Sixteen

2.9K 41 0
                                    

NAPABUGA ng hangin si Ygritte nang makitang pumarada sa harapan nang bahay nila ang isang kulay pulang Porsche. Sa unang sulyap pa lang ay nakilala na agad niya iyon. Sasakyan iyon nang kaibigang si Arya. Hindi pa ulit sila nagkakausap nito at sa halip ay isang text message lamang ang ipinadala nito sa kanya noong nakaraang gabi para ipaalam na susunduin siya nito kinabukasan. Natitiyak niyang iniwasan talaga siyang tawagan nito gaya nang dati nitong ginagawa dahil alam nitong tatalakan niya ito.

Napipilitang lumabas na siya para salubungin ito. Mabuti nalang at nakapagpaalam na siya sa ina bago pa man ito umalis patungo sa pwesto nito sa palengke. Parang gusto niyang umatras sa huling minuto pero alam niyang imposible na iyon dahil napasubo na siya. Isa pa'y nahihiya siya kay Mr. Starks na pinakiusapan pa ang kanyang boss na bigyan siya nang vacation leave. Kaya naman wala na rin siyang nagawa at napaimpake na siya nang di oras. Naisip niyang hangga't maaari ay iiwasan na lamang niya si Jon habang nasa Palawan sila kahit pa alam niyang mahihirapan siyang gawin iyon.

"Magandang buhay, Ygritte!" ang masiglang salubong ni Arya sa kanya pagkakababa ng Porsche. "Ready ka na ba?"

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Hoy, Arya! Huwag mo nga akong dinadaan sa ganyan. You owe me an explanation at kailangan ko na iyong marinig ngayon kung hindi – " Natigilan siya sa walang kawawaang pagsasalita nang makitang bumaba mula sa driver's side si Jon.

Sa isang iglap ay natulala na naman siya sa nagdudumilat na kagwapuhan ng lalaki. He's wearing his legendary Ray-ban shades. Isang simpleng itim na V-neck shirt at kupas na maong naman ang damit nito. Parang bigla tuloy siyang nauhaw sa hotness na taglay nito.

"Hi, Ygritte!" ang nakangiting bati nito sa kanya. Sa sobrang pagkatorete rito ay hindi tuloy niya nagawang mag-react agad nang kuhanin nito sa kanya ang bitbit niyang travelling bag. Inilagay nito iyon sa loob ng trunk ng sasakyan. "I'm glad nagbago ang isip mo at sasamahan mo kami sa Palawan."

"H-Hello, Jon. Ikaw ang pala ang nagdrive ng sasakyan ni Arya. H-Hindi kita agad napansin." Ang sa wakas ay nagawa niyang ipahayag nang makapa ang sariling dila. Sinulyapan niya ang kaibigan at nakita niyang ngiting-aso ito. Lalo tuloy siyang nainis sa sarili dahil hindi niya magawang itago ang tensyon na nararamdaman kapag kaharap niya ito. "Y-Yeah, masaya rin ako na makakasama ko kayo."

He smiled the sweetest smile of him at pakiramdam niya ay biglang nawala sa lugar ang kanyang puso nang dahil doon. "So, let's go?" ang ipinahayag nito. "I'm sure hinihintay na tayo nina Uncle sa bahay."

Tumango siya at nagsimula nang humakbang patungo sa direksyon ng backseat subalit laking gulat niya nang unahan siya doon ni Arya. "Ygritte, ikaw naman sa passenger's seat. Gusto ko kasing magfocus sa binabasa kong libro. Hindi ako makapagconcentrate 'pag may katabi ako, eh."

Magpapahayag pa sana siya nang pagtutol nang muli itong magsalita. "Please?" Nagpuppy eyes pa ito. "Salamat!" mayamaya ay sabi nito kahit hindi pa naman siya sumasagot.

Pinagsarahan na siya nito ng pinto. Nakamaang na napatitig na lamang siya doon. Nang makahuma ay kagat-labing sumulyap siya sa passenger's seat. Hindi niya namalayang binuksan na pala iyon ni Jon para sa kanya. Nakita niyang nakapwesto na ito sa manibela at hinihintay siya. Napapalunok na wala na siyang nagawa kung hindi ang pumwesto sa tabi nito. Hindi niya ba alam sa sarili kung anong kalokohan ang tumatakbo sa isip ng kaibigan at tila pinaglalapit sila nitong dalawa ng lalaki.

She Will Be Loved [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon