Three

4.2K 61 0
                                    

"MAGANDANG araw po, Manang Marcella."

Ang bati ni Ygritte sa middle aged na mayordoma nina Arya pagdating niya sa bahay ng mga ito. Nakangiting tinanguan lamang siya nito bago siya pinagbuksan ng gate. Kilalang-kilala na siya nito pagka't noong nasa kolehiyo pa sila ni Arya ay madalas siyang yayain nang huli na magsleep over doon. Nalimitahan lamang iyon buhat nang makagraduate sila at maging abala sa kanya-kanyang trabaho. Ihinatid siya nito patungo sa loob ng bahay.

Nang makapasok ay kagyat na nagbalik sa kanya ang mga alaala noong nasa college pa sila. Sa naturang bahay kasi sila nagrereview at gumagawa ng mga projects nila noon. It's a real mystery kung paano sila naging magkaibigan nito gayong magkaibang household ang kinamulatan nila. Galing ito sa isang mayaman at maituturing na modelong pamilya habang ang sa kanya ay isang malaking kabaligtaran niyon.

"Maupo ka muna." ang ipinahayag nito nang marating nila ang sala. "Tatawagin ko lang ang seniorita sa taas."

Nakangiting tumango lamang siya rito. Nang makaalis na ito ay nagtungo siya sa sofa at naupo roon. Habang naghihintay ay hindi niya maiwasang pagtuunan ng pansin ang ilang mga naging pagbabago sa loob ng bahay. Nadagdagan ng ilang mamahaling paintings ang wall at napalitan rin nang higit na mas malalaking chandeliers ang malawak na kisame. Nalula siya nang subukan niyang isipin kung magkano kaya ang halaga nang mga iyon. Maya-maya, nadistract siya nang maramdaman na tila may nagmamasid sa kanya mula sa front door. Wala sa loob na napalinga siya. She felt her heart race when her eyes saw the captivating man in Ray-Ban shades.

She Will Be Loved [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon