NAGBUKAS ang pinto ng simbahan at tumambad kay Ygritte ang mga upuang napaliligiran ng white roses, mga mahahalagang tao sa kanyang buhay, at ang kanyang groom na nakangiting nakatunghay sa kanya mula sa altar. Pigil ang hiningang naglakad siya sa red carpet. Sa kanyang kaliwa ay nakaalalay ang kanyang ina, habang sa kanan naman ay ang kaibigang si Arya. Bawat hakbang niya ay makahulugan at pinupuno ang kanyang dibdib nang masarap na pakiramdam. Ilang sandali pa at narating na nila ang altar at may pananabik na kinuha ni Jon ang kanyang kamay. Inalalayan siya nito patungo sa dalawang upuang nasa gitna.
Nagsimula na ang pari sa pag-iisang dibdib sa kanila. Ilang sandali pa at ipinausal nito sa kanila ang wedding vow. Nakatingin sa mata ng bawat isa na inusal naman nila iyon na puno nang sinseridad at pagmamahalan. Nang matapos ay lumapit sa kanila si Bran na siyang nagsilbing ring bearer nila. Iniabot nito sa kanila ang basket kung saan nakalagay ang singsing. Kapwa sila humalik sa magkabilang pisngi ng bata bago ito tuluyang umalis. Di naglaon at isinuot nila ang singsing sa daliri ng bawat isa.
Napangiti ang pari sa kanilang dalawa. "You may now kiss the bride." mayamaya ay anunsiyo nito.
Itinaas ni Jon ang suot niyang belo at napangiti ito habang pinagmamasdan siya. Napangiti rin siya pagkat pakiramdam niya nang mga sandaling iyon ay napakaganda niya at siya ang buong mundo nito. Mula umpisa ay hindi nito ipinaramdam na may mali sa kanya nang dahil sa pilat sa kanang pisngi. Sa katunayan, kamakailan lang ay sinubok niya ito. Sinabi niyang gusto niyang ipaayos sa surgeon ang naturang pilat. Matindi ang naging pagtutol nito at ang sabi'y tanggap nito ang lahat sa kanya mula ulo hanggang paa at ayaw daw nitong may baguhin siya sa sarili para lamang rito. Naro'n man daw ang pilat o wala ay wala raw magbabago sa nararamdaman nito sa kanya. Para raw dito ay siya ang pinakamaganda at pinakaespesyal na babae sa buong mundo. Magmula nang araw na marinig niya iyon ay mas lalo pa niyang minahal ang lalaki.
"I love you, Ygritte." usal nito bago unti-unting ilapat ang mga labi sa kanyang mga labi. "I love you so much."
Tinugon niya ang mga halik nito. "I love you more, Jon." she whispered under her breath.
Nang mga sandaling iyon ay alam ni Ygritte na isang matagal na niyang kahilingan ang tinupad ng Diyos. Ang mapabilang sa isang masaya at mapagmahal na pamilya. Hindi siya nagkaroon niyon dati pero bumawi ang Diyos sa pamamagitan ng pagkakaloob kina Jon at Bran sa kanya. Ang dalawang pinakamahalagang lalaki ngayon sa kanyang buhay. Ang mga ito ang bumuo sa ideal family na matagal na niyang gustong magkaroon. Parang wala na yata siyang ibang mahihiling pa pagkat pakiramdam niya ay nasa kanya na ang lahat. She was loved by not just one but two wonderful men. At dahil sa pagmamahal ng mga ito, alam niya na ang kahuli-hulihang piraso ng wasak niyang pagkatao noon, ay ganap nang nabuo ngayon. J
*WAKAS*
![](https://img.wattpad.com/cover/198223482-288-k519098.jpg)
BINABASA MO ANG
She Will Be Loved [COMPLETED]
RomanceIsang pilat ang iniwan ng ama ni Ygritte sa kanyang mukha. Ngunit higit na malalim doon ang pilat na iniwan nito sa kanyang pagkatao. Sa pagdating ni Kit, nakalimutan niya ang mapait na nakaraan. Subalit magawa nga kayang punan ng pagmamahal nito an...