Twenty-nine

2.5K 37 0
                                    

PAGLABAS ng opisina ay kaagad na namataan ni Ygritte si Jon. Kaparis kagabi ay nakasandal ito sa big bike nito at matiyagang naghihintay sa kanya. Subalit hindi nagawang pagaanin ng presensya nito ang kanyang nararamdaman. Nakangiting kumaway ito sa kanya subalit nanatiling blangko ang kanyang ekspresyon. Naglakad siya palapit sa kinaroroonan nito.

"Hey, what's wrong?" ang bati nito sa kanya nang mapansin na tila balisa siya. "Okay ka lang ba?"

Tinangka siyang hawakan nito subalit umiwas siya. "Okay lang," hindi na niya hinintay na isuot nito sa kanya ang helmet dahil siya na ang kusang nagsuot niyon sa kanyang sarili. "Let's go."

Natigilan ito at napatitig sa kanya. Nagtatanong ang mga mata. Subalit hindi niya sinalubong ang paningin nito. Sa huli ay walang kibong umangkas na ito ng big bike. Wala siyang nagawa nang alalayan siya nito sa pag-angkas. Ilang sandali pa at nasa main road na sila. Sari-saring bagay tungkol sa pagitan nila ang tumatakbo sa kanyang isip nang mga sandaling iyon. Naguguluhan siya sa nararamdaman. Hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niyang papasukin ito hindi lamang sa kanyang mundo kundi pati na rin sa kanyang puso.

Alam niyang napakababaw na dahilan ang mga narinig niya kay Mellisandre kanina para maapektuhan siya nang gano'n. Pero sa tulad niyang pinagkaitan ng self-esteem ay kaagad na ikinatibag iyon nang mahina na niyang depensa. Ano bang mapapala ni Jon sa isang tulad niya? She has nothing but a scarred life and scarred face. He doesn't deserved her. Nahinto ang kasalukuyang diwa niya nang mapansin niyang hindi na daan patungo sa inuupahang apartment ang tinatahak nila.

"Jon, what do you think you're doing?!" she tried to ask pero hindi siya nito pinansin at sa halip ay nagpatuloy lang ito sa pagmamaneho. "Hey, saan mo ako dadalin?!"

She Will Be Loved [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon