Nine

3.5K 57 1
                                    

NAPAHINTO sa pag-aayos ng mga gamit si Ygritte nang bigla siyang yakapin ng kaibigang si Arya mula sa likuran. Nang mga sandaling iyon ay naghahanda na sana siya sa pag-uwi. Alam niyang alam nito na may atraso ito sa kanya kaya nilalambing siya nito. Ang dami-dami na nilang napag-usapan pero hindi pa rin nito sinasabi kung bakit hindi nito binanggit sa kanya na para pala sa pinsan nito ang lunch na pinagsaluhan nila kanina.

"Pasensya na kung hindi ko sinabi sa'yo, Ygritte." ang ipinahayag nito habang nakayakap pa rin sa kanya. "Nag-aalala kasi ako na baka hindi ka magpunta kapag nalaman mong may iba akong relative dito sa bahay."

Napabuntong-hininga siya nang malalim. Alam niyang hindi lingid rito na mayro'n siyang inferiority complex dulot nang pilat sa kanang pisngi. Nahihiya siyang makihalubilo sa ibang mga tao nang dahil doon. It was the same reason kaya hindi siya nagkaroon nang malaking circle of friends noong nasa kolehiyo pa sila at hindi siya active sa mga activities kung saan ma-e-expose siya sa tao. Kilala siya noon bilang isang malaking introvert, at bukod kay Arya, wala nang iba pang nagtangkang makipagkaibigan sa kanya.

"I-It's okay," Alam niyang ginagawa ng kaibigan ang lahat to make her feel that she's worth it. Ang problema lang talaga ay mismong ang sarili niya. She's trying her best to live her life, pero sa tuwing makikita niya ang pilat sa kanyang mukha, she can't help but to be stucked in the shadow of the past. "Pero sana next time sabihan mo na ako."

"Yeah, really sorry!" ang napangiti nang tugon nito bago kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya. "Anyway, what do you think of Jon?" sa isang iglap ay bigla nalang segway nito. "He's really nice naman di ba?"

Natigilan si Ygritte at hindi nagawang tumugon sa tinuran ng kaibigan. Hindi niya alam kung bakit maski pangalan lang nito ang marinig niya ay nagkakandagulo-gulo na ang kanyang sistema. The guy has a certain appeal to her and he makes her feel nervous everytime he's around. Hindi maganda ang kutob niya ukol sa damdamin na iyon kaya naman pagkatapos nang nangyari sa lunch kanina, she made up her mind that she will avoid the guy, before anything unwise happened.

"I know I haven't mentioned him to you. It's because their family migrated to the England ten years ago. Nagulat na nga lang si daddy when he received a call from him last week saying that he wants to go back here in the Philippines for a vacation." pagkukwento nito nang walang matanggap na tugon mula sa kanya. "We have a feeling na napagod na rin siya sa lifestyle niya doon sa abroad. Jon is a really private person at hindi niya gustong may nag-i-intrude sa kanyang buhay. I have a feeling na gano'n ang nangyari nang maging familiar face siya sa England. Gusto niya sigurong huminga muna kaya bumalik siya rito."

Walang ideya si Ygritte kung bakit sinasabi iyon sa kanya ni Arya. She enjoyed hearing things about Jon pero hangga't maaari ay pinipigilan niya ang sarili dahil hindi niya gustong magkaroon lalo ng dahilan upang mas lalong humanga sa lalaki. Kaya naman para hindi na siya makarinig pa ng anumang bagay ukol rito ay naisip niyang magpaalam na sa kaibigan.

"Arya, uhm, I think it's getting late," sumulyap siya sa suot na relong-pambisig. "Perhaps, I should go now."

"Sus, kung bakit ba naman kasi ayaw mong pumayag na dito nalang din magdinner, eh." anitong mukha namang hindi nahalata ang kanyang pag-iwas sa tinatakbo ng kanilang usapan. "Anyway, sige, paalam lang muna tayo kina Mommy at kay Daddy."

Nagtungo sila sa may sala kung saan nila naabutan na umiinom ng tea ang mag-asawang Starks.

"Dalawin mo ulit kami rito, hija, ha? Or perhaps..." wika ni Mrs. Starks nang magpaalam siya rito. "Perhaps, you could come with us when we go to Palawan this coming weekend." Sinulyapan nito ang asawang nakaupo sa tabi nito. "Ano sa tingin mo, Dad?"

Napamaang si Ygritte sa narinig na tinuran ni Mrs. Starks. She had been close enough to them kaya naman parang kapamilya na rin ang turing nito sa kanya pero tila sobra-sobra naman na yata ang naiisip ng ginang. Sumulyap siya sa kaibigang si Arya as if asking her help to turned down the idea of her mom. Pero isang simpleng thumbs up lamang ang nakuha niyang tugon rito.

"Yeah, that would be a great idea, Ma." ang susog naman ni Mr. Starks "Last year, may nabili kaming beach house sa Palawan, at binabalak namin na dalhin doon si Jon para makapagbakasyon talaga siya."

Kumabog na naman nang malakas ang dibdib ni Ygritte nang banggitin nito ang pangalan ni Jon. Bakit ba hindi niya naisip na kasama ang binata sa pagpunta ng mga ito sa Palawan. Nagkaroon lalo tuloy siya nang mas matinding dahilan para tanggihan ang mga ito.

"Ah, naku, hindi na po siguro," pagdidismiss niya sa pinaplano ng mga ito. "M-Magiging busy rin po kasi sa office nitong mga susunod na araw, eh."

"Oh, ganun ba," napatango-tango si Mrs. Starks na halatang nanghinayang. "Pero pag-isipan mo pa rin, tutal naman, sa weekend pa naman iyon, hija."

"S-Sure, no problem po, Tita." Nakahinga siya nang maluwag nang hindi na nito ipilit pa ang naisip. "Sige po, mauuna na po ako."

"Naku, medyo madilim na hija, hindi na safe magcommute." wika naman ng Daddy ni Arya nang mapansin ang oras sa wall clock. "Gusto mo ba ipahatid na kita sa driver namin na si Mang Petyr?"

"Pero, dad, may pinabili po kayo kay Mang Petyr!" pag-i-imporma naman ng kaibigan sa ama nito. Mayamaya, biglang nangislap ang mga mata nito nang makitang pababa si Jon mula sa hagdan. "Oh, heto pala si cous, eh!" wika nito na halos ikatumba ni Ygritte pagkat tila may kutob na siya sa pinaplano nito. "Hi, Jon! pwede mo bang ihatid si Ygritte?"

Nagkasalubong ang mga paningin nila nito subalit siya ang unang umiwas. "N-Naku, huwag mo nang abalahin ang pinsan mo." ngalingaling na sabi niya. "Kaya ko naman, eh."

"No, it's okay," Para siyang binuhusan nang malamig na tubig sa mukha nang umalingawngaw ang baritonong tinig nito. "Wala rin naman akong gagawin. Mabuti na yung sigurado na makakauwi ka talagang safe."

"Oh, ayun naman pala, hija." ang nakangiting sabi ni Mr. Starks. "Pumayag ka nang ihatid ka ng pamangkin ko, okay?"

Wala na siyang nagawa kung hindi ang napipilitang tumango. Alam niya namang hindi rin siya hahayaang umuwi mag-isa ng mga ito kahit ano pang tanggi ang gawin niya. Pasimple niyang pinukol nang matalim na tingin ang kaibigan na nagpeace sign lang ulit sa kanya. Parang gusto niya itong sabunutan sa kagagahan nito.

She Will Be Loved [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon