Thirteen

3.2K 49 0
                                    

NAKAUPO sa may pool side si Jon at nakatingin sa malayong dako na animo'y hindi alintana ang malamig na hanging bumabayo sa kanya. Natinag lamang siya nang masanggi ng kamay ang bote ng beer sa kanyang tabi. Dinampot niya iyon at inisahang lagok ang natitirang laman. Nagdulot iyon ng kakaibang init sa kanyang lalamunan pababa sa kanyang tiyan. Napabuga siya ng hangin at saka muling ibinalik ang paningin mula sa malayong dako. Para pa rin niyang naririnig ang naging pag-uusap nila ng pinsan noong nakaraang gabi.

"A-Arya, anong sinasabi mo?" ang hindi makapaniwalang tanong ni Jon sa pinsan matapos magsink-in sa kanya ang huling tinuran nito. "Gusto mong ligawan ko si Ygritte?" Gusto niyang isipin na ginugoodtaym lamang siya nito ngunit nanatiling seryoso ang mukha nito. "B-Bakit?"

"W-Well," nag-alis ito ng bara sa lalamunan. "N-Naisip ko lang kasi na baka makatulong ma-boost yung self-confidence at self-esteem ni Ygritte kapag may isang lalaking nagparamdam sa kanya na espesyal siya." Sinulyapan siya nito at saka pinukol nang isang defensive na tingin. "S-Saka... di ba 'yon din naman ang sabi mo... na espesyal siyang babae?"

Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang nagbuga ng hangin. "Oo, sinabi ko nga iyon, pero parang hindi naman yata tama yung pinaplano mong – " Hindi na niya nagawa pang ituloy ang sasabihin dahil nagsalita na ulit ito.

"Anong mali sa pinaplano ko, Jon?" ang ipinahayag nito sa bahagyang mataas na tinig. "Gaya ng sabi ko kanina ay gusto ko lang naman matutunan ni Ygritte na kahit papaano ay maappreciate ang sarili niya." Napahikbi ito at sandaling naalarma si Jon pagkat inakala niyang iiyak ito. "Kailan pa naging mali ang hangarin na mapabuti ang isang kaibigan?"

Natigilan siya at hindi niya nagawang tumugon nang maramdaman ang tensyon na biglang bumalot sa pagitan nila. Nakita niyang ipinaling nito sa ibang direksyon ang paningin saka humugot nang isang malalim na hininga. Marahil ay sinusubukan nitong kalmahin ang sarili. Nang tila magtagumpay ito ay muli itong humarap sa kanya at tinitigan siya.

"Kung alam mo lang kung gaano kahirap sa aking makita siyang minamaliit ang sarili niya. Noong nasa College pa kami, sa tuwing tutuksuhin ko siya sa mga schoolmates naming lalaki, iiling lang siya at ngingiti sabay sabing wala raw lalaking magkakagusto sa isang babaeng tulad niya na sira na nga raw ang pamilya ay sira pa ang mukha. Of course, hindi totoo 'yon, I know for a fact dahil kaibigan ko siya and I appreciate everything about her. Kaya lang naman walang lalaking naglalakas-loob lumapit sa kanya kasi inilalayo niya talaga yung sarili niya sa mga ito sa takot na mahusgahan lang siya. Ironically, siya pa yung unang-unang nanghuhusga sa sarili niya kaya gano'n din tuloy ang nagiging feedback sa kanya ng mga tao sa paligid niya."

Napahinto ito sa pagsasalita nang mapagtanto na nagiging emosyonal na naman siya. Napasinghap ito at saka tumingala sa taas na halatang pilit nilalabanan ang nagbabadyang pagpatak ng mga luha. Ilang sandali nitong hinamig ang sarili bago siya muling hinarap.

"Ginawa ko na lahat para lang maipakita at maiparamdam sa kanya kung gaano siya kaganda at ka-espesyal despite her scar and her family's background pero wala pa rin talaga, eh. It was as if that thought became a mechanism in her brain na hindi na niya magawa pang alisin o palitan. She became miserable because of that. Alam kong sa kabila nang mga ngiti niya ay hindi niya magawang maging masaya nang lubos." There was a determination in her eyes nang sulyapan siya nito. "Nararamdamn kong hanggang ngayon ay gano'n pa rin ang tingin niya sa sarili niya. Kaya naman hindi mo ako masisisi kung maging ganito ako kadesperada. I want to see her happy, Jon, at umaasa ako na magagawa mo talaga akong tulungan."

Nagbalik sa kasalukuyan ang diwa ni Jon nang makarinig nang mga yabag na tila palapit sa kanyang kinaroonan. Nang luminga siya sa kanyang likuran ay nakita niya ang pinsan. Awtomatikong sumilay sa mga labi nito ang isang apologetic na ngiti nang magsalubong ang kanilang mga paningin.

"Hey," tinapik siya nito sa balikat bago naupo sa kanyang tabi. "Sinasabi ko na nga ba at dito lang kita makikita, eh."

Isang matipid na ngiti lamang ang itinugon niya rito pagka't hanggang ngayon ay hindi niya alam ang sasabihin rito. Kahit ito ay tila hindi rin alam kung paano siyang iaapproach muli. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila bago iyon nahalinhan ng mga pagtikhim mula rito.

"J-Jon, gusto ko sanang magsorry sa outburst ko noong nakaraang gabi." ang ipinahayag nito. "It's hard to explain pero pagdating talaga kay Ygritte ay nagiging emotional ako." sumulyap ito sa kanya. "Sorry again."

"No, it's okay." nakakaunawang ngumiti siya rito. "Naiintindihan ko naman kung anong pinanggagalingan mo, eh."

Noong hindi pa natutuklasan ni Jon ang nakaraan ni Ygritte, sa hindi matukoy na dahilan, ginusto na niyang pawiin ang lungkot na bumabalot sa mga mata nito. Kaya naman mas lalo lamang tumindi ang pagnanais niyang gawin ang bagay na iyon nang marinig sa pinsan ang tungkol sa mga pinagdaanan nito. Alam niyang kung papayag siya sa hinihinging pabor nito ay magkakaroon siya ng pagkakataon upang maisakatuparan ang ninanais.

"Thanks, Jon." ang ipinahayag nito saka nagpakawala rin nang isang matipid na ngiti bago muling sumeryoso ang mukha. "B-by the way, alam ko, parang hindi appropriate na ungkatin ko ulit yung tungkol sa pinag-usapan natin last night, pero gusto ko lang kasing malaman mo na seryoso ako tungkol doon." ang paalala nito sa kanya. "I badly need your help, Jon. Alam ko, napakaikling oras lang ng ibinigay ko sa'yo para makapag-isip pero kailangan ko na talagang malaman ang desisyon mo." mataman siyang pinagmasdan nito. "Pumapayag ka ba sa pabor na hinihingi ko sa'yo?"

Jon fell silent. Pinakiramdaman niyang mabuti ang sarili. Natuklasan niya iyong sumasang-ayon sa pabor na hinihingi ni Arya. Gaya nito, he wants to see Ygritte happy, pero higit pa doon ay gusto niyang siya ang maging dahilan niyon. Kung bakit ay hindi niya pa alam ang dahilan sa ngayon. Basta ang tanging alam niya lang ay nakahanda siyang harapin ano man ang maging kabayaran nang gagawin niyang iyon. Sinulyapan niya ang pinsan at saka ito tinanguan tanda nang pagpayag niya sa ibig nito.

"Goodness, Jon! Hindi mo alam kung gaano kalaking bagay ito para sa akin! Thank you so much!" Niyakap siya nito ngunit agad rin namang kumawala. "Gawin na natin ito as soon as possible." ang makahulugang ipinahayag nito. "I have a plan."

She Will Be Loved [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon