Ten

3.3K 53 0
                                    

NATETENSYONG pinagmasdan ni Ygritte si Jon habang iniinspeksyon nito ang isang itim na big bike. Hindi siya takot na sakyan ang mga gano'ng uri ng sasakyan. She just don't like the idea na ihahatid siya nito. Kung alam lang nito kung gaano siya naiilang sa ideya na iyon. Parang gusto niyang liparin nalang ng hangin o di kaya ay lamunin nalang ng lupa para lamang maiwasang mangyari iyon. Mayamaya, nang mapansin na tila patapos na ito sa ginagawa ay huminga siya nang malalim, at dali-daling kinalma ang sarili upang hindi nito mahalatang kinakabahan siya.

"The bike's ready." anunsyo nito bago iabot sa kanya ang hawak na helmet. "You should wear this."

She glance over the bike para tingnan kung may spare helmet pa ito pero mukhang iisa lang iyon. "P-Pano ka?"

"I'll be fine, promise." paninigurado nito sa kanya. "Sabi mo nga fifteen-minute ride lang naman ang papunta sa inyo." ngumiti ito sa kanya. "Saka mas mapapanatag ako kung ikaw ang magsusuot niyan."

Ygritte felt her cheek flushed. He's one heck of a gentleman and he's making her heart swell. Ito na nga ba ang iniiwasan niyang mangyari, eh.

"S-Sige, ikaw ang bahala." Isinuot agad niya ang hawak na helmet bago pa nito tuluyang mapansin ang pamumula ng kanyang pisngi. "Let's go?"

Tumango ito at saka nagpatiuna nang sumakay ng bike. Nang pasakay na siya ay inabot nito ang kanyang kamay upang alalayan siya. Sa ikalawang pagkakataon, Ygritte felt how their hands seemed to perfectly fit each other, as if the spaces between her fingers was really made to fill the spaces on his.

Binuhay nito ang makina nang big bike. "Kapit kang mabuti sa akin." ang bilin nito sa kanya pagkatapos.

"Okay," tumango siya at saka humawak sa bewang nito kahit pa naiilang siyang gawin iyon. Ilang sandali na siya sa gayong posisyon ngunit hindi pa rin nito pinapaandar ang naturang bike. Nagtatakang sumulyap siya rito. "A-Anong problema?"

"You're not holding tightly." ang ipinahayag nito at saka kinuha ang magkabila niyang braso at ipinalupot nang mahigpit sa bewang nito. Natigilan si Ygritte when she felt the hard muscles on his back and stomach. Para rin siyang nahipnotismo sa masarap sa ilong na amoy ng cologne nito. "It should be this way."

Pagkasabi niyon ay saka pa lamang nito pinaharurot palabas ang minamanehong big bike. Sa takot na maramdaman nito ang mabilis na tibok ng kanyang puso ay bahagya niyang inilayo ang sarili rito. She tried her best to focus on the road pero hindi niya magawa dahil lahat nang senses niya ay nakatuon nalang dito. Pasimple niyang sinulyapan ang gwapong mukha nito mula sa side mirror and she felt her heart skip a beat. Nang sandali ring iyon ay nasigurado niya sa sarili that she's really attracted to the guy.

"You can drop me off on that two-storey building, Jon." pag-iimporma niya rito matapos matanaw ang apartment kung saan sila nangungupahan ng ina. Gaya ng sabi niya, it's just fifteen minute ride pero pakiramdam niya, eternity had passed habang nakayakap siya sa bewang nito. Pinatay nito ang makina ng sasakyan at muli siyang inalalayan pababa. "Thank you."

"You're welcome." nakangiting tugon nito sa kanya. "I'm glad to get you home safe."

She smiled back at him bago niya isoli pabalik rito ang helmet. "Gusto mo ba munang pumasok?" paanyaya niya rito.

"Nope, it's okay." inabot nito ang helmet at saka agad na ring isinuot. "Maybe, some other time."

"Okay, salamat nalang ulit sa paghatid." matipid na muli siyang ngumiti rito. "Mag-iingat ka."

Nakangiti ring tumango lang ito sa kanya bago muling binuhay ang makina ng big bike. Napabuntong-hininga na lamang siya habang pinagmamasdan niya ito palayo. He's really nice to her kaya naman hindi niya napigilan ang loob na agad na mahulog rito. Gusto niyang isipin na gaya nang kung paano siya nito tingnan ay mayro'n talaga itong espesyal na bagay na nakikita sa kanya pero alam niyang lolokohin niya lang ang sarili kapag ginawa niya iyon. She's scarred outside and inside at alam niyang walang sino mang lalaki ang makakaappreciate sa kanya.

She Will Be Loved [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon