NAIINIS na bumaba si Ygritte mula sa big bike ni Jon. Hindi niya alam kung saang lugar siya nito dinala. Natatakot siyang maaksidente sila nito kanina kaya hindi niya nagawang umalma. Hinubad niya ang suot na helmet at pahagis na inabot dito. Nakita niyang mataman itong nakatitig sa kanya. Pinukol niya ito nang masamang tingin.
"Ano bang kalokohan ito, Jon?!" ang pabulyaw na tanong niya rito. "Saang lugar mo ba ako dinala?!"
"I'm sorry kung hindi muna kita iniuwi." ang sabi nito na walang sinagot ni isa man sa kanyang mga katanungan. "Gusto ko kasing pag-usapan muna natin kung ano man ang proble –"
"Walang problema, okay?!" pamumutol niya sa anumang sasabihin pa sana nito. "Pwede bang inuwi mo nalang ako?!"
He stared intently at her. "No, hindi tayo uuwi hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung ano talagang problema." matigas na pahayag nito.
Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang natigilan. Iyon kasi ang unang pagkakataon na nahimigan niya nang authority ang tinig nito. Gayunman, pinilit niyang huwag magpaapekto rito.
"Fine!" ang may himig panghahamong sabi niya rito. "I won't bother you anymore." humugot siya nang isang malalim na hininga. "Uuwi ako mag-isa."
Pagkasabi niyon ay tinalikuran na niya ito. Nagsimula siyang humakbang palayo rito. Hindi niya naramdaman na sumunod ito sa kanya. Nagpatuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa mamalayan niyang tumutulo na pala ang kanyang mga luha. Sinubukan niyang balewalain iyon subalit di kalaunan ay bumigay na rin siya. She felt so lost all of a sudden. Naupo siya sa gitna nang daan at doon na ibinuhos ang lahat.
Ilang sandali pa at nakarinig siya nang mga yabag na tila palapit sa kanyang kinaroroonan. Huminto ang naturang yabag sa may harap niya. Nag-angat siya ng ulo at sa kabila nang nanlalabong paningin nang dahil sa luha ay pinilit pa rin niyang aninagin kung sino iyon. It was no other than Jon. Pakiramdam niya ay muli niyang natagpuan ang sarili nang matagpuan siya nito. He extend his hands towards her. Nang abutin niya iyon ay hindi niya napigilan ang sariling yakapin ito. She lean on his hard chest at saka niya ipinalupot nang mahigpit ang mga braso sa bewang nito. Naramdaman niyang tinugon din nito ang kanyang yakap.
"I-I'm sorry... I know hindi dapat kita dinadamay sa mga issues ko sa buhay... it's all my fault." patuloy ang kanyang pag-iyak sa may dibdib nito. "A-Alam ko ginagawa mo ang lahat para iparamdam sa akin na espeyal ako... na mahalaga ako. Pero may mga pagkakataon talaga na nahihirapan akong paniwalaan 'yon." Naramdaman niya ang marahang pagtapik nito sa kanyang likuran. "I feel like... I feel like I don't deserved someone like you."
Nang marinig iyon ay kumalas ito sa pagkakayakap niya at hinarap siya. "Alam mong hindi totoo 'yan. Hindi mo dapat iniisip ang mga bagay na iyan. You're worth more than I deserved, Ygritte." pinahid nito ang luha sa kanyang mga mata gamit ang likod ng kamay nito. "You told me I make you special. Pero alam nating pareho na hindi sapat 'yon. Kailangan matutunan mo ring maappreciatte ang sarili mo, Ygritte."
"Y-You don't understand. Hindi gano'n kadali iyon. Look at me, I'm scarred, hindi lang sa labas kundi pati rin sa loob." She let out a sigh and try to hold back at her emotions. "I-I was a product of a broken family, Jon. Nawitnessed ko ang walang katapusang pagbabangayan ng parents ko. Buong buhay ko, wala akong ibang hiniling kundi ang mapabuklod sila, para mapanatiling buo ang pamilya namin. But look what I get for wishing such thing." She points out the marked in her right cheek. "I got this, at ang masaklap pa, sarili kong ama ang gumawa nito sa akin."
Napaiyak na naman siya sa muling pag-alala sa nakaraan. Kinabig siya ni Jon at muling niyakap nang mahigpit. She felt both relieved and safe inside the warmth of his loving arms.
"You won't feel empty again. I will fill every vacant places in your heart. I will fill it with all the love you never had before." sinserong ipinahayag nito bago kumalas sa pagkakayakap sa kanya at direktang titigan siya sa mga mata. "Forget about this night and come with me, Ygritte."
![](https://img.wattpad.com/cover/198223482-288-k519098.jpg)
BINABASA MO ANG
She Will Be Loved [COMPLETED]
RomanceIsang pilat ang iniwan ng ama ni Ygritte sa kanyang mukha. Ngunit higit na malalim doon ang pilat na iniwan nito sa kanyang pagkatao. Sa pagdating ni Kit, nakalimutan niya ang mapait na nakaraan. Subalit magawa nga kayang punan ng pagmamahal nito an...