Fifteen

2.9K 41 0
                                    

NAKATALUNGKO si Ygritte sa kanyang desk habang pinaglalaruan ng isang kamay ang hawak na ballpen. Laman pa rin ng kanyang isipan ang nangyari kanina kaya naman hindi niya magawang magconcentrate sa kanyang trabaho. Sa sobrang pagkadistracted ay hindi niya tuloy namalayan na nakalapit na pala sa harapan niya ang kanyang boss. Nagulat pa siya nang maulinigan ang mahihihang pagtikhim nito.

"S-Sir, kayo po pala," ang kanyang naibulalas nang makita ito. Gayon na lamang ang kahihiyang naramdaman niya na nadatnan siya nito sa gayong ayos. Dali-dali siyang umayos mula sa kanyang pagkakaupo. "A-Ahm, may iuutos po ba kayo sa akin, Sir?"

Nakangiting umiling ito. "Naku, wala naman, gusto ko lang sanang personal na iabot ito sa'yo." Isang brown envelope ang inilapag nito sa kanyang desk.

Nagtatakang pinagmasdan niya iyon. "P-Para saan po ito, Sir?" dinampot niya ang envelope at itinaas iyon.

"Three-day vacation leave." ang walang anumang ipinahayag nito. "Kinausap kasi ako ni Eddard. Hinihiling niya na kung maaari sana ay bigyan kita niyan para makasama ka sa kanila sa pagpunta nila sa Palawan this coming weekend." tuloy-tuloy na paliwanag nito. "Eh, naisip ko naman, isa ka sa mga masisipag na empleyado ko rito sa opisina at deserved mong makapag-unwind kahit paminsan-minsan man lang."

"W-Wait lang po, Sir." ang naguguluhan niyang ipinahayag. Napangiti siya nang alanganin rito. "H-Hindi ko po kasi maintindihan, eh." napakamot siya nang ulo. "S-Sino po bang Eddard ang sinasabi ninyo?" Iisa lang naman ang kakilala niyang may pangalan niyon at iyon ay walang iba kung hindi ang ama ni Arya. Gayunpaman ay gusto pa rin niyang makasigurado. "A-Ang sinasabi n'yo po bang Eddard ay si Mr. Eddard Starks?"

Tumango ito sa kanya. "Oo, kaibigan ko siya at inaanak niya ang panganay kong babae." pag-iimporma nito.

Napalunok siya sa narinig na tinuran nito. Sa loob nang ilang taon na pagtatrabaho niya sa opisinang iyon ay no'n lamang niya nalaman na kaibigan pala ng kanyang boss ang ama si Arya. Nakakasigurado siyang ang kaibigan ang nag-udyok sa amang kausapin ang kanyang boss na bigyan siya ng three-day vacation leave para makasama siya sa mga ito sa Palawan. Naku, sasabunutan niya talaga ito kapag nakita niya ito.

"N-Naku, sir, parang hindi ko naman po yata matatanggap ito." itinulak niya palapit dito ang naturang envelope. "S-Saka, parang magiging unfair naman po yata sa mga co-employee ko na habang nagbabakasyon ako, nagpapakahirap silang magtrabaho rito."

"Ano bang magiging unfair. Pwede naman silang magpaalam sa akin kung gusto din nilang magfile ng maiksing vacation leave. Papayagan ko naman sila." dinampot nito ang envelope at muling inilapag sa kanyang palad. "Sige na, tanggapin mo na 'yan, magagalit ako sa'yo kapag hindi mo 'yan kinuha."

Nakakagat-labing sinulyapan niya ito. "P-Pero... sir..." magsasalita pa sana siya subalit naunahan siya nito.

"Wala nang pero-pero, Ygritte." ang pinal na ipinahayag nito. "Magkita nalang tayo Tuesday next week."

Pagkasabi niyon ay tinalikuran na siya nito. Naiwan naman siyang namomroblema sa kanyang desk. Bukod sa nakokonsensya siyang magbakasyon sa panahon ng trabaho ay hindi niya rin gusto ang ideya na makakasama niya nang tatlong araw sa Palawan si Jon. Kasalanan lahat iyon nang makulit niyang kaibigan. God, sasabunutan niya talaga ito kapag nagkita sila.

She Will Be Loved [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon