Twenty-one

2.7K 35 0
                                    

ISANG malalim na hininga ang pinakawalan ni Ygritte sa pagtatapos ng kantang kanyang pinapakinggan. Nagmulat siya ng paningin at nilanghap ang malamig na hanging nagmumula sa dalampasigan. Napangiti siya pagkat pakiramdam niya ay biglang gumaan ang kanyang pakiramdam at pansamantala niyang nalimutan ang mga bagay na kanina lang ay gumugulo sa kanyang isipan. Listening to music and drawing herself to it never fails to make her feel wonderful as ever.

Nagdesisyon siyang bumalik na sa loob ng beach house subalit laking gulat niya nang may mamataan siyang isang pamilyar na lalaki na nakaupo sa may porch. Kumabog nang malakas ang kanyang dibdib pagkat sa pakiwari niya ay kanina pa ito nagmamasid sa kanya. Pinagmasdan niya ito nang mabuti, noong una ay tila isa lamang itong anino, subalit habang tumatagal ay unti-unti na niyang nakikilala ang nasabing lalaki, si Jon!

Napalunok si Ygritte sa realization na si Jon ang lalaking nagmamasid sa kanya mula sa porch. Sa isang iglap ay hindi niya matukoy kung ano ang kanyang gagawin. Babalik ba siya sa loob ng beach house na parang walang nangyari o lalapitan niya ito para ipaliwanag ang mga nasaksihan nito. Naisip niya na magmumukha siyang katawa-tawa rito kung basta niya lamang niya itong tatakbuhan kaya naman mas pinili niya ang lumapit dito.

"J-Jon, a-anong ginagawa mo dito sa labas?" ang ipinahayag niya sa nanginginig na tinig nang makalapit na siya rito. "B-Bakit gising ka pa?"

Kaparis nang madalas nitong gawin ay ilang sandaling nanatiling nakatitig lamang ito sa kanya. Pakiramdam tuloy ni Ygritte ay para siyang isang yelo na unti-unting natutunaw sa mga titig nito. Hindi siya yumuko subalit iniwasan niyang makipag-eye-contact sa binata.

"I'm not sleepy yet," ang tugon nito makalipas ang ilang sandali. "You?" umiling siya at napangiti ito. "Kung gano'n, pwede bang dumito ka muna?" tinapik nito ang space sa tabi nito.

Nang tumango siya ay inabot nito ang kanyang kamay at inalalayan siya sa pagsampa sa platform na inuupuan nito. Pagkatapos niyon ay isang nakabibinging katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Sinulyapan niya ito at nakita niyang nakatingin ito sa kalangitan. Sa kandungan nito ay nakapatong ang tila isang sketch pad. Napaisip siya kung ano kayang nakapaloob sa mga pahina niyon. Subalit agad ring nawala ang atensyon niya doon at nabaling sa gwapong mukha nitong nasisinagan ng liwanag ng buwan. Looking at it left her breathless all of a sudden. Sa sobrang pagkatorete doon ay hindi niya tuloy napaghandaan ang biglang paglingon nito na naging dahilan upang magsalubong ang kanilang mga paningin. Dali-dali siyang nagbawi ng paningin saka tumikhim.

"A-Ahm... ano... yung kanina," aniyang hindi matumbok-tumbok rito ang gustong sabihin. "A-Ano kasi... nakikinig ako nang music tapos hindi ko namalayan... masyado pala akong nacarried away." Nakagat niya ang kanyang lower lip sa sobrang hiyang nararamdaman. "Sorry... nahihiya ako kasi... nawitness mo pa tuloy yung kawirduhan – " Hindi na niya nagawa pang ituloy ang sasabihin dahil nagsalita na ulit ito.

"Ssshh," ang sabi nitong nakapagpahinto sa kanya sa pagsasalita. "It was not weird." ang sinserong ipinahayag nito. "Actually, I've never seen such breath-taking scene in my life." napangiti ito sa kanya. "You were so beautiful back there, Ygritte."

Sa pagkakataong iyon ay muli na namang napigilan ni Ygritte ang kanyang hininga. This man saw something in her na hindi niya magawang makita sa sarili niya, and for that, she felt special somehow. Hindi na niya alam kung anong gagawin niya dito dahil habang tumatagal, ang simpleng attraction na nararamdaman niya para rito ay unti-unting lumalalim. She smiled at him then looked at the night sky. Ito na yata ang isa sa mga pinakamagandang gabing nangyari sa buhay niya.

She Will Be Loved [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon