Fourteen

3K 43 0
                                    

NAGMAMADALING bumababa ng sinasakyang bus si Ygritte. Panay pa rin ang sulyap niya sa suot na wristwatch. Nakita niyang mahigit labing-limang minuto na siyang late. Nafrustrate siyang lalo sa kaalamang iyon. Kung bakit ba naman kasi umalis na ang unang biyahe ng bus nang dumating siya sa istasyon. Kinailangan pa tuloy niyang maghintay nang susunod na biyahe. Next time talaga ay mas bibilisan na niya nag pagkilos.

Pagbaba niya ay namataan niyang walang mga nakapilang tricycle sa paradahan. Kulang isang kilometro nalang naman ang layo ng opisinang pinapasukan niya at kung tutuusin ay pwede na sanang lakarin pero mas mapapabilis sana kung sasakay na siya ng tricycle. Naghintay siya nang mga ilang minuto subalit walang dumating. Pinasya na niyang maglakad, tutal naman, late na rin naman siya.

Sa pagmamadali ay hindi tuloy niya napansin ang kasalubong na babae na kahit siya ay mukhang hindi rin napansin. Nagkabanggaan silang dalawa dahilan upang tumilapon at kumalat sa daan ang mga hawak nitong flyers. Napasinghap si Ygritte nang mapagtanto ang nangyari. Kamuntik na niyang sabunutan ang sarili dala nang labis na frustration. Kapag nga naman tinamaan ng kamalasan ang isang tao, oh.

"I'm really sorry," hinging-paumanhin niya sa naturang babae na mukhang nagmamadali rin tulad niya. Tinulungan niya ito sa pagpulot nang nasabing mga flyers. Subalit agad rin siyang natigilan nang di sinasadyang masulyapan ng paningin ang nakasulat sa mga iyon. "N-Naghahanap ng mga bagong staff writers ang publication ninyo?"

Umaayos nang tindig ang naturang babae at sinulyapan siya. "Opo, interesado po ba kayo?" ang ipinahayag nito.

Parang malakas na batingaw na paulit-ulit umalingawngaw sa tenga ni Ygritte ang tanong na iyon ng babae. Natigilan siya at hindi niya nagawang makakilos mula sa kinatatayuan. Sa isang iglap ay isang alaala mula sa nakaraan ang biglang nanariwa sa kanya.

"Anak, tingnan mo ito, oh." ang untag ng ina kay Ygritte habang itinuturo ang masterlist ng kurso na nakadikit sa bulletin board ng unibersidad na pag-e-enroll-an. "Nag-o-offer pala sila nang kursong Bachelor of Arts in Literature." na-e-excite na sumulyap ito sa kanya. "Hindi ba mahilig kang magsulat?" anito. "Tamang-tama, ito nalang ang kuhanin mo!"

May dumaang hinanakit sa kanyang mga mata pagkarinig nang sinabi nito. Ang pakiramdam niya'y muling nanariwa ang sugat sa kanyang puso at maging sa kanyang pilat. Ilang sandaling nawalan siya nang kibo bago niya nagawang tumugon sa ina.

"M-Matagal na po akong huminto sa pagsusulat at ayoko na pong bumalik pa, 'ma." ang wika niya sa nanginginig na tinig at saka wala sa loob na itinuro ang kursong kasunod nang Bachelor of Arts in Literature sa masterlist. "Ito nalang pong Business Administration... ito nalang pong kukunin ko."

Napuno nang magkakahalong lungkot, panghihinayang, at pagsisisi ang mukha ng kanyang ina. Magsasalita pa sana ito subalit agad na niya itong tinalikuran para magpatiuna sa kolehiyo ng Business Ad. Buo na ang kanyang desisyon at wala na itong magagawa para mabago pa ang kanyang isip. Matagal na niyang ibinaon sa limot ang pagsusulat at ang mga hindi magagandang alaalang kaakibat niyon. She will only subject herself again to those memories kung kursong related doon ang kukunin niya. Ayaw na niya, pagod na siya, sawang-sawa na siya. She won't take it kahit iyon pa talaga ang idinidikta ng puso... she won't kahit alam niyang isang bahagi nang kanyang mga pangarap ang gumuho sa pagpapalampas niya ng oportunidad na iyon... she won't kahit alam niyang pagsisisihan niya iyon sa huli.

"M-Miss, okay ka lang?" bumalik lamang sa wisyo si Ygritte nang rumehistro sa kanyang pandinig ang tanong na iyon ng babae. "Kung interesado ka, willing naman akong isama ka sa tanggapan namin ngayon, para makapagsubmit ka na ng requirements sa office."

Napakurap-kurap siya at saka natetensyong ngumiti rito. "N-Naku... h-hindi naman... n-naitanong ko lang." Yumuko siya upang pulutin ang natitirang piraso ng flyers. "H-Heto," inabot niya rito ang mga iyon. "P-Pasensya na ulit ha."

Pagkasabi niyon ay malalaki ang hakbang na tinalikuran na niya ang babae. Narinig niyang tinangka pa siyang tawagin nito subalit hindi na niya ulit ito nilingon pa. She descended to their office, heavy-hearted, pagka't alam niyang isang oportunidad na naman ang pinalampas niya.

She Will Be Loved [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon