Thirty-three

2.7K 38 0
                                    

PINAGMASDAN ni Ygritte si Jon habang ihinihimpil nito ang big bike nito sa tapat nang isang kilalang restaurant kung saan sila magbebreakfast. Hindi siya nagsising ibinigay niya nang buong-buo ang sarili niya rito. He made her feel that she's want, she's loved, and that she's worthy. Nagawang paghilumin nang bawat halik at haplos nito hindi lamang ang pilat sa kanyang pisngi kung hindi pati na rin ang pilat sa buo niyang pagkatao.

Finally, pagkatapos nang mahabang panahon, pakiramdam niya ay nagawa niya na ring makalaya sa mapait niyang nakaraan. He freed her and now she felt like a new person. But above all, she was even more happy to know that he loved her back. Hindi matutumbusan nang kahit na ano pa man ang kaalamang minamahal rin siya nito. Siguro iyon ang reward sa kanya ng Diyos sa lahat nang naging mga paghihirap niya, and damn, it was a really good reward.

Magkahawak-kamay silang pumasok sa loob ng restaurant. Naagaw kaagad nito ang atensyon nang karamihan sa mga babaeng customer. But he didn't seemed to notice dahil sa kanya lamang nakatuon ang buong atensyon nito. Nag-order ito ng pagkain para sa kanilang dalawa. Ilang sandali pa at isa-isa na iyong isinerve ng waiter. Nagkwentuhan sila habang kumakain.

"So, what made you decide to return here in the Philippines?" tanong niya rito. Alam niyang naikwento na sa kanya ni Arya ang ilang mga bagay tungkol dito. Gayunman, gusto niyang marinig iyon sa mismong bibig nito.

"Vacation, mainly." pinahiran nito ng table napkin ang bibig. "I spend almost all my life to perfect my craft in England. I want the people to appreciate it. But turned out, they grew more interested to the artist, and not his work." Napabuntong-hininga ito. "As you see, I am a really private person, Ygritte. I don't like it when people start to intrude on my personal space. I need to take a break kaya naisip kong bumalik rito."

Nakakaunawang ngumiti siya rito. Arya's theory of her cousin's return was right after all. Naiimagine niya kung gaano kahirap para ditong tanggapin ang katotohanan na mas nakafocus sa kanya kaysa sa craft niya ang mga tao. Jon was indeed a real artist at heart. Hindi ito katulad nang iba na ang gusto lang ay pera at kasikatan. He has a genuine passion to what he's doing. Pakiramdam tuloy niya ay mas lalong lumawig ang paghanga niya rito.

"Please excuse me," mayamaya ay paalam nito sa kanya. "Pupunta lang akong comfort room."

Tinanguan niya ito at saka ihinatid ng tanaw habang naglalakad palayo. Nang maglaho ito ay muli niyang itinuon ang pansin sa kinakain. Subalit agad rin nabaling ang atensyon niya sa cell phone nitong naiwan sa mesa. Nag-ilaw iyon at ilang sandaling nagvibrate. Nakita niyang nagtext si Arya dito.

Nacurious siya kung ano kaya ang laman ng mensahe nito. Sinubukan niyang balewalain ang kuryosidad na nararamdaman pero hindi siya nagtagumpay. Parang may malakas talaga na pwersang nag-uudyok sa kanyang pakialaman ang cell phone ng binata. Nag-aalinlangang dinampot niya iyon at binasa ang mensahe ng kaibigan dito.

What happened, Jon? Magkasama pa rin ba kayo ni Ygritte? Nagtatanong na sila dito. Please update me kung ano nang balita. Again, thanks for doing this, cous. I know I've put you on a complicated situation when I asked you to court her. Napag-isip-isip ko na hindi rin tama at unfair rin ito sa side ni Ygritte. Hayaan mo, tatapusin na natin ito pagbalik n'yo, at magkasama nating ipapaliwanag sa kanya ang lahat.

Binundol nang matinding kaba ang dibdib ni Ygritte. Naguguluhang binasa niya ang iba pang conversations ng dalawa. She read something about self-esteem. Kesyo makakatulong daw si Jon para maboost ang self-esteem niya, na mapapasaya daw siya nito, at kung ano-ano pa. Nanghihinang napakapit siya sa kinauupuan. She can't grasp everything but she do understand one thing: Isang malaking set-up lamang ang lahat sa pagitan nila ni Jon. Set up na ang mismong kaibigan niyang si Arya ang nagplano. Kaya pala noon pa man ay sadyang tila pinaglalapit na silang dalawa nito ng binata.

"I'm back. Sorry kung natagalan ako. There has been a problem in – " Natigilan ito sa pagsasalita nang mapansin na hawak niya ang phone nito. Nakakasisiguro siya nang mga sandaling iyon na may hinala na ito kung ano ang nakita niya doon. Napapalunok na napatitig ito sa kanya. "Ygritte..."

Nangingilid ang mga luhang sinalubong niya ang mga mata nito. "N-Niloko n'yo ako," halos hindi iyon lumabas sa kanyang bibig.

Umiling ito at saka lumapit sa kanya. "No, let me explain." Tinangka siyang hawakan nito pero umiwas siya.

"Don't you ever touch me!" Isang malakas na sampal ang pinadapo niya sa pisngi nito. "M-Manloloko... mga manloloko!"

Pagkasabi niyon ay lumuluhang tumakbo siya palabas ng restaurant. Naihilamos naman ni Jon ang kamay sa mukha dala ng labis na frustration. Hinablot nito ang jacket sa ibabaw ng mesa at dali-dali siyang hinabol.

She Will Be Loved [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon