kasamahan ko sa trabaho." aniya kay Jon saka bumaling sa mga kasama. "Sansa and Margaery, si Jon, kaibigan ko."
Makahulugan ang mga titig ni ipinagkaloob sa kanya ni Margaery. "Kaibigan mo?" tanong nito na sadyang binigyang diin ang unang salita.
Parang gusto niya itong sabunutan sa pagiging usisera nito. "Y-Yeah," tugon niya nalang para matahimik na ito.
"Jusko, hindi ka naman nagsasabi na may kaibigan ka palang ganito kagwapo, Ygritte!" eksaheradang wika naman ni Sansa bago nakipagkamay kay Jon. "Nice to meet you, Jon."
"Ditto," ang matipid na tugon naman nito kay Sansa. Nakipagkamay din ito kay Margaery na makahulugan pa rin ang tingin sa kanya. Bumaling ito sa kanya pagkatapos. "Ready to go?"
Tumango siya rito bago bumaling kina Sansa at Margaery. "Mauna na ko sa inyo... ingat nalang." Tinanguan lamang din siya nang mga ito.
Kinuha na ni Jon ang isa niyang kamay at hinila na siya patungo sa kung saan nakahimpil ang big bike nito. Nailang siyang bigla kaya tinangka niyang hilahin pabalik ang kamay ngunit mabilis nito iyong nabawi. Wala na siyang nagawa kung hindi ang mapasunod na lamang dito. Kaparis nang dati ay isinuot nito sa kanya ang helmet at inalalayan siya sa pag-angkas. Goodness! How could she possibly not fall in love with this kind of guy?
![](https://img.wattpad.com/cover/198223482-288-k519098.jpg)
BINABASA MO ANG
She Will Be Loved [COMPLETED]
RomanceIsang pilat ang iniwan ng ama ni Ygritte sa kanyang mukha. Ngunit higit na malalim doon ang pilat na iniwan nito sa kanyang pagkatao. Sa pagdating ni Kit, nakalimutan niya ang mapait na nakaraan. Subalit magawa nga kayang punan ng pagmamahal nito an...