Seven years later...
NAGISING si Ygritte nang dahil sa magagaang dampi ng halik sa kanyang pisngi. Nang magmulat siya ng paningin ay isang mala-anghel na mukha ang kanyang nabungaran. Napangiti siya at kahit inaantok pa ay dali-dali na siyang bumangon. Ginawaran niya ito nang isang mahigpit na yakap at masuyong halik sa noo.
"Good morning, sweetheart." ang sabi niya rito habang sinusuklay-suklay ng kanyang daliri ang itim na itim at bahagyang kulot na buhok nito. "Ang gwapo-gwapo mo naman ngayon."
"Good morning, mama." ang masiglang ipinahayag nang batang lalaki sa kanya. "You also look lovely kahit kakagising mo lang."
Napangiti siyang lalo sa sinabi nito. "Of course, mana yata ako sa'yo!" kinindatan niya ito at saka muli itong niyakap nang mahigpit.
"Mama, hindi naman gano'n, eh. Hindi po pwedeng magmana ang mama sa baby niya. Ang baby niya po ang dapat magmana sa mama niya." napapakamot-ulong sabi nito na ikinatawa naman niya. "Mama, let's eat breakfast." mayamaya ay ipinahayag nito. "Di ba po may pupuntahan tayo ngayon?"
Natigilan siya nang maalalang mayro'n nga pala siyang book signing sa isang mall nang araw na iyon. Three years ago ay aksidenteng napulot ng isang book publisher ang notebook na siyang pinagsulatan niya ng kanyang mga tula. Nabasa nito ang nilalaman niyon at nagustuhan nito. Sa pamamagitan ng contact information na nakalagay sa notebook ay hinanap siya nito at hiningi ang kanyang consent dahil gusto raw nitong ipost sa website nito ang kanyang mga tula. Pumayag siya, and turned out, nagustuhan nang maraming readers ang kanyang mga tula.
Nang dahil sa demand ng mga readers ay nagdesisyon ang naturang publisher na icompile ang mga tula sa isang libro at ipublished. Kinuha pa siya nito bilang contract writer sa kompanya nito. Writing has always been her passion kaya naman hindi na niya pinalampas pa ang oportunidad na muling ipinagkaloob sa kanya ng tadhana sa pagkakataong iyon. She took the writing job and resigned to her previous office job. Sa kasalukuyan ay mahigit isa at kalahating taon na niyang in-e-enjoy ang kanyang passion.
"Okay, pero mauna ka na sa kitchen, sweetheart." ang sabi niya rito. "Magliligpit lang muna ng bed si mama."
Nakangiting tumango ito. "Okay, I'll just wait you there." Pagkasabi niyon ay tuluyan na itong lumabas ng kanyang kwarto.
Ihinatid niya ito nang tanaw hanggang sa tuluyan na itong maglaho sa kanyang paningin. Seven years ago ay isang anghel ang dumating sa kanyang buhay at ito ay walang iba kung hindi ang anak. Pagkatapos niyang mawalan noon nang malay sa airport ay kaagad na rumesponde ang mga security. Nang magising siya ay natagpuan niya ang sarili sa loob ng isang clinic. Kinausap siya ng isang babaeng doktor at doon na niya nalaman na siya'y nagdadalang-tao pala.
Ito ang naging bunga ng isang gabing pagmamahalan sa pagitan nila ni Jon. Itinuring niyang isang malaking blessing ang bagay na iyon. Siguro nga ay umalis si Jon ngunit may naiwan naman itong isang napakagandang alaala sa kanya. Lumipat sila ng ibang tirahan at itinago niya ang kanyang pagbubuntis. Kahit sa pamilya ni Arya ay hindi niya ipinaalam iyon. Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanyang gawin ang bagay na iyon. Basta't ang tanging alam niya lang ay iyon ang pinakamabuting gawin nang mga panahong iyon.
Ilang buwan matapos niyang makapanganak ay nabalitaan niyang lumipad patungong Hongkong ang kaibigan para pangunahan ang business expansion ng pamilya nito. Tuluyan nang nawala ang contact nila sa isa't-isa at hindi na ulit sila nagkaro'n pa ng pagkakataon para magkausap. Sa kabila niyon ay hindi siya nawalan ng loob at mag-isa niyang pinalaki ang anak sa loob nang pitong taon. Sa tuwing tinatanong nito sa kanya ang ama ay iisa lamang ang lagi niyang sinasabi: Makikita at makikilala rin nito ang ama sa tamang panahon.
Kailanman ay hindi niya naging intensyon na ipagkait sa lalaki ang karapatan sa anak. Alam niyang marami nang nagbago at maaring nangyari sa loob nang pitong taon. She knows deep inside her that he's still madly in love with him. Kaya nga ba kahit kailan ay hindi na niya pinangarap ang tumingin pa sa ibang lalaki. Pero kung sakaling huli na talaga ang lahat sa kanila ay maluwag niya iyong tatanggapin. Ang anak nalang ang kanyang iintindihin dahil alam niyang para dito at sa ama ay hindi pa huli ang lahat. Kung sakaling pagtagpuing muli ng tadhana ang mga landas nila ni Jon ay walang pag-aalinlangang ipapakilala niya rito ang anak.
BINABASA MO ANG
She Will Be Loved [COMPLETED]
RomanceIsang pilat ang iniwan ng ama ni Ygritte sa kanyang mukha. Ngunit higit na malalim doon ang pilat na iniwan nito sa kanyang pagkatao. Sa pagdating ni Kit, nakalimutan niya ang mapait na nakaraan. Subalit magawa nga kayang punan ng pagmamahal nito an...