Thirty-nine

2.8K 47 1
                                    

PINAGMASDAN ni Jon ang kanyang mga paintings na nakadisplay sa isang bahagi ng mall kung saan kasalukuyang ginaganap ang isang art exhibit. It showcase the beauty of the only woman she love in different breath-taking angle. Sa isang iglap ay hindi niya tuloy maiwasang itanong sa sarili kung kailan kaya ulit niya masisilayan ang kagandahang iyon. It's been a year magmula nang bumalik siya nang bansa ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya natatagpuan ang kinaroroonan ng dalaga. Pumayag siyang isali sa art exhibit na iyon ang mga paintings niya para dito sa pag-asang may isang makakakilala dito at makakapagturo kung nasaan na ito.

"Hey, cous!" Napalingon siya sa kanyang likuran at kagyat na sumilay sa kanyang mga labi ang ngiti nang masilayan ang pinsan. "Surprise!"

"Arya!" lumapit siya rito at sinalubong ito nang isang mahigpit na yakap. "Mabuti naman at nakapunta ka."

"Sa tingin mo ba ay papalampasin ko ito?" Nagmasid ito sa paligid at namangha ito nang makita kung gaano karaming tao ang naroon. "Wow, this seemed to be a very successful exhibit, cous." ang ipinahayag nito. "Congratulations to you and to the other painters na kasama mo."

"Thanks so much, Arya!" Kinayag niya ito palapit sa kinaroroonan ng mga paintings. "Here, take a look also."

Natigilan ito nang di sinasadyang mahagip ng paningin ang mga paintings niya kay Ygritte. Sa isang iglap ay biglang nangilid ang mga luha nito habang tinitingnan nito ang mga iyon. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa.

"I missed her, Jon." ang ipinahayag nito mayamaya sa nanginginig na tinig na halatang pinipigilan ang mga luha. "For some reason, bigla nalang siyang nawala sa dating tinitirahan nila mula nang umalis ka." ang malungkot na saad nito. "Labag sa loob ko noong umalis papuntang Hongkong kasi gusto ko siyang hanapin. Pero wala akong nagawa kasi iyon ang gusto ni papa." humugot ito ng tissue sa bag at pinahiran ang ilang butil nang luhang namuo sa gilid ng mata nito. "Sa tuwing umuuwi ako ng bansa ay pumupunta pa rin ako sa dati nilang tinitirahan at nagbabakasakaling makikita ko siya pero hanggang ngayon ay bigo ako."

Kahit siya ay missed na missed na rin ang dalaga. Mahigit anim na taon siyang namalagi sa England subalit kahit kailan ay hindi ito nawaglit sa kanyang isipan. Patuloy niya pa rin itong minamahal sa kabila nang lahat ng nangyari. Kaya naman nang hindi na makayanan ang pangungulila rito ay nagdesisyon siyang bumalik na ng bansa para balikan ito. Wala na siyang pakialam kahit na ipagtabuyan lamang ulit siya nito. Ang nasa isip niya noon ay nakahanda siyang gawin ang lahat para lamang makamit ang inaasam-asam na pagpapatawad nito at makasama itong muli. Kaya naman gayon na lamang ang panlulumong naramdaman niya nang matuklasan na wala na ito sa dating tinitirahan at walang sino mang nakakaalam kung nasaan na ito. Kahit sa opisinang dating pinagtatrabahuhan nito ay nagresign na rin daw ito. Sa kabila niyon, hindi siya basta sumuko sa paghahanap rito. Hanggang ngayon ay naniniwala at umaasa pa rin siyang magkikita sila nito. Naputol ang kasalukuyang diwa niya nang biglang tumunog ang phone ni Arya.

"Excuse me, cous." ang paalam nito sa matapos kuhanin ang phone sa bag. "I have to take this call."

Tinanguan lamang niya ito. Nang makaalis ito ay siya naman ang nagmasid sa painting ni Ygritte. Kahit yata paulit-ulit ay hindi siya magsasawang titigan iyon. Mayamaya ay nawala siya sa konsentrasyon nang maramdaman niyang may humihila sa laylayan ng suot niyang jacket. Nang tingnan niya kung sino iyon ay isang batang lalaki ang kanyang nabungaran. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay isang damdaming hindi niya magawang pangalanan ang biglang lumukob sa kanya nang makita ito.

"Hi there, little boy." nakangiting bati niya rito saka siya yumukod para mag-abot sila nito. "What's your name?"

"Hi, sir. Ang pangalan ko po ay Bran." ang bibong tugon nito na lalong nagpawili sa kanya. "Itatanong ko lang po sana kung kayo po ang nagpaint sa kanya?" Itinuro nito ang paintings niya kay Ygritte.

Something caught Jon off guard. Nagtataka siya kung bakit nagkainteres ang musmos sa mga paintings niya kay Ygritte na wari ba ay kilala nito ang dalaga. Ang isa pang ipinagtataka niya ay kung bakit gayon na lamang kagaan ang loob niya dito na para bang matagal na niya itong kakilala.

"Oh yeah, ako nga." ang nagawa niyang ipahayag makalipas ang ilang sandali. "Bakit mo naitanong, little boy?"

"Ang ganda-ganda po kasi niya," ang nakangiting sabi nito na hindi inaalis ang paningin sa mga paintings. "Kamukha niya po ang mama ko."

Natigilan si Jon sa narinig na sinabi nito. May kung anong kaba ang biglang bumalot sa kanyang dibdib. Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang bata at mataman itong tiningnan sa dalawang mga mata.

"K-Kamukha niya ang mama mo?" ang hindi magkandatutong sabi niya rito. Tumango ito. Napalunok naman siya. "A-Ahm, nasaan siya?" ang pigil-hiningang muling tanong niya rito. "Pwede ko ba siyang makita?"

"Nasa kabilang hall lang po," ang ipinahayag nito. "Sandali lang po ha?" he smiled widely at him. "Tatawagin ko lang po."

Pagkasabi niyon ay nagtatakbo na palayo ang bata. Inihatid niya naman ito nang tanaw palayo. Ayaw pa ring paawat ng kabog ng kanyang dibdib.

She Will Be Loved [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon