Twenty

2.7K 35 0
                                    

NAKATINGIN sa kalangitan si Jon habang nakaupo sa platform na nagsisilbing harang na nakapalibot sa porch. Nakalapag sa kanyang tabi ang kanyang sketch pad at pencil. Sinusubukan niyang magconceptualize ng mga ideya para sa mga bagong paintings na gagawin niya pero walang ibang pumapasok sa kanyang isipan kung hindi si Ygritte. Siguro nga ay may kasunduan sila ng pinsan pero hindi niya iyon naiisip kapag kaharap niya ang dalaga. Lahat ng salita at mga actions niya ay totoo at mula sa puso. Hindi niya maipaliwanag kung bakit gano'n nalang ang concern niya sa dalaga. Basta't ang alam niya lang ay gusto niyang maiparamdam dito sa kahit na anong paraan na espesyal ito dahil iyon naman talaga ang totoo.

"Maybe there's a way out of this cage where you live. Maybe one of these days you could let the light in. Show me how big your brave is."

Naputol ang kasalukuyang diwa ni Jon matapos marinig ang na tinig na iyon. Nagpalinga-linga siya upang hanapin ang pinanggagalingan nang nasabing tinig. Natigilan siya nang dumako ang kanyang paningin sa kabilang panig ng porch ilang hakbang lamang ang layo mula sa dalampasigan. Nakatayo doon ang babaeng kanina pa tumatakbo sa kanyang isip. Nililipad ng hangin ang mahabang buhok nito habang umiindak ito sa saliw ng tugtuging pumapailanlang sa ilalim ng earphones na nakapasak sa tenga nito. Napakabreath-taking ng anyo nito habang ginagawa nito iyon kaya naman hindi napigilan ni Jon ang sarili na damputin ang kanyang sketch pad at iguhit doon ang dalaga.

She Will Be Loved [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon